Gardo Versoza sheds fierce chieftain persona in epicserye and plays loving dad in new drama series

Gardo played the role of a fierce village chieftain, Rajah Mangubat, in the GMA-7 epicserye, Amaya. In contrast, he now plays loving father to teen star Barbie Forteza in new TV soap, Ikaw Lang Ang Mamahalin.



Nasa adjustment period pa rin si Gardo Versoza, matapos ang isang linggong pagsasahimpapawid ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, ang panghapong drama series na pinagkakaabalahan ng aktor matapos ang kanyang partisipasyon sa Amaya, ng GMA-7.



"Medyo malaki ang adjustment sa routine ko, kasi, kumbaga, yun yung nakasanayan ko," pag-amin ni Gardo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kamakailan, sa set ng ILAM, sa isang mansion, sa Simon St., Multinational Village, Parañaque City.



Dagdag ng aktor, "Yung characterization du’n sa role, magkaiba du’n sa nakasanayan ko, na naka-espada, naka-bahag; ngayon, iba na..."


Gardo played the role of a fierce village chieftain, Rajah Mangubat, in the GMA-7 epicserye, Amaya.



In contrast, isa siyang mapagmahal na ama (ng teenstar na si Barbie Forteza) sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.



"In a way, hindi rin ganu’n kalayo, dahil pareho silang may authority," paliwanag pa ni Gardo, who plays Ferdinand Fuentebella, a businessman, in the new series.

"Yun nga lang, itong role ko ngayon, more on sa pagiging dignified."



Admittedly, Gardo treasured his role in Amaya, which he says, is a "once-in-a-lifetime role."



Para kay Gardo, ang soap opera set, o movie location, ay isang malaking "playground."



"Kumbaga sa bata, parang tina-trato ko [ang role] na isang toy; like, kung bata ka, lagi kang excited sa bagong laruan, di ba?



"Once makuha mo na ang toy na ’yon, ima-maximize mo siya, ’Ano bang kayang gawin nitong laruan na ito?’



"So, masaya ka, ine-enjoy mo siya. Then, pag dumating ang time na matatapos mo nang paglaruan yung toy, tine-treasure mo na siya ngayon.



"’Di ba? Ilalagay mo na siya sa iskaparate; nandu’n na siya. Aalagaan mo, or tinatanaw-tanaw mo na lang siya."



FATHER ROLE. Sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, isang disciplinarian ang ginagampanan ni Gardo sa anak na babae, played by Barbie Forteza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Actually, mabait siya, pero dapat, hindi rin daw ako totally subservient lang du’n sa kapatid ko na si Sheryl [Cruz]; ate ko siya dito. Kailangan, parang maipa-feel ko yung authority, without casting a shadow of doubt over her"



Sheryl Cruz, in ILAM, plays the scheming Amara Luna, who makes life difficult for Gardo’s wife, Lilian, played by Tanya Garcia.



Sa pilot telecast ng serye ay mga eksena nilang tatlo ang ipinalabas at natuwa naman ang aktor sa magandang feedback na natamo mula sa nasabing episode.



Kumpara sa kanyang Rajah Mangubat role, na isa ring ama, hindi lang ng kanyang pamilya, kundi ng buo niyang nasasakupan...



"Mas ’balanced’ dito [sa ILAM]; kasi, yung power and authority ni Rajah Mangubat, parang mas hindi civilized yung treatment," sabi ni Gardo V.



Pero, ayon din sa aktor, ganu’n na lang din ang naging magandang pagtanggap sa kanyang pagganap ng mga televiewers.



Kaya ang daglian niyang pagkawala, o pagkamatay ng character, sa Rajah Mangubat, ay pinag-usapan.



"Nakakataba ng puso, kasi maraming nagtatanong, ’Bakit ka naman pinatay?’ ganyan-ganyan... Nakakatuwa."



INTERNAL POLITICS. Sa simula pa lang ay naging malinaw na kina Gardo Versoza at sa tumatayo niyang manager, Ivy Vicencio, who’s also the actor’s girlfriend, na ang pag-cut sa participation ni Gardo V., as Rajah Mangubat, ay upang "gumalaw" ang kuwento at iba pang tauhan ng Amaya.



"In-explain nila sa amin. Okey naman, dahil may kapalit agad na series," sabi ni Ms. Ivy.



"Feeling mo, may iba pang dahilan kung bakit ’pinatay’ (si Rajah Mangubat)?" balik-tanong ni Gardo sa PEP.



Sa birong ’Baka hindi siya masyadong ’charming’ sa mga staff ng Amaya,’ ay natawa lang si Gardo.



He and Ivy ruled out "internal politics" in the network as the "immediate cause" of the actor’s Raja Mangubat’s role being ’killed’ abruptly in the story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



As observed, hindi maaaring hindi maisip ang gayon, lalo’t hindi rin ang pag-focus sa character ni Bagani (Sid Lucero) ang lumitaw na dahilan, matapos ma-introduce ang isa pang tauhan na ginagampanan ng young actor na si Aljur Abrenica.



Whatever, walang sama ng loob ng couple sa kinahinatnan ng participation ni Gardo sa primetime teleserye.



"Hindi talaga inaasahan ang mga pagbabago," sambit ni Ivy.



"Kahit kami, hindi namin in-expect na gano’n, dahil sabi sa amin noon, hanggang sa ending kasali siya (Gardo). Okey na rin naman, dahil meron nang bago..."



At masaya na rin si Gardo na naging bahagi siya ng unang yugto (part one) ng Amaya.



"Oo," nakangiting pagsang-ayon niya.

"Sabi ko nga, pang ’once-in-a-lifetime’ role yun, na matagal mong mimithiin, tapos, bibihira mo lang mabibili or maibibigay sa ’yo.



"Na ang price tag niya, mahal, Parang yung mga high-tech gadgets din," banggit pa ni Gardo, on his Raja Mangubat role.



Is it true na nagkaroon din ng offer si Gardo sa ABS-CBN nang mabanggit ang biglaang pag-cut ng participation niya sa Amaya?



Ms. Ivy is non-committal. O kung meron mang feelers, hindi ’yon napag-usapan.



"Nasa Amaya pa siya, nag-offer na yung GMA-7, na meron talagang susunod... binigyan naman kami agad ng assurance na merong susunod," sabi rin ni Ivy.



Gardo added, "Habang ginagawa pa yung [last Amaya episodes ni Gardo], nag-assure na sila [sa akin], so parang bilang respeto, ibigay mo na sa kanila [GMA-7] ’yon.



"Walang problema. Very thankful kami," sambit din ng aktor.



ON LOTLOT AND MATET.
Meanwhile, bukod sa mga nabanggit na co-stars, kasama rin ni Gardo Versoza sa Ikaw Lang Ang Mamahalin ang aktres na si Matet de Leon.



Si Matet ang magiging surrogate mom ni Barbie, sa mga unang yugto ng afternoon soap.



"Siguro, kung anuman ang magiging eksena [namin]... dahil tinutulungan ko silang mag-ina," sabi ni Gardo, na for a while ay mawawalay sa tunay niyang anak, matapos mabaliw ang kanyang asawang si Tanya Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sila yata ni Joko [Diaz] ang magkasama.



Bilang co-stars, wala bang ilangan sa set; o may pagka-ilang ba si Gardo kay Matet ngayon, dahil minsan ay naiugnay ang kanyang pangalan sa ate ni Matet na si Lotlot de Leon?



"Wala... bakit naman ako maiilang? Wala ’yon. Kumbaga, yung closeness namin [dati] ni Lotlot is like ’sister-friend’ lang.



"Nabigyan lang ng ibang kulay," sabi rin ni Gardo.



"’Tsaka ano kasi, e, parang yung sa pagiging malambing ni Balot [palayaw ni Lotlot], kaya kami na-misinterpret.



"Sobrang bait din nu’ng tao, so unfair naman kung parang mami-misjudge siya," sambit pa ni Gardo.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN