Mariel Rodriguez says she will be forever grateful to Willie Revillame because if not for him, "hindi kami magkakakilala ni Robin."

Tila hindi mahihirapang mag-adjust si Mariel Rodriguez sa bagong nitong show na Wil Time Bigtime. Aniya, "In all fairness, yung mga ngayon ko lang nakilala, katulad nina Sugar [Mercado], si Shalani [Soledad], sobrang mabait pala, sobrang mahinhin. Baka pati... pag matagal ako dito, pati ako rin mahinhin na."

Ang nakatatawa pa niyang pahabol, "Hindi lang yun, mahahawa siya o ako ang mahawa."


Nag-celebrate ang Wil Time Bigtime noong October 15, 2011, sa pagdating ng bago nitong co-host na si Mariel Rodriguez.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong Kapatid in between commercials ng show.

Una naming tinanong ang tungkol sa "reunion" nila ng main host ng show na si Willie Revillame, na nakasama ni Mariel sa Wowowee ng maraming taon.

Ang kanyang masayang bungad, "Thank you so much. It’s so overwhelming talaga!

"Kasi, hindi ko naman ini-expect na ganun kainit ang pagtanggap nila sa akin talaga.

"Kasi, sabi ko naman sa kanila na huwag na tayong mag-surprise, huwag na tayong gumawa ng kahit ano...

"Pero siguro, more than that, yung hindi n’yo nakikita sa camera, yung pag-welcome sa akin.

"Kasi parang reunion, e, namin ni Kuya Willie, staff...halos lahat sila kilala ko lahat ’yan, e.

"Kaya hindi mo talaga maramdamang hindi ka nabi-belong."

THANKFUL. Siyempre, hindi mawawala ang mister nitong si Robin Padilla sa unang pagsalang ni Mariel sa show.

"Gusto ko talagang pasalamatan sila kasi hindi ko talaga ini-expect na darating si Robin Padilla.

"Ang galing, ang galing ng ginagawa nila.

"Hindi niya [Robin] ako tinext buong araw.

"Sobra talaga, alam mo kanina, naiyak na nga ako kasi hindi ako sanay.

"Kasi siya talaga yung number one na nag-i-encourage, siya talaga yung nagpu-push.

"So, yung parang feeling ko na, eto na, nandito na, tapos ngayon pa ganito, ganun...

"Yun pala may ano, naka-blocking pala lahat. May surprise pala."

Sa dating show ni Willie sa Dos nagkakilala sina Mariel at Robin.

Noong nagkaroon ng falling out ang controversial host sa mga big bosses ng Kapamilya network, si Robin ang nag-pinchhit kay Willie.

Dugtong ni Mariel, "Alam mo kanina, sobra talaga akong naiyak sa backstage sa mga sinabi ni Kuya [Willie], alam mo yung nagkaintindihan kami kahit ilang taon kaming hindi nagkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n’yo bang ang laki talaga ng pasasalamat ko kay Kuya dahil kung hindi siya nawala, hindi kami magkakakilala ni Robin, di ba?

"So, everything happens for a reason talaga."

Kumusta naman sila ng kanyang asawa?

Sagot niya, "Masaya, umalis siya agad, e, kasi meron siyang show kaya nagti-thank you nga ako kasi dumaan sila ng kanyang anak.

"Nag-message pa si Zhen at si Ali na nasa Australia.

"Nakakatuwa nga yung mga tao, nakita lang nila [yung] video pa lang ni Robin, nagtilian na, what more noong lumabas siya.

"Natuwa rin ako kasi kiniss siya ni kuya willie, ang saya-saya."

Sina Zhen at Ali ay mga anak ni Robin sa dati nitong asawang si Liezl Sicangco.

NEW HOME. Aside from hosting sa Wil Time Bigtime, ano pa ba ang plano sa kanya ng bago niyang tahanan?

"Kahit na ano, right now kasi, feeling ko na andaming opportunities na pwede mong gawin, e. So, parang huwag ako ikahon.

"So, kung ano man ang darating, thank you so much, maraming salamat," aniya.

Naikuwento rin ni Mariel ang naging bahagi ng pag-uusap nila ni Atty. Ray Espinosa, and president at CEO ng TV5, bago nagkapirmahan.

"Actually, I met them before pa, bago pa ako mag-Happy Yipee Yehey, meron nang negotiations before.

"Dun pa lang naramdaman ko nang mababait sila, they never pressured me.

"Sabi nila sa akin, and I’ll never forget, sabi sa akin ni Atty. Ray, ’Follow what your heart tells you, because if your heart tells ABS, dun ka muna. When the time comes na ready ka na, then well talk again,’ sabi niyang ganun.

"True enough, di ba, hindi pinilit, dumating yung panahon na yun, ganun pala talaga."

Halos parehas lang daw ang kontrata niya with TV5 sa ABS-CBN.

"Alam mo, sa totoo lang, halos parehas lang, halos parehas lang sa ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang totoo po, halos parehas nung sa ABS.

"It’s just that, ang pamilya ko, they were really pushing me for TV5 and yung word of honor, very important yun.

"At ito po talaga, ang higit sa lahat, is the show, it’s Wil Time Bigtime."

PREVIOUS NETWORK. Naging maayos naman daw lahat ang mga bagay-bagay bago siya lumipat.

"Now is the right time na sabihin ko na lahat po ng mga naging katrabaho ko, wala po akong naging problema sa kanila.

"Lahat sila, they will always remain my friends.

"Actually, I even went to Toni’s [Gonzaga] concert. Bianca, ka-text ko pa rin...both Biancas—Manalo and Gonzales.

"Si Pokwang, ganun din, kasi meron akong relationship na na-build, e, with them."

At gaya nga ng paulit-ulit niyang sinasabi, wala silang alitan ni Toni.

"Kahit ano pa po ang sasabihin ninyo, siya po ang matagal kong kaibigan sa industriya.

"Kaming dalawa po talaga, simulang-simula pa lang ng PBB [Pinoy Big Brother], magkasama na kami.

"So, ngiti pa lang ni Toni, naiintindihan ko na.

"So, just like them, they’re happy for me."

Kaya naman, nakiusap siya na itigil na ang mga intriga tungkol sa kanila ni Toni at sa mga dati niyang kasamahan.

"Sana kayo din, naging happy kayo for us, kasi kami naman walang ganun, they’re very happy for me.

"Lagi nilang sinasabi na masaya kami for you.

"Si Angelica Panganiban kaya [ay] nakakatuwa, pati si Ate Charlene [Gonzalez], ang sweet ni Ate Charlene.

"So, sobra akong natutuwa na wala naman akong na-burn na bridge sa mga boss sa ABS.

"Very very grateful ako sa mga boss sa ABS-CBN, napakahirap talaga, hindi talaga madali.

"May mga days talaga, kumbaga nga sa Eat Bulaga, urong-sulong, oo talaga, minsan pera, minsan bayong, alam mo yun?

"Talagang mahirap talaga, pero at the end of the day, we’re here mga kapatid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang usap-usapan, ang pag-alis daw niya sa Channel 2 ay dahil hindi na siya makakasama sa pagbubukas ng bagong season nbg PBB.

Gaano katotoo ito?

"Well, ang masasabi ko lang diyan is I’m very happy dahil no’ng na-offer sa akin ito, hindi naman ako ni-let go ng ABS.

"In all fairness talaga to them, they gave me a contract also, tinapatan nila. That’s the first time I got a network contract.

"All these years, wala akong network contract, and then, they gave it to me and Big Brother was there.

"Big Brother was there, oo, pero di ko alam kung ano yung mga original nila na plan.

"Pero in the contract that they gave towards the negotiation, Big Brother was there.

"Pero kung may mga ganun, the best person to ask is yung mga taga-doon kasi, di ba?

"As far as I know, as stated in the contract, nandun yun.

"Si-nave ko nga yung contract, e, kasi ngayon lang ako nakatanggap ng ganun.

"Alam nila yun kasi nung binigay nila sa akin yun, sabi ko, ’Wow, sosyal.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN