Janno Gibbs makes a successful comeback in the concert scene

Janno Gibbs on his "secret": "Kahit maliliit lang, kung hindi makakapanood ang family ko, dalawa ang ite-text ko—ang mommy ko at si Bing. Or, magpapadasal ako na ’please pray for me.’ Kapag sumagot sila na ’Kaya mo ’yan. Pinagdasal ka na namin,’ okay na ako. Kailangan ko yung motivation ng dalawang babae sa buhay ko."


Pagkatapos ng halos limang taon, nagkaroon muli ng major solo concert si Janno Gibbs via Janno Gives, na ginanap noong Sabado ng gabi, October 15, sa Music Museum.

Masayang-masaya nga ang King of Soul nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage pagkatapos ng kanyang concert.

"Sobrang enjoy ako!" nakangiti niyang sabi.

"Makikita mo naman. Kapag enjoy ka, makikita sa performance.

"E, nag-enjoy ako. Nag-enjoy talaga ako tonight.

"Lahat ng palakpak, sigaw, tawanan... ’yun ang bayad ko talaga."

ORIGINAL CONCEPT. Maraming segment sa concert na si Janno mismo ang nag-conceptualize. Isa na rito ang mga impersonation niya at pagpapasalamat daw niya sa sponsors.

Isa sa kinanta niya ay ang original version ng "We Are The World," kunsaan ginaya niya lahat ng boses ng mga singer na kumanta nito—katulad nina Michael Jackson, Stevie Wonder, Diana Ross, Cyndi Lauper, at iba pa.

Sabi ni Janno, "Ano ’yun, alam mo, matagal ko nang dream na gawin yun.

"E, parang wala pang chance at nakakatakot.

"Ngayon, nagawa ko na at nakita ko naman na sobrang enjoy ako sa response.

"Nakuha nila. Akala ko hindi get ng iba, pero gets na-gets nila."

Sinabi namin kay Janno ang aming obserbasyon na sa umpisa ay tila may kaba siya, na hindi naman niya itinanggi.

"Oo naman. Kahit sinong artists naman, kinakabahan pa rin. Lalo na ako.

"Pero kapag uminit na ang dugo, kumbaga, okay naman na," sabi niya.

JANNO’S SECRET. Malaking bagay rin daw kay Janno na makita sa audience ang buo niyang pamilya at ilang mga kaibigan.

"Una sa family ko, of course.

"Ako kasi, hindi pwedeng mag-show na wala ang family ko. Kailangan nandoon sila.

"Parang hindi kampante ang loob ko kapag wala ang mommy ko, ang kids ko, si Bing [Loyzaga, his wife]...

"Hindi ako pwedeng mag-show lalo na at wala sila, lalo na at malaking show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan nakikita ko sila sa audience para kampante ako.

"Ganoon talaga ako."

Pagri-reveal pa ni Janno, "Sa ibang shows ko, ’eto, secret ko ’to... Secret ko in every show.

"Kahit maliliit lang, kung hindi makakapanood ang family ko, dalawa ang ite-text ko—ang mommy ko at si Bing.

"Or, magpapadasal ako na ’please pray for me.’

"Kapag sumagot sila na ’Kaya mo ’yan. Pinagdasal ka na namin,’ okay na ako.

"’Yan ang secret ko.

"Kailangan ko yung motivation ng dalawang babae sa buhay ko."

JANNO’S DAUGHTERS. Kumanta rin kasama ni Janno ang dalawang anak niyang sina Alyssa at Gabby Gibbs ng "Batang Bata Ka Pa" na orihinal na awitin ng APO Hiking Society.

Parehong artistahin at pwedeng sumunod sa mga yapak nila ni Bing ang kanyang mga anak. Posible bang doon din papunta ang mga anak ni Janno?

"Ay, sobrang... sabi ko nga, my pride and joy.

"Sobrang proud ako sa dalawang ’yan.

"At saka, sobrang barkada ko sila sa bahay.

"Kami ang magkakalaro. Kaming tatlo," sabi niya.

Papasok din ba sa showbiz ang mga anak niya?

"Baka yung panganay muna, baka si Alyssa, baka bumalik sa showbiz.

"Yung pangalawa, papatapusin ko muna ng high school, at least," sagot niya.

JANNO’S BACK. Ngayong nakabalik na siya sa concert scene, posible kayang masundan ito ng isa pang major concert?

"I hope so, I hope so," mabilis niyang tugon.

"Hayan na, naramdaman ko na. Nag-enjoy na ’ko.

"So, mas lalo ko nang hahanapin ’to.

"Yung passion ko, bumalik at dumoble pa tonight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN