Edgar Allan Guzman says sorry to his manager; promises to prioritize career and family

Edgar Allan Guzman’s manager Noel Ferrer on his ward’s alleged lack of focus on career, lying and live-in issue: "As his manager, I will make sure that what Edgar is be going through will help him mature both as an artist and as a person. Like anything, this too shall pass."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan Guzman last Saturday, October 15 kung saan ipinalabas ang kanilang show na The Yummies sa Zirkoh Morato.

Ibinalita ni Edgar na nagsimula na siyang mag-shoot ng movie for Star Cinema kung saan tampok sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin, under the direction of Cathy Garcia-Molina.

Si Direk Cathy rin ang siyang nagdirek sa kanya at kay Kim Chiu sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Kahit daw kasagsagan ng bagyong Pedring ay natuloy pa rin ang shooting nila sa isang resort. Ang role ni Edgar ay kaibigan ni John Lloyd who owns a resort.

Puspusan at tuluy-tuloy rin daw ang taping nila ng Sa Ngalan ng Ina topbilling Ms. Nora Aunor.

Nai-shoot na raw nila ang ending ng mini series ng Kapatid Network with an all-star cast headed by Christopher de Leon, Rosanna Roces, Nadine Samonte, Alwyn Ignacio and a lot more.

CONFLICT WITH HIS MANAGER? Tinanong ng PEP si Edgar kung nagkausap na sila ng manager niyang si Noel Ferrer.

Balita ng PEP ay nagkaroon sila ng gap ng kanyang manager dahil sa kanyang pagsisinungaling at pagkawala niya sa focus sa kanyang career.

Nabalita kasi na imbes na sumagot siya sa tawag ng kanyang manager, nahuli siyang nagsinungaling nang sabihin niyang natutulog na siya from rehearsal.

Samantalang nabuko siya ng isang taga-press na nakakitang nanonood siya ng sine sa Eastwood Cinema kasama ang kanyang girlfriend na si Johlan Veluz ng Sexbomb dancers.

LIVE-IN ISSUE. Hindi rin mamatay-matay ang balitang nagli-live in sila ng kanyang girlfriend sa isang condo sa Cainta.

Sinasabi kasing ’di na siya umuuwi sa kanyang nanay at mga kapatid. Marami sa ating PEPsters ang nagpapatunay sa mga reaction nila na madalas pa ring nakikita si Edgar sa unit sa Cainta kasama ng girlfriend niya.

Nang sabihin ni Edgar sa manager niya na natutulog na siya, inaasahan din kasi ng nanay niyang dumaan siya sa kanilang bahay noong mga oras na ’yon. Kaya ang tanong ng mga tao, saan nga ba umuuwi si Edgar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interview ni William Reyes sa nanay ni Edgar na lumabas sa PEP noong Oct. 7, 2011, nakasaad na, "hindi itinanggi ng mommy ni Edgar na ang young actor at ang kanyang girlfriend na dati ring taga showbiz ay nagsasama na." (CLICK HERE to read related article)

Pero ang sabi pa ni Edgar, nakatira na raw siya sa kanila at ’di totoong nagli-live in sila ng kanyang girlfriend. Sino kaya kina Edgar at sa kanyang ina ang nagsasabi ng totoo?

Sinabi pa ni Edgar na inaayos naman daw niya ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang lovelife.

Ayon sa kanya, nakatira na siya sa bahay ng nanay niya. Wala rin daw silang gap ng kanyang ina tungkol sa kanyang girlfriend.

Nang tanungin namin kung boto ang mommy niya sa kanyang girlfriend, sinabi ng Cinemalaya Best Actor for Ligo na U, Lapit Na Me na wala naman daw problema sa pagitan ng mommy niya at ni Johlan.

Ayon kay Edgar, nagkausap sila ng kanyang manager two weeks ago at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap.

Sinabi rin ng binata na hindi siya nagpapabaya sa kanyang career. Kung pabaya raw siya ay ’di niya sisiputin ang kanyang mga commitments.

Wala raw sana siya sa Zirkoh noong Sabado kung wala siyang pagpapahalaga sa kanyang career.

HIS MANAGER’S STATEMENT. Humingi kami ng reaction kay Noel Ferrer noong Sunday ng umaga hinggil sa sinabi ni Edgar sa Zirkoh at ito ang sagot niya sa amin thru text—at nasabi rin niya sa kanyang radio program sa 103.5 WOWFM:

"Yes, we talked three weeks ago but it wasn’t a good talk. I won’t say that things are okay kung hindi naman talaga okay.

"But I still go on getting choice projects for him: big movies, the Bench endorsement, one of the Regal Shocker pilot episodes and a lot more. Did I get a thank you for all these recent deals? None so far."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I also hope Edgar stops lying—there’s no justification for lying really. People find out anyway and the lies catch up on you.

"I have always believed in Edgar like he were my own son, but I think he clearly needs focus and guidance now—which he fails to realize in his current set up.

"Focus doesn’t only mean attending to your scheds. It means not neglecting your other responsibilities, thus, eliminating distractions that affect your work. "

"I hope Edgar would really FIX things... This will only happen when his mind is clearer, when his environment is more mature; and when his heart is truly happy, secure... the different aspects of his life are united and at peace."

Samantala, nuong Linggo naman ng gabi, nagkita na sa wakas sina Edgar at ang manager niyang si Noel, sa stage mismo ng Star Awards for Music kung saan nanalo ang grupong Sakto, na kinabibilangan nina Edgar, Rodjun Cruz at Lucky Mercado.

Nakitang medyo awkward at ’di nagpansinan sa stage sina Edgar at Noel. Pero, nakuwento rin ng ilang kasamahan namin sa media na lumapit si Edgar at umupo sa floor ng Ateneo Theater katabi ng manager na nasa may dulo ng theater seats, kung saan naroon din ang ibang Sakto members.

EDGAR’S PROMISE. Tinanong namin si Noel sa naganap nung Star Awards at heto lang ang kanyang ipinaabot thru text:

"For whatever reason, Edgar has said, ’thank you’ and, ’sorry’ at the Star Awards.

"We have begun to talk, and that’s a good start. We shall continue to talk and act on things that have to be done with what he promises to be his priorities: 1. his family and 2. his career.

"As his manager, I will make sure that what Edgar is be going through will help him mature both as an artist and as a person. Like anything, this too shall pass."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN