Arnell Ignacio updates extortion complaint against three policemen; files criminal case against them

"Ayun, sa October 21 matatanggal na sila sa posisyon. Tapos may isinampa akong isa pang kaso sa kanila [Criminal Case] na kanilang haharapin. Dun [sa bagong kaso] puwede silang makulong," says Arnell Ignacio when asked to give update regarding the extortion complaint he filed against three policemen.


Tawa nang tawa ang magaling na komedyante na si Arnell Ignacio nang makausap kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono.

Una naming inusisa ang tungkol sa tsismis na natulala raw ang baguhang indie actor na si Kenneth Salva matapos kunan ang kissing scene nila sa pelikulang Bola.

"Natulala ba? Hindi ko napansin. Parang hindi naman.

"’Tsaka hindi naman torrid kissing scene ’yun. Normal na halikan lang," halakhak ni Arnell.

"’Yun nga lang, medyo napatagal yata, baka siguro first time niya nakipaghalikan sa kapwa lalaki.

"Kasi napansin ko na parang asiwa siya. Kinakausap ko nga siya na trabaho lang yun at walang personalan.

"Kumbaga, ’wag lagyan ng malisya,’" tawa niya ulit.

"Sabi ko kasi sa kanya, parehas kaming lalaki kaya walang malisya sa akin," natawa uli niyang dugtong.

"Ewan ko kung naniwala. Parang hindi," mas malakas pa niyang tawa. "Kaya siguro medyo nabigla."

"Alam mo naman ako, kung ano ang ipinagagawa ni Direk ’yun ang ginagawa ko at pinaghuhusayan ko," tuluy-tuloy niyang halakhak.

"Pero, after nung take... nung eksenang ’yun, parang wala lang, nag-uusap pa kami.

"Kaya hindi naman siguro siya natulala. Kasi kung natulala yun, ’di na ako kinausap.

"’Tsaka, before naman nag-start yung shooting ng pelikula namin, siguro naman nabasa niya yung script at alam niya na may ganung eksena.

BYE SUZUKI, HELLO KENNETH? Totoo ba na si Kenneth na yung ipinalit mo kay Suzuki Sadatsugo?(CLICK HERE to read related article)

"Hindi naman siguro ipinalit. Pangit naman kasing sabihing ipinalit, kasi para naman silang gamit.

"Na ’pag ayaw mo na, papalitan mo na. Hindi naman ganun.

"Iba naman yung sa amin ni Suzuki, naging sobrang close ko talaga yun.

"Hanggang nag-decide na huminto na sa pag aartista at mag-construction worker na lang sa Japan.

"Siguro na-depress sa nangyayari sa kanyang career. Kaya nung feeling niya wala na siyang project, nag-Japan na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Breadwinner kasi ’yun, e. Siya yung inaasahan ng kanyang mga magulang.

"Kaya hindi rin natin siya masisisi kung mas piliin niya ang mag-construction sa Japan. Kasi, at least ’yun sure na may trabaho at kita siya.

"Sa pag-aartista kasi, alam naman natin, seasonal.

"Ngayon sikat ka at may trabaho, pero darating din yung tagtuyot na time na walang-wala ka [project].

"Happy naman si Suzuki sa Japan. Pero, feeling ko, gusto pa rin niyang mag-artista.

"’Yun nga lang, kailangan talaga niyang kumita [para] sa pamilya [niya].

"Tapos si Kenneth naman, mabait na bata yan. Ang alam ko, taga-Davao siya.

"Katrabaho ko lang [siya]. Hindi ko pa siya ganun talaga kakilala at gusto ko lang siya tulungan.

"Nakikita ko sa kanya na pursigido siya sa kanyang pinasok na trabaho.

"Alam ko na gusto niya ring magtagumpay sa pinasok niya [pag-aartista ] kaya nga gusto ko siyang tulungan."

Si Kenneth daw ang apple of his eyes ngayon?

"Ha? Walang ganun! Napakabata pa ni Kenneth. Parang kapatid ko lang siya," natawa niyang sagot.

"Please, ’wag bigyan ng malisya," halakhak niya uli.

So, kung hindi si Kenneth, ibig sabihin loveless siya?

"Iisipin ko ’yan kung loveless ako," biro niya. "Inspirasyon marami. Maraming taong nagpapasaya sa akin.

"Like yung anak ko, si Pie. Siya yung love ko ngayon.

"Siguro lang, masyadong maraming ginagawa. Business at yung naging kaso ko dun sa tatlong pulis, kaya nawalan ako ng oras sa lovelife. (CLICK HERE to read related article)

Ano’ng latest sa kasong extortion na isinampa niya laban sa tatlong pulis?

"Ayun, sa October 21 matatanggal na sila sa posisyon. Tapos may isinampa akong isa pang kaso sa kanila [Criminal Case] na kanilang haharapin. Dun [sa bagong kaso] puwede silang makulong.

Hindi ba siya natatakot?

"Hindi naman, kasi alam ko naman ang pinaglalaban ko.

"Alam kong nasa tama ako. ’Tsaka lagi naman akong may bodyguard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon nga sunud-sunod na naman ang dating ng death threat sa akin habang nagra-radio ako.

Anong nakalagay sa death threat?

"Nakalagay sa text na baka ako na raw ang susunod na mababaril.

Kilala ba niya kung sino ang nagpapadala ng messages na nagbabanata sa kanyang buhay?

"Hindi nga, e! Number lang at walang pangalan. Pero ini-report ko na sa Crame at inaalam na nila kung kanino galing ’yun."

Pero, kahit nga may kinakaharap na problema ay happy naman daw si Arnell dahil marami siyang trabahong pinagkakaabalahan.

"Masaya ako kasi, ’di ba one month akong nag-show sa Japan? Bongga doon!

"Tapos kinuha pa akong endorser ng Speed Money Transfer. Bongga, ’di ba?

"Biruin mo, sa Japan pa ako nakakuha ulit ng endorsement at may TV commercial pa.

"Kaya nga kahit may mga pinagdadaanan ako sa buhay ko ngayon, may marami ring magagandang bagay na nangyayari sa akin. Kaya happy na rin ako.

"Kumbaga, tuloy lang ang buhay. Enjoy life kumbaga," malutong niyang tawa ulit.

"Trabaho lang nang trabaho para makalimutan ang problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN