Model-actor Kerbie Zamora now an object of fantasy among gays because of leading-man role in Zombadings

Kerbie Zamora on gays: "Hindi ko naman dyina-judge ang isang tao dahil bakla sila. Kasi sa industriya, yung mga bading kasi, sila yung mga creative, ganun. Lalo na nung makilala ko sina Raymond Lee [producer ng Zombadings], lalo kong naisip na ang mga bading talaga, creative, na hindi sila dapat i-judge, dapat kilalanin muna."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang model-actor na si Kerbie Zamora sa opisina ng Mercator Artist and Model Management sa Makati.

Si Kerbie ang naging "leading man" ni Martin Escudero sa blockbuster hit na Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington.

Ano ang reaksiyon niya na naging successful sa takilya ang Zombadings?

"Siyempre, sobrang saya, kasi ito yung talagang nagbigay sa akin ng malaking break para makapasok sa showbiz.

"’Tsaka marami yung naiba sa akin, e, kasi marami nang taong nakakakilala, ganun.

"Tapos, sinasabi nila na naa-appreciate nila yung movie," sabi ni Kerbie.

Dumami ba ang gays na nagkakagusto sa kanya after siyang mapanood sa Zombadings?

Tumawa muna si Kerbie bago sinabing, "Medyo, siguro, oo.

"Sa Facebook, puro nag-a-add na mga gays—ang dami, ang dami!"

Ina-accept naman niya?

"Yung kakilala ko lang," sagot niya.

PANTASYA NG MGA BADING. Masasabi ba niyang pagkatapos ng Zombadings ay naging pantasya siya ng maraming bading?

"Oo, sa tingin ko," pagsang-ayon ni Kerbie.

Naging instant crush daw kasi ng mga bakla si Kerbie. Lahat sila ay gusto siyang makahalikan sa hagdanan, tulad ng pinag-usapang eksena nila ni Martin sa pelikula.

"Oo nga, iyon nga yung hindi nila makakalimutan talaga, e, yung hagdanan, e!" natatawa niyang sabi.

Ayon pa kay Kerbie, hindi siya homophobic.

"A, hindi naman. Sa akin, okay sila sa akin.

"Hindi ko naman dyina-judge ang isang tao dahil bakla sila.

"Kasi sa industriya, yung mga bading kasi, sila yung mga creative, ganun.

"Lalo na nung makilala ko sina Raymond Lee [producer ng Zombadings], lalo kong naisip na ang mga bading talaga, creative, na hindi sila dapat i- judge, dapat kilalanin muna."

Inamin din ni Kerbie na naligawan na siya ng bading.

"Oo naman, oo naman... Hindi ko naman tinatanggi iyon.

"Pero ang dapat, marunong ka kung paano i-handle sila, kasi hindi mo naman sila pwedeng bastusin na ganun-ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nasa tamang tiyempo rin at saka pananalita sa kanila," saad niya.

Paano niya na-handle?

"Sabi ko, mas okay siguro na maging kaibigan na lang, kasa-kasama, ganun.

"Hindi naman siguro kailangan ng karelasyon, na may mangyayari, ganun lang.

"Friendship lang talaga," diin niya.

Inamin din ni Kerbie na nakatanggap na siya ng indecent proposals mula sa mga gays.

"Meron. Meron namang naggaganun.

"Yung ibabahay daw niya ako, ganun!" at muling natawa si Kerbie.

"Nito lang, after ng Zombadings.

"Hindi ko siya kilala, e, mga nagme-message lang sa Facebook. Ganun lang.

"Normal naman siguro yung ganun.

"Wala, hindi ko nire-reply-an, hindi ako nagre-reply pag ganun."

May nag-offer din daw sa kanya ng kotse.

"Meron din, pero iyon ang pinakamalala—yung ibabahay daw ako."

Ang mga offers daw sa kanya ay puro sa FB pinadaan.

"Wala pa naman sa cell phone, wala pa naman sa text.

"Alam n’yo naman ang Internet, sobrang lawak kaya expected talaga."

READY FOR MORE? Pagkatapos ng Zombadings, inaasahan ng iba na gagawa si Kerbie ng indie movie na mas grabe ang gagawin at ipapakita niya.

Ready na ba siya rito?

"Sa akin, ready ako kung papayag si Jonas [Gaffud, his manager]. Kasi yung desisyon naman, nasa kanya, e.

"Kung sa tingin ko naman kaya ko, bakit hindi? Gagawin ko. Depende sa manager ko."

Hanggang saan ba ang kaya ni Kerbie?

"Siguro masasagot ko ’yan pag gumanda na talaga ang katawan ko."

May inhibitions lang daw si Kerbie ngayon dahil feeling niya ay hindi pa siya gaanong ready physically.

"Pagkatapos ng Zombadings, nag-workout na ako agad."

Kaya niya ang eksena ni Martin sa Zombadings kung saan naka-boxers ito at ipinakitang may erection?

"A, yun? Sa akin okay lang."

Underwear?

"Naku po, mukhang hindi pa!" tawa niya.

"Hindi naman sa conservative, pero siguro depende rin talaga sa kung anong project ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan talaga naka-briefs?" at muling tumawa si Kerbie.

What about butt exposure?

"Hindi ko po masasagot, siguro hanggang topless pwede naman siguro... Depende naman siguro."

Ano ang nakakapigil sa kanya to show more skin? Hindi naman siya conservative, ayon na rin sa kanya.

"Nakakapigil? Siyempre yung magiging tingin ng ibang tao, ’tsaka hindi naman kasi pwedeng magdesisyon kaagad nang hindi mo kinukonsulta yung gagawin mo.

"Kasi naniniwala ako siyempre, yung may mga taong mas nakakaalam kung ano ang mas nakakabuti sa akin, kung dapat mong gawin ang isang bagay."

FOLLOW-UP MOVIE. Ibinalita rin ni Kerbie sa PEP na may follow-up movie na siya pagkatapos ng Zombadings.

"May bago nang movie under Regal, yung Ded Na Ded po. Ako po yung executive assistant ni Gabby Concepcion.

"Comedy siya, so medyo komedyante ako dito," banggit pa niya

Sa ngayon, concentrated siya sa Ded Na Ded.

"November daw [ang showing], pero hindi ko alam kung kailan ang exact date."

As an actor, nag-workshop siya sa Mercator under Evelyn Vargas and Adolf Alix.

Sa mga fashion shows ay busy rin si Kerbie ngayon.

"Hindi ako nakasali sa Fashion Week.

"Kasi nung go-see nun, tiyempo namang promo ng Zombadings. Palagi kaming wala."

EDGE OVER BRAPANESE MODELS. Ano ang feeling niya na karamihan ng mga kasamahan niya sa Mercator ay mga Brapanese models na sikat na sikat na—tulad nina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, at Akihiro Sato?

"Masaya kasi nandito ako sa agency na maayos mag-handle, and proud siyempre."

Kaibigan naman daw ni Kerbie ang mga kasamahan niyang Brapanese models.

"Oo naman, nakakabatian."

Ano ang pwedeng masabi niyang edge niya sa mga Brapanese hunks na kasamahan niya?

"Marunong akong mag-Tagalog!" tumatawang sagot ni Kerbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN