Jolo Revilla will resume work after being confined due to severe migraine

"Akala ko ordinary migraine lang, pina-MRI [magnetic resonance imaging] nila ako. Sabi nila sa result sa MRI, normal... Biglang pumapasok yung isang doctor, may internal hemorrhage nga raw. Bigla akong kinalabutan, bigla akong namutla. Dumating ang parents ko, nag-decide sila na ilipat ako ng St. Luke’s for second opinion. Dun lumabas na hindi siya internal haemorrhage, e, migraine lang talaga. Namamaga yung brain, pero hindi siya internal hemorrh


Marami ang nagulat at nag-alala nang kumalat ang balita na kaya isang linggo raw na pinagpahinga sa My Binondo Girl si Jolo Revilla ay dahil may nakita raw na internal bleeding sa utak ng young actor.

Lalo pang tumindi ang intriga nang hindi ma-contact si Jolo, bagay na lalong nagpatibay sa kumalat na balita.

Sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) na ginanap sa San Carlos Seminary sa Makati kagabi, October 19, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolo.

Naroon si Jolo para sa tribute na ibibigay sa lolo niyang si Ramon Revilla, Sr. as CMMA Lifetime Achievement awardee.

Agad naming tinanong ang young actor kung ano ba talaga ang naging sakit niya at kung kumusta na siya ngayon.

"Actually, nagsimula siya ng migraine lang, tapos tumaas yung BP [blood pressure] ko ng 170/100.

"Actually, nangyari yun Tuesday last week. Diretso ako Makati Med.

"Akala ko ordinary migraine lang, pina-MRI [magnetic resonance imaging] nila ako.

"Sabi nila sa result sa MRI, normal... Biglang pumapasok yung isang doctor, may internal hemorrhage nga raw. Bigla akong kinalabutan, bigla akong namutla.

"Dumating ang parents ko, nag-decide sila na ilipat ako ng St. Luke’s for second opinion.

"Dun lumabas na hindi siya internal haemorrhage, e, migraine lang talaga.

"Namamaga yung brain, pero hindi siya internal hemorrhage."

Nag-alala nga raw nang husto ang mga magulang ni Jolo na sina Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado.

Kuwento ni Jolo, "Supposed to be, dapat papunta silang Cebu pero hindi sila natuloy."

Hindi ba siya nakakaramdam ng ibang mga sintomas para masabing may dapat talaga siyang ipag-alala?

"Severe migraine lang, kakaibang sakit ng ulo.

"Hindi naman ako nahihilo, basta migraine.

"Bawal sa ilaw, sa pagkain ang dami ring bawal.

"Ngayon, binigyan na ako ng medication just for my migraine, just for everything.

"Nagpa-general checkup na rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero okay na raw ngayon si Jolo.

"Basta ang importante ngayon, magaling na ako.

"Hopefully by Monday [October 24], makapag-taping na [ng My Binondo Girl].

"Okay na ako, nakalabas na ako.

"Five days din ako na-confine, pero by Monday, pwede na raw," saad niya.

Hindi lang sa My Binondo Girl pansamantalang nawala si Jolo kundi nag-leave din siya sa kanyang tungkulin bilang barangay captain sa Bacoor, Cavite.

"Sa ngayon, sa bahay muna ako, nagpapalakas, kasama ang family ko.

"Actually, sa Alabang ako umuuwi ngayon, hindi sa Cavite."

Nagbigay rin ng mensahe si Jolo sa mga taong nag-alala at nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

"Maraming salamat sa mga nagdasal na wala talagang nangyari sa akin.

"Nagpapasalamat tayo sa mga sumusuporta dahil nag-alala sila sa akin.

"Huwag silang mag-alala, okay na ako.

"Si Onyx ay babalik na sa My Binondo Girl.

"Ayoko na talagang magkasakit and sana mawala na itong migraine ko. Iba, ayoko ng feeling."

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD FOR JOLO’S LOLO. Sobra naman ang pasasalamat ni Jolo sa karangalang ipinagkaloob ng CMMA sa lolo niyang si Ramon Revilla, Sr.

"Siyempre itong award na ito, isang napakalaking karangalan para sa family namin.

"Lolo ko ito, dito kami nagsimulang lahat. Walang Bong Revilla, walang Jolo, walang lahat...

"Kaya idol namin siya, kaya kami nandito para suportahan siya all throughout."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN