Atty. Mike Templo on being named Cutest Newsman by spot.ph: "Sabi nga, dagdag-pogi points din, ’di ba?"

TV5 newscaster and immigration lawyer Mike Templo was ranked by spot.ph as the Cutest Newsman in the Philippines. He says, "Kasi lumaki ako na parang ako yung pangit sa bahay. Although, ano lang naman yun, lambing lang at lokohan sa bahay. Tapos outside, sasabihin ikaw ang cutest, ’di ba, parang nakakagulat?"


Ikinagulat at ikinatuwa ng TV5 newscaster/immigration lawyer na si Atty. Mike Templo ang pagkilala sa kanya ng SPOT.ph, isa sa partner sites ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bilang number one sa listahan ng "Top 10 Cutest TV Newsmen: 2011 Edition" para sa bagong henerasyon ng news personalities sa telebisyon.

Lumabas ang listahang ito noong October 5, kung saan tinalo ni Mike para sa top spot ang iba pang news personalities, according to rank, na sina: 2. Mark Zambrano (GMA-7); 3. Jinno Rufino (PBA courtside reporter); 4. Paolo Soler (Camera Geek TV, Net25); 5. Andrei Felix (Umagang Kay Ganda, ABS-CBN); 6. Cris Zuniga (TV Patrol North Central Luzon, ABS-CBN); 7. Kiko Rustia (Born To Be Wild, GMA-7); 8. Warren de Guzman (ANC); 9. Hadji Rieta (GMA-7); at 10. Ian Cruz (GMA-7).

Nakausap ng PEP si Mike sa portfolio pictorial niya sa Pioneer Studios sa Mandaluyong kahapon, October 19.

Ayon kay Mike, hindi raw agad siya naniwala na siya ang number one sa naturang listahan.

Kuwento niya, "Akala ko niloloko lang ako nung friend ko, kasi yung friend ko yung unang nag-text sa akin about it.

"Sabi niya may nag-post ng link sa Facebook, tapos yung isang friend ko, pinost daw yung link from spot.ph nga.

"Wala akong computer that time, so akala ko niloloko lang nila ako.

"Tapos people from TV5 and si Noel Ferrer, nag-text sa akin, doon lang ako naniwala.

"So, that’s the time na I checked it out.

"Hindi ko pa alam na number one ako. Gine-guess ko lang nung una kung ano ang rank ko.

"Nung nag-scan ako kasi, bawat isang page ay isang personality.

"Sabi ko, ’Ano lang siguro ako, mga six or seven,’ ganun.

"Pero nung nag-scan ako from ten to two, ’Ay, wala.’

"Pagdating sa top one, nagulat ako nung makita ko yung sarili ko.

"I was shocked talaga kasi it’s something na hindi ko ine-expect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thankful lang ako sa spot.ph for picking me para sa top spot," sabi ni Mike.

Na-feel niya ba ang kanyang pagiging cute?

"Actually, hindi ko naman kasi iniisip ’yang bagay na ’yan," sagot niya.

"Kasi hindi naman ako conscious sa hitsura ko.

"Hindi rin naman ako yun vain na tao. Yung tama lang na nakikita ko yung sarili ko na malinis at presentable.

"Thank you dahil yun ang tingin nila sa akin.

"Kumbaga, sabi nga, dagdag-pogi points din, ’di ba?"

Sabi pa ni Mike, new batch of TV newsmen ang nakapasok sa 2011 list. Hindi na raw isinama sa listahan yung mga nakasama sa 2010 list.

Ano ang pakiramdam na siya ang "cutest" sa bagong batch?

"Mixed emotions kasi siyempre alaskado ka sa mga friends mo!

"Pati sa bahay, alaskado ako, kasi lumaki ako na parang ako yung pangit sa bahay.

"Although, ano lang naman yun, lambing lang at lokohan sa bahay.

"Tapos outside, sasabihin ikaw ang cutest, ’di ba, parang nakakagulat?"

ANGEL LOCSIN. Dahil ba sa pagiging cute niya kaya siya nali-link maging sa mga artista sa showbiz katulad na lang ni Angel Locsin?

Paliwanag ni Atty. Mike, "Yung kay Angel, actually, matagal na yun, I think it was 2006 or 2007 pa yata.

"Kasi, ’di ba, immigration lawyer ako? The manager of Angel that time, si Becky Aguila, nagpaayos ng mga visa sa akin for her talents Angel and Valerie [Concepcion].

"Ginawan ko rin si Jennylyn [Mercado] and her mom, and then some other talents tinulungan kong mag-process ng visa.

"And then, nagkatuksu-tuksuhan.

"Sabi ni Becky, ’Attorney, single ka ba? Kasi meron akong talent, si Angel.’

"At that time, kakabalik ko lang from the States, so hindi ko talaga ganun kakilala si Angel.

"Kasi when I left for the States para mag-aral was 1998, e.

"So, I guess sumikat siya nung wala ako sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, nalaman ko na nga na she’s a big star na."

Paano nangyari ang una nilang pagkikita ni Angel?

"Kasi nga, ’di ba, nag-aayos ako ng visa ni Jennylyn? Part of the process yung interview practice with me.

"Yung time na yun, kailangan kong ma-interview practice si Jennylyn but she couldn’t, kasi meron silang presscon for a movie.

"So, sabi ni Becky, pumunta na lang ako dun dahil busy nga si Jen kasi the next morning na yung interview niya.

"So, ako yung pumunta doon.

"Pagpunta ko dun, nandun si Angel. Tapos ang daming reporters. Doon nila ako nakita na magkasama kami.

"Tapos, naging isyu na yung pagli-link sa amin, na nililigawan ko si Angel."

Bagamat hinahangaan niya raw at nagagandahan siya kay Angel ay hindi ito nauwi sa ligawan.

"I have to say she’s very nice, beautiful and very attractive.

"Pero siguro, I guess when things don’t click, it just doesn’t click."

Naging hadlang ba ang pagiging sikat ni Angel para ligawan niya ang aktres?

"Hindi naman naging isyu yung pagiging big star niya.

"I guess yung scheduling. I was busy, she was busy.

"At that time din, may mga hinaharap siyang issues. She was moving to ABS-CBN noon from GMA, e.

"And then nung umalis siya from London, nawala na yung communication."

Aware daw si Mike na ang rumored boyfriend ngayon ni Angel ay si Phil Younghusband.

Masaya raw siya para kay Angel dahil nakikita naman niya na masaya ang aktres.

CLAUDINE TRILLO. Kung meron mang celebrity na talagang naging girlfriend ni Mike, ito ay ang dating model at ngayo’y weather girl ng Aksyon Journalismo sa TV5 na si Claudine Trillo.

Ayon kay Mike, siya raw ang naging boyfriend ni Claudine pagkatapos ng aktor na si Zoren Legaspi.

Sumunod daw sa kanya si Jason Webb, na napangasawa ni Claudine pero nang tumagal ay nauwi rin sa hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano katagal ang naging relationship nila ni Claudine?

"Three years din kami," sabi niya.

"Though hindi siya ang first girlfriend ko, masasabi kong siya yung first serious girlfriend ko."

Bakit sila nag-break noon?

"That was the time na papasok ako sa Law school noon sa States.

"Actually, siya yung nag-open sa akin ng idea nang pagpunta sa New York kasi gusto nga niyang tumira doon.

"E, pag may karelasyon ka naman, parang meet-halfway.

"Sabi ko, ’Sige, mag-a-apply ako sa Law school sa New York.

Pag nakapasok, e, ’di ituloy natin yung balak natin.’

"Ganun nga ang nangyari.

"Nung nag-aaral na ako doon, sumama siya.

"She stayed for a year and then hindi niya nakayanan. She went back to Manila.

"Nag-break kami kasi mahirap nga yung long-distance relationship," kuwento ng newscaster.

Sa ngayon ay magkaibigan naman daw sila ni Claudine, lalo na nga’t magkasama pa sila sa newsroom ng TV5.

Minsan nga raw ay binibiro sila ng mga kasamahan nila nang malamang mag-ex sila.

Pero sabi ni Mike, wala na raw silang balak magkabalikan ni Claudine kahit pa nga nakipaghiwalay na ito kay Jason.

ON BEING A LAWYER & NEWSCASTER. Pagkatapos kay Claudine, nagkaroon pa raw ng ilang girlfriends si Mike.

Ang last girlfriend niya ay non-showbiz. Pero sa ngayon single daw ulit siya.

Mas gusto raw kasi niyang mag-focus sa kanyang career bilang newscaster at immigration lawyer.

Pagkatapos niyang maka-graduate sa Touro Law School sa New York, ilang taon din siyang nag-practice ng pagiging lawyer sa Amerika.

Hanggang sa mag-decide siyang umuwi sa Pilipinas para magtayo ng law consultancy firm, ang Templo & Templo Immigration Consultants.

Una siyang pumasok sa telebisyon sa pamamagitan ng Crossing Borders ng ANC, ang news channel ng ABS-CBN. Tungkol sa OFW issues ang show kaya nagagamit niya ang kanyang pagiging immigration lawyer.

Sa ngayon, bahagi siya ng news department ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa siya sa hosts ng Sapul sa Singko tuwing umaga at nasa Aksyon Weekend naman siya pag Sabado at Linggo ng gabi.

May radio show din siya sa DWFM 92.3 Radyo Singko, ang Ibayong Pinoy, tungkol sa mga OFWs.

Paano siya napasok sa TV5?

"After ng Crossing Borders, yung boss ng News5, si Luchi Cruz-Valdez, she contacted me and asked me if I could do newscasting for them.

"It’s something na I’d like to try, so tinanggap ko.

"Yun nga lang, it became a challenge for me kasi I spent 10 years in New York tapos napunta ako sa ANC, an English channel, tapos paglipat ko sa TV5 pure Tagalog.

"Pero nag-e-enjoy ako at marami akong natututunan."

Hindi naman niya iiwan ang pagiging lawyer niya para mag-concentrate sa pagiging broadcaster?

"No, that’s me, e. Yung pagiging lawyer ko, that’s my profession.

"Kumbaga, I’m in media pero pwede rin naman akong maging lawyer at the same time.

"I don’t see any problem para pagsabayin yung dalawang careers ko."

Marami raw local broadcasters na ina-admire si Mike.

"Ang ginagawa ko kasi dun sa mga hinahangaan kong newscasters, may mga qualities sila na kinukuha ko.

"Like si Angelo Castro, I like his cool delivery and credibility.

"I like the feistiness of Korina Sanchez.

"I Noli de Castro, I like his straight-up approach sa politics.

"Si Mike Enriquez, I like yung pagse-set niya ng trend. Yung mga Tulfo brothers [Erwin, Ben, at Raffy], I like the results they get.

"Matapang sila because meron silang gustong mangyari. Hindi sila yung nang-aaway lang tapos wala lang.

"They’re doing that for a purpose and that’s for the good of the people."

NOT ENTERING ACTING & POLITICS. Sa mga hindi nakakaalam, si Mike ay anak ng dating aktres na si Mildred Ortega na sumikat noong 1970s. Tatay naman niya si retired General Mitch Templo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil may dugong showbiz siya, wala ba siyang balak pasukin ang pag-arte?

"Right now, it’s a solid no," sagot ni Mike.

"Nandun na ako sa place na gusto ko, e, in terms of law and media, sa news.

"So, wala akong plano na mag-artista."

Hindi na raw niya naabutan sa pagiging artista ang mommy niya.

"Ang naabutan ko na kasi ay yung pagho-host niya sa Kapwa Ko, Mahal Ko.

"Pero napanood ko yung mga lumang movies niya. Kasama siya dun sa Dyesebel ni Vilma Santos. She’s one of the mermaids."

Since involved din naman siya sa public service lalo na para sa OFWs, posible rin bang pasukin niya ang politics?

"Ako, right now, no," mabilis na tugon ni Mike.

"Parang feeling ko, I’m able to help people naman without entering politics.

"Nagagawa ko naman as a lawyer, as a journalist.

"So, sa tingin ko hindi ko na kailangan pumasok sa pulitika."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN