Iza Calzado has moved on since breakup with Atticus King; enjoys new stint as showbiz reporter

Aminado si Iza Calzado na kabado siya sa bago niyang role ngayon bilang taga-hatid ng tsismis sa programang Showbiz Exclusives. Subalit, kahit maituturing na siyang showbiz reporter ay hindi pa rin nakaiwas sa intriga tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Atticus King. Ayon kay Iza, nag-uusap pa rin sila ni Atticus pero mas gusto na niyang mag "move forward" mula sa nakaraang relasyon.


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actress-host na si Iza Calzado kahapon, October 19, sa GMA-7 compound kung saan naganap ang intimate press conference para sa bago niyang show na Showbiz Exclusives.

Isa si Iza sa trio of hosts na taga-hatid ng showbiz news sa GMA News TV tuwing alas-7 ng gabi.

Kasama niya rito sina Nelson Canlas at Aubrey Carampel ng GMA News.

SWITCHED ROLES. Tila nabaliktad na nga ang role ni Iza dahil kung noon ay siya ang laman ng tsismis at intriga, ngayon ay siya naman ang tagapag-balita nito.

"Actually, I was very scared to host for the show," kuwento ni Iza

"Pero, like anything nga, I just try to be as neutral as possible.

"And kung may sasabihin ako, sisiguraduhin ko na lang na kaya kong panindigan, ’di ba?"

Aminado si Iza na mahirap pagsabayin ang pagiging artista at pagiging lehitimong tagapag-balita.

"Ang hirap, ang hirap. Pangarap kong maging journalist pero gusto ko yung documentary type, e. Yung parang Howie [Severino], Kara [David].

"Pero kung ano man yung ibinigay sa’kin, it’s still always a training ground and it’s still work.

"And it’s fun to be with Nelson and Aubrey. Like I said, it wasn’t as bad as I thought it would be.

"Dati kasi parang ’Oh, my gosh! Showbiz news!" Parang may takot ako dati, e, pero wala naman.

"Parang as long as wala ka naman kasing intention na siraan ang isang tao, and I don’t think [iyon ang goal namin sa show], we just want to deliver the news."

MOVING FORWARD. Bagamat reporter nang maituturing si Iza ngayon, hindi pa rin naman nawawala ang kanyang buhay artista kung saan kaakibat ang mga intriga.

Sa katunayan, sa una nilang taped episode ay na-interview siya ng kanyang co-hosts para sa segment na "Artist Talks."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay napag-usapan ang kakaibang paraan ni Iza sa pagsalag sa mga intrigang ibinabato sa kanya.

Kung may iba kasing celebrities na nagagawang magtaray, lalo na kung natatanong tungkol sa isyung ayaw nilang mapag-usapan, istilo naman ni Iza ang paghawak sa kamay ng nagtatanong sa kanya.

Aniya, "Kaysa naman irapan ko or simangutan ko, e, ’di hahawakan ko na lang. Baka naman madaan ko sa mabuting pakiusapan, ’di ba?"

Personal naman itong na-witness ng entertainment writer na si Mario Bautista na tinanong si Iza tungkol sa ex-boyfriend niyang si Atticus King.

Naging kontrobersyal kasi ang huli nang rumampa ito sa nakaraang Cosmopolitan Bachelor Bash na naganap noong September 15. (CLICK HERE to view photo)

"Wow! Ano naman ang kinalaman ko diyan? Huwag na po nating pag-usapan," sagot ni Iza sabay hawak sa kamay ni Bautista.

Patuloy naman sa pagtatanong ang ilang reporters at nag-komento pa na baka kaya sumabak sa pagpapa-sexy si Atticus ay dahil sa naging break up nila ni Iza.

Natawa na lang ang aktres sa mga komento ng press at muli ay magpahayag na, "You know what, I don’t want to talk about it."

Sa huli, ay napilitan din itong magbigay ng maikling statement tungkol sa kanila ni Atticus na nakakausap pa rin umano niya hanggang ngayon:

"Buhay niya na po ’yon. Malaki na po siya at desisyon niya na po ’yon.

"We talked about that [Cosmo] after, but it’s not as if we talk [regularly].

"I’m trying to move forward. I think it’s part of the process but, you know, I’m trying other things."

Handa na nga raw mag-move on si Iza, bagamat hindi niya ito minamadali.

Nagbiro pa ang aktres na pwede na siyang umibig muli dahil nalampasan na raw niya ang "three-month rule."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN