Christopher de Leon to concentrate on two Kapamilya soaps after finishing his scenes on TV5’s Sa Ngalan Ng Ina

Drama King Christopher de Leon had his last taping day for the TV5 mini-serye Sa Ngalan Ng Ina. He’s slated to start on two teleseryes for ABS-CBN—Doha and Padre de Pamilya.


Nag-last taping day na si Christopher de Leon sa mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina ng TV5 noong Miyerkules, October 19.

Bunga nito’y tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho ng award-winning actor ngayon sa dalawang teleserye ng ABS-CBN—ang Doha at Padre De Pamilya.

Nakumpirma na nga ang pagkakasali ni Boyet sa cast ng mga nabanggit na teleserye ng Kapamilya network, habang tine-tape pa lang ang pilot week episodes ng Sa Ngalan Ng Ina.

Ayon pa sa aktor, working title lang ang Padre De Pamilya, kunsaan dito’y ginagampanan niya ang papel ng ama ni Piolo Pascual.

Ang isa pang bidang young actor dito’y si Jericho Rosales.

Previously, nagkasama sina Boyet at Piolo sa Lovers In Paris, with KC Concepcion.

Sina Boyet at Echo naman, sa Kahit Isang Saglit, with Malaysian actress Carmen Soo.

Interesting ang cast ng Padre de Pamilya dahil Christopher is pitted against two younger generation actors na masasabing "heir apparent" sa pagiging isa niyang Drama King.

"Mahirap sabihin ’yon... meron silang sariling [style]," sabi ni Boyet.

Sa Doha ay may guest role si Boyet. Kasama sa major cast nito ang actress-wife niyang si Sandy Andolong, at tampok din sina Shaina Magdayao at Jake Cuenca.

"Mahaba rin yung Doha [role] ko, e, kahit na guest. About 10 [taping] days.

"Meron kaming shoot sa Dubai ng one week; dito, meron din," banggit pa niya.

Bukod ito sa regular niyang pagte-taping for Padre De Pamilya.

HOTOTAY. Nang tanungin naman ng PEP ang tungkol sa supposed Metro Manila Filmfest entry ng Regal Entertainment, ang Mano Po 7 (Hototay), na balitang isa si Boyet sa magiging leading men ni Nora Aunor, ay non-committal ang aktor.

"Hindi ko alam, e," aniya.

"Binanggit sa akin ni Mother [Lily Monteverde] nung premiere night [ng Sa Ngalan Ng Ina last September 22].

"’O, gawa tayo pelikula!’ Sabi ko, ’O, sige...’ Tapos, wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang formal [offer]. Kailangan naman, formal... ’tsaka, kung festival nila gagawin, hindi ko na kakayanin ’yan.

"Nagte-taping na ako ng Doha, ’tsaka ng [Padre de Pamilya].

"Mahaba rin yung Doha ko, e...ang hirap ipasok nun [Hototay] sa schedule."

Ang latest update, ayon sa artikulo ni Jocelyn Dimaculangan na lumabas ngayong araw, October 21, sa PEP, hindi na nga raw matutuloy ang pagsasa-pelikula ng Hototay para sa 2011 Metro Manila Filmfest.

Ang ulat ay mula sa PEP interview with Mother Lily, who also said na itutuloy pa rin ang filming ng Hototay with Nora para sa 2012. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN