Cristine Reyes sees no problem sharing possible Box-Office Queen award with Anne Curtis

"Siyempre kung dalawa kami, dapat dalawang award iyon," says Cristine Reyes about the possible Box-Office Queen award with No Other Woman co-star Anne Curtis.


Sa thanksgiving presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa 14th floor ng ABS-CBN Bldg. kaninang pananghalian, October 21, ibinalita ni Cristine Reyes na extended ang airing ng afternoon drama series niyang Reputasyon.

"Due to public demand, mae-extend po kami ng two months po.

"Kasi dapat, November lang, ’tapos until next year na kami. Due to public demand.

"So, maraming salamat po, siyempre kay Lord dahil binigyan niya ako ng blessing ulit," pagbabalita ni Cristine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang imbitadong press.

Balita pa ni Cristine, dahil extended sila ay may mga bagong papasok na characters na dapat daw abangan ng viewers ng show.

"’Tsaka yun pala. Kaya tayo nag-presscon daw dahil high rating daw ang Reputasyon," pahabol pang balita ni Cristine.

Ang pahayag na ito ng Kapamilya actress ay base sa national ratings ng Kantar Media-TNS.

SHARING CROWN WITH ANNE. Pagkatapos ng pagbabalita tungkol sa kanyang TV show, agad na pinukol ng mga tanong tungkol sa kanyang box-office movie na No Other Woman ang 22-year-old actress.

Ayon sa Star Cinema, as of October 12 ay kumita na ng P220 million sa loob ng tatlong linggo ang pelikula na pinagbibidahan nina Cristine, Anne Curtis, at Derek Ramsay.

Nalagpasan na raw nito ang kinita ng isa pang Star Cinema movie na pinagbidahan naman nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz nung 2009—ang You Changed My Life.

Isa na nga sa mga tanong kay Cristine tungkol sa No Other Woman ay kung payag ba siyang mag-share sila ng korona ni Anne bilang Box-Office Queen.

"Siyempre kung dalawa kami, dapat dalawang award iyon," sabi muna ni Cristine.

"Okey lang iyon, kesa wala!

"At least, meron akong masasabi ko sa pagtanda ko na, ’Oy, one time naging highest grossing film ako,’ ’di ba?

"Masasabi ko iyon pag nagkaroon na ’ko ng mga anak o apo-apo, ’di ba? Magiging proud ako do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi lahat nagkakaroon nun."

Hindi rin naman daw nila ini-expect na magiging box-office hit ang pelikula nila.

"Bigla na lang kaming lahat nagulat na nag-hit yung No Other Woman. Five days pa lang, nag-P100 million na," nakangiting sabi pa ni Cristine.

BONUS CAME TOO EARLY. At dahil malaki nga ang kita ng pelikula nila, siyempre pa’y may bonus silang natanggap mula sa Viva Films at Star Cinema.

"Nabigay na. Sayang nga, sana ngayon na lang ibinigay, para mas malaki... Joke!" biro ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

At ano naman ang ginawa niya sa kanyang bonus?

"Wala, nakatabi lang sa bangko."

Totoo bang isang milyong piso raw ang nakuha niyang bonus?

"Maliit yata iyong one million... Joke!" biro uli ni Cristine.

Ayaw sabihin ng dalaga kung magkano ang naging bonus niya. "Baka maraming magpa-blowout sa ’kin, e," sabi pa nito.

Pero nagulat daw talaga siya nang makita niya ang halagang nakasulat sa tsekeng ibinigay sa kanya bilang bonus.

"Lumaki ang mata ko! ’Hah! Totoo ba ’to?’"

Wala daw talaga siyang balak pang gawin sa nakuha niyang bonus dahil may pinag-iipunan daw siya.

"Basta secret, kung anuman iyon. Malalaman n’yo na lang," paninikis pa ni Cristine.

NO OTHER WOMAN WITH RAYVER. Parehong maganda ang itinatakbo ngayon ng career at lovelife ni Cristine, tinanong tuloy siya: paano kung maging totoo ang sitwasyon niya sa No Other Woman sa boyfriend niyang si Rayver.

Natawa si Cristine bago nakasagot.

"Naglolokohan kami. Sabi ko, ’Sige, gawin mo, lalasunin ko iyon!’ Ginaganun ko lang."

Pero kung may kino-consider siyang kalaban kay Rayver ay hindi raw babae ito.

"Bola. Basketball," paglalahad ni Cristine.

Pero kahit na ang sport na ito ang kaagaw ni Cristine sa boyfriend, hindi naman daw siya nagseselos dito.

"Hindi ko siya pinagseselosan. Mas mabuti na ganun na lang, kesa yung iba na mahilig sa bar."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita rin ni Cristine na may plano sila ni Rayver na magpunta ng U.S. bilang birthday gift sa kanya ng boyfriend.

"Sa birthday ko hanggang Valentine’s Day. Naku, in-announce ko na talaga, o!" nakangiting sabi ng Reputasyon star.

Los Angeles, Las Vegas, at New York daw ang balak nilang itinerary.

Baka naman doon na nila balak mag-secret wedding ni Rayver?

"Kung magpapakasal ako siyempre ayokong i-secret, ’no! Gusto ko alam ng lahat.

"Ang gusto ko, yung traditional wedding."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN