Edgar Allan Guzman on "rivalry" with Coco Martin: "Wala naman pong rivalry sa ngayon. Kaibigan ko si Coco, ’tsaka idol ko siya."

Nagbabantang maging "drawback" sa magandang tunguhin sa career ni Edgar Allan Guzman ang mga issue na nauukol sa kanyang personal na buhay, partikular ang may kinalaman sa kanyang love life. Ang napapaulat, nagiging "sagabal" ang relasyon nina Edgar Allan at ng dating Sex Bomb Dancer na si Johlan Veluz. Whether or not nagli-live-in na ang dalawa is a personal decision.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar Allan Guzman noong Linggo ng gabi, October 16, bago magsimula ang ceremonies para sa 3rd Star Awards for Music ng PMPC (Philippine Movie Press Club).

Among other things, unang binanggit namin kay Edgar Allan ang tungkol sa pagiging bago niyang endorser o modelo ng Bench.

"Nasa Bench na... salamat naman po," nakangiting sambit ng premyado ring young actor.

"Gusto ko pong ma-meet si Mr. Ben Chan," sabi rin ni Edgar Allan, ang tinutukoy ay ang may-ari (proprietor) ng kilalang brand ng local apparel.

Bago lang ang naiulat na endorsement deal, sa pamamagitan ng manager ni Edgar Allan na si Noel Ferrer, kaya understandable na hindi pa pormal na nagkakakilala ang young actor at ang nasabing owner.

"Masaya ako, lalo na nu’ng naibalita sa akin na, yun nga, inaayos; na may possibility na maging sponsor ko yung Bench.

"Lahat naman po ng young stars, pinapangarap na maging isang Bench endorser.

"So, ako, masaya po. At the same time, kinakabahan din ako. Excited na rin ako na mag-pull out ng mga damit, sa Bench," sabi pa ni Edgar Allan, na hanggang April this year ay endorser ng isa pang brand ng men’s apparel, ang Le Froge.

RIVALRY WITH COCO MARTIN. Bilang Bench model-endorser ay naging malaking bentahe ito sa career ni Coco Martin.

Bukod sa pagiging award-winning actor, at unang tinaguriang "Indie Prince" of local movies, ang pagiging Bench model ni Coco ang masasabing sukatan ng pagiging totoong sikat niyang aktor, matapos siyang mai-kontrata sa ABS-CBN at Star Magic.

Ganito rin ang landas na tinutungo ng pagiging artista ni Edgar Allan Guzman.

In fact, tinagurian na rin siyang "New Indie Prince" nang mag-tuluy-tuloy si Coco sa pagiging mainstream (and occasional indie) actor.

Hanggang manalong best actor sa nakaraang Cinemalaya Filmfest 2011 si Edgar Allan, para sa New Breed entry, Ligo Na U, Lapit Na Me, ni Direk Erick Salud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Once he becomes a full-fledged Bench model, mas magiging malinaw ang "rivalry" nila ni Coco. Or doesn’t Edgar Allan think so?

"Hindi naman," sagot ng aktor. "Wala naman pong rivalry [sa amin ni Coco], sa ngayon. Kaibigan ko si Coco, ’tsaka idol ko siya."

Otherwise, may kaakibat bang pressure ang kasalukuyang direksiyon ng showbiz career niya?

"Opo. Pressured din po [ako]," pagtukoy ni Edgar Allan.

"Hindi naman po ako ganu’n kasikat din; nagsisimula pa lang ako, so, siyempre, ako din, parang ang tingin ko sa sarili ko, kung dapat ba talagang nandito ako?

"So, lagi kong tinatanong sa sarili ko yun.

"[Na] sinasagot naman ni Lord," seryosong sambit pa ni Edgar Allan.

SINGING CAREER. Masayang-masaya si Edgar Allan, along with his Sakto buddies Rodjun Cruz and Lucky Mercado, noong gabi ng 3rd Star Awards for Music 2011, na nanalo silang Group Artist of the Year.

Para sa Sakto album nila sa Sony Records ang parangal na napanalunan.

Naging inspirasyon lalo ang parangal, para magpatuloy raw si Edgar Allan sa kanyang singing career.

Bukod sa una niyang album, "May ni-record akong isang bagong kanta; after ilabas ng Ivory [Records, Inc.] yung [first] 1,000 pieces ng album ko, ilalagay po nila sa album ko ulit yung bagong kanta na ni-record ko.

"Yun po yung theme song ng Ligo Na U, Lapit Na Me," banggit pa ni Edgar Allan.

DRAWBACKS. If anything, nagbabantang maging "drawback" sa magandang tunguhin sa career ni Edgar Allan Guzman ang mga issue na nauukol sa kanyang personal na buhay; partikular ang may kinalaman sa kanyang lovelife.

Ang napapaulat, nagiging "sagabal" ang relasyon nina Edgar Allan at ng dating Sex Bomb Dancer na si Johlan Veluz.

But Edgar Allan has professed his great love for the lady, kaya laging may isyu ngayon sa relasyon nila.

Whether or not nagli-live-in na ang dalawa is a personal decision, so to speak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may pumapasok na isyung "nawawalan ng focus" sa kanyang trabaho si Edgar Allan, dahil sa pag-ibig.

Lately, tila may objection din, mula sa pamilya ni Edgar Allan, as attested to by the young actor’s mom, Mrs. Rosario Guzman.

Tungkol sa mga ito’y ayaw talagang mag-elaborate ni Edgar Allan.

Sa PEP interview, nasabi naman niya nang bahagya ang saloobin, on such personal matters.

"Siguro, yun lang ang akala ng tao," ani Edgar Allan, about talks na may patuloy silang tampuhan ng kanyang manager na si Noel Ferrer over his girlfriend.

Edgar Allan has since made peace with Ferrer.

"Hindi naman po siya nakikiaalam sa akin. Hangga’t maaari, ayoko pong maapektuhan.

"Ang tagal din naman ng pinagsikapan ni ’Sir’ Noel; ang daming pagsubok na dinaanan, kung ano’ng meron kami ngayon," pag-unawa rin ni Edgar Allan, which somehow further settled the issue.

Sa gabi ng 3rd Star Awards for Music, kasabay ng panalo ng Sakto, ay ang balitang pagkakaayos din ng gusot between manager and talent.

HIS "OTHER" NANAY. As to his "problem" with his own mother, Mrs. Rosario, over his girlfriend, Johlan, wala namang nabanggit (kundi man "umiwas" nang magbanggit) tungkol dito si Edgar Allan.

Ang mas ikinatutuwa niya’y ang pagbanggit kay Nora Aunor, his stepmom in the TV5 mini-serye, Sa Ngalan Ng Ina.

Sinasabi talaga ni Nora na "anak" (o anak-anakan) niya na rin si Edgar Allan, at ganu’n na lang ang suporta sa kanya ng superstar.

"Nagulat nga ako," nakangiting banggit ni Edgar Allan.

"May eksena kami [ni Ate Guy] sa kotse, tapos sinabi niya, ’O, nanay mo na ako, ha?’

"Nakakatuwa din na sinabi niya ’yon," wika pa ng young actor.

Na-inspire nga raw siyang lalo sa trabaho dahil sa suporta ni Nora Aunor.

"Kumbaga, mas gagalingan ko pa... para mas matuwa sa akin si Ate Guy," sambit pa ni Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN