Rodjun Cruz proud of his group Sakto, which won Group Artist of the Year at the PMPC Star Awards for Music

For Rodjun Cruz (above), the saying, "Three is a crowd" doesn’t seem to apply. Dahil on and off-cam, may maganda siyang pakiki-ugnay with two other guys na mahalaga sa buhay niya. Yan ay ang dalawang miyembro ng Sakto, si Edgar Allan Guzman at si Lucky Mercado.


Tulad ng ibang baguhan, o relatively new sa larangang pinasok sa showbiz, ay kakikitaan ng natural na kabaitan at sigla sa trabaho ang tulad ni Rodjun Cruz.

Sabi nga, hindi pa ’jaded’ ang tipo niya.

Isa si Rodjun sa tatlong miyembro ng all-male sing-and-dance group na Sakto, along with Lucky Mercado and Edgar Allan Guzman, na nanalong Group Artist of the Year sa katatapos na PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Music, last October 16.

Nanalo ang grupo para sa ni-record na self-titled album, ang Sakto, ng Sony Music.

Pare-parehong hindi nag-e-expect ng award ang tatlong unassuming young artists.

Kaya ganu’n na rin lang ang nagkakaisang tuwa at malugod nilang naging pagtanggap sa tinamong parangal.

"Oo naman. Siyempre, win or lose, ang mapasama ka dito [sa nomination] parang panalo ka na rin," masayang wika ni Rodjun nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nu’ng mismong gabi ng parangal.

"Isang karangalan po yun, na nandito kami," banggit pa ni Rodjun.

Higit sa pagwawagi ng parangal, aniya pa, "Masaya rin po kami dahil nagpe-perform din po kami dito [sa awards program]."

’SAKTO’ STINTS. Isang taon pa lang ang grupo nina Rodjun, Lucky at Edgar Allan, pero marami na raw silang shows na nagagawa.

Ngayon, awardee pa sila, para sa ni-record na album.

"Okey naman," sabi pa ni Rodjun.

At malaki rin ang pasasalamat ng young singer-actor, dahil kumikita sila sa ginagawang mga shows.

"Oo naman. Kung saan-saan [na] kami nagsu-show, out-of-town.

"Hindi lang sa kita, [kundi] sobrang saya din. ’Tsaka yung opportunity, na nakakapagpasaya kami ng mga tao ’pag nagpe-perform.

"At the same time, nage-enjoy din po kami," makahulugang banggit din ni Rodjun.

BONDING. For Rodjun Cruz, the saying, "Three is a crowd" doesn’t seem to apply.

Dahil on and off-cam, may maganda siyang pakiki-ugnay, as in may regular bonding moments, with two other guys na mahalaga sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Sakto group, na kanyang professional buddies, o "showbiz mates" na itinuturing niyang matatalik na kaibigan, nandiyan sina Lucky at Edgar Allan.

Sa tahanan nila, Rodjun has male siblings, Omar Cruz, 31, and Rayver Cruz, the popular young actor, in his early 20s.

"Ako po yung gitna; si Rayver ang bunso," pagtukoy ni Rodjun.

Sa unang tingin, hindi agad mahahalatang mas may edad siya kay Rayver.

"Kasi mas matangkad siya. [At] may bigote siya ngayon," pa-kuwela ni Rodjun.

Rodjun Cruz just turned 24 years old, last October 10.

Paano siya nag-celebrate ng kanyang nakaraang kaarawan?

"Kasama ko po yung family; nag-out-of-town [kami]," ang sabi ni Rodjun sa PEP.

SIBLING RIVALRY. "Laging itinatanong sa amin [ni Rayver] ’yan, e. Wala po," sagot agad ni Rodjun.

"Sinusuportahan namin ang bawat isa," sabi pa niya.

"Ang Mama ko po, [si] Elizabeth Cruz. Kapatid ni Ricky Belmonte," banggit pa ni Rodjun sa namayapang aktor, na naging matinee idol at sex symbol, noong ’60s at ’70s, who became a character actor in the succeeding decades.

Ricky Belmonte passed away in 2000.

He was married to Stars ’66 luminary, Rosemarie Sonora. They had three children, Wowie, Sheryl at Patrick.

Rodjun added, "First cousins ko sina Sunshine at Sheryl..."

And Donna Cruz, among other popular local artists.

Sa ngayon, kilala rin si Rayver bilang boyfriend ng sexy dramatic actress, Cristine Reyes.

Okay ba ang ugnayan nila ni Cristine, bilang nobya ng younger brother niya?

"Oo naman. Opo. Siyempre," paniniyak ni Rodjun.

Mayro’n bang naging girlfriend si Rayver na parang hindi niya gusto, o nagustuhan?

"Wala," tiyak din ang naging tugon ni Rodjun.

LOVELIFE. On his own, lumilikha rin ng magandang tunguhin sa kanyang showbiz career at personal life ang 24-year old actor-performer.

Nagku-complement dito ang pagiging showbiz personality rin ng kanyang girlfriend.

"Si Dianne Medina," nakangiting binanggit ni Rodjun ang nobya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw problema sa relasyon nila ang pagiging kapwa nila taga-showbiz.

"Hindi naman po [problema], kasi iba naman po yung showbiz sa personal namin.

"Hindi po kami nagpapa-affect sa [mga problema] sa trabaho," paliwanag pa ni Rodjun.

At lalong masaya si Rodjun dahil magkasama pa sila ni Dianne sa regular show na kinatatampukan.

"Sa Hey, It’s Saberdey! din po," pagtukoy nga niya sa weekly TV5 musical-variety show na pareho nilang ginagawa ni Dianne.

"Ang alam ko, may gagawin din siyang sitcom sa TV5," pag-inform pa ni Rodjun.

As to his own shows, kakatapos lang ng partisipasyon niya sa Bangis (a mini-serye, also on TV5) at naghihintay si Rodjun ng susunod na project na gagawin.

Isa siyang freelance talent, na kasalukuyang nasa pamamahala rin ni Mr. Noel Ferrer, ang manager ng grupong Sakto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN