Cora Pastrana breaks her silence on 2008 marriage to Raymond Bagatsing

Cora Pastrana (above), the entertainment reporter who married Raymond Bagatsing in Los Angeles in 2008, says she and Raymond love each other and are soulmates. Despite the difference in their ages (when they married, Cora was 60, while Raymond was in his 30s), she says theirs was not a marriage of convenience. And although they are now separated, she claims they are not divorced.

"Hiwalay na nga kami pero hindi pa kami divorced," Cor


Naririto sa Pilipinas ang US-based Filipina entertainment writer na si Cora Pastrana, ang babae na pinakasalan ni Raymond Bagatsing noong 2008.

Naging maingay ang Los Angeles wedding ng dalawa dahil sa age difference nila at sa bintang na marriage of convenience ang nangyari para maging legal ang pananatili ni Raymond sa Amerika.

Sixty years old si Cora at thirty-plus ang edad ni Raymond nang magpakasal sila sa Gateway Sheraton Hotel noong November 21, 2008.

Mula nang ikasal sila ni Raymond noong 2008, hindi nagsalita si Cora tungkol sa pagsasama nila ng aktor. After three years, binabasag niya ang katahimikan para maituwid ang mga maling akala ng publiko.

Sa phone conversation ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cora, sinabi nito na hindi marriage of convenience ang kasal nila ni Raymond dahil nagmamahalan sila.

Soulmates ang description ni Cora sa relasyon nila ng aktor na hindi raw humiwalay sa kanya sa kanilang unang pagkikita.

Ikinuwento ni Cora na nagtatrabaho siya sa Department of Justice ng U.S. at hindi siya papayag na gamitin ang kanyang American citizenship, makasuhan ng fraud o ma-jeopardize ang kanyang trabaho dahil sa isyu na pinakasalan siya ni Raymond para magkaroon ito ng green card.

"Hindi ko naramdaman na ginamit ako ni Raymond. Hindi sa akin nanggaling ang kanyang green card. Hindi ko siya ipinetisyon para magkaroon ng green card," ani Cora.

Si Jush Anduwitt ng GMA Pinoy TV ang itinuturo ni Cora na may kagagawan ng paglabas sa TV ng wedding photos at news ng pagpapakasal nila ni Raymond.

Ayon kay Cora, nagkita sila ni Jush sa isang event at nang malaman nito na nagpakasal sila ni Raymond, hiniram ng huli ang DVD copy ng wedding pictures at palihim na kinopya ni Jush sa laptop nito ang mga litrato.

Ang claim ni Cora, walang permiso ang paglalabas ni Jush ng wedding photos nila ni Raymond sa S-Files ng GMA-7 at dahil mga unflattering photos ang ipinakita sa TV, naging biktima sila ng mga pang-iinsulto at public opinion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halata sa boses ni Cora ang sama ng loob sa mga tao na naghusga sa relasyon nila ni Raymond at sa malaking agwat ng kanilang mga edad.

Ang mga nakakainsulto na opinyon at reaksyon ng publiko ang nagbigay raw ng unang lamat sa kanilang magandang pagsasama.

Nasaktan si Cora nang bumalik sa Pilipinas si Raymond noong 2010 at nag-guest ito sa Showbiz Central, kasama ang bagong girlfriend, ang Mexican-American na si Vanessa Cortez.

Ayon kay Cora, nainsulto siya sa ginawa ni Raymond dahil kahit hiwalay na sila, hindi pa sila diborsyado.

"I feel insulted. Hiwalay na nga kami pero hindi pa kami divorced. Hindi niya ako nirespeto. Sana man lang, sinabi niya sa akin na ilalabas niya sa publiko ang kanyang girlfriend.

"Hindi yung nagugulat na lang ako. Katulad ko, magpapainterbyu ako sa Showbiz Central pero nag-email ako sa kanya [Raymond] para ipaalam ang gagawin ko."

Hindi inililihim ni Cora na nasaktan siya sa ginawa ni Raymond pero naniniwala raw siya sa karma.

Nakadagdag sa sama ng loob ni Cora ang pagsasalita ni Raymond tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil puwede raw i-revive ng kanyang asawa ang career nito sa Pilipinas nang hindi siya kailangan na banggitin pa.

Sa tanong ng PEP kung sa palagay ba niya ay minahal siya ni Raymond, "Oo" ang mabilis na sagot ni Cora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN