Danica Sotto-Pingris welcomes baby No. 2: It’s a girl!

Isang malusog na baby girl ang iniluwal ni Danica Sotto-Pingris via Caesarian section nung September 20. Ayon kay Danica, ang pinaka-aligaga sa lahat ay ang mag-asawang Oyoboy Sotto at Kristine Hermosa.

"Excited silang dalawa, Hindi pa yata ako nakapanganak nandun na sila sa hospital," aniya. Gusto raw ni Kristine na maobserbahan lahat bilang paghahanda na rin sa kanyang panganganak na naka-schedule na sa January next year.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danica Sotto-Pingris na nakapanganak na pala sa pangalawa nilang anak ng basketbolistang si Marc Pingris nung nakaraang buwan.

Isang malusog na baby girl ang iniluwal ni Danica via Caesarian section nung September 20.

Since Caesarian din ito gaya nung sa panganay nila, sila na raw ang pumili ng date ng panganganak.

May timbang na 7.2 lbs at hindi raw siya gaanong nahirapan pati sa pagbubuntis kumpara sa una nilang anak.

Natutuwa si Danica sa pagkuwento na ang pinaka-aligaga sa lahat ay ang mag-asawang Oyoboy Sotto at Kristine Hermosa.

"Excited silang dalawa, Hindi pa yata ako nakapanganak nandun na sila sa hospital," kuwento ni Danica.

Gusto raw ni Kristine na maobserbahan lahat bilang paghahanda na rin sa kanyang panganganak na naka-schedule na sa January next year.

"Talagang mega-tanong siya, observe ganyan," pakli ni Danica.

"She asked me questions. She really wanted to see what was going on.

"They’re [Oyoboy and Kristine] even taking birthing classes para talagang mas marami silang malaman.

"Aside from me, na puwede niyang tanungan, meron din akong mga
cousins na nanganak din, so nagtatanong din siya dun," patuloy na kuwento nito.

Pinapakiusapan pa raw ni Danica si Kristine na huwag agahan ang panganganak para makadalo pa raw ito sa mga party nila sa Pasko.

Excited din kasi sila sa panganganak ni Kristine dahil baby girl din ang ipinagbubuntis nito.

EXCITED GRANDPARENTS. Nung nanganak si Danica, excited daw ang Daddy niyang si Vic Sotto lalo na ang Mommy niyang si Dina Bonnevie dahil first girl na apo nila.

Bale pangalawang babaeng apo itong kina Oyoboy at Kristine.

Natutuwa si Danica dahil halos sunud-sunod daw silang magpipinsan na nanganak kaya halos magkakaedad din ang mga bagong henerasyon ng mga Sotto.

"Happy kami magkakasunod, kasi di ba kami rin nung kids magkakaedad kami?

"Parang ganun din ang nangyayari na di naman namin sinasadya. Magkakaedad talaga ang mga anak namin. We’re very excited kasi sabay-sabay naming napapalaki," masaya niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki nga raw ang ipinagbago nila ni Oyoboy ngayong may sarili na silang pamilya dahil nandiyan daw ang responsibilidad nila bilang magulang na dapat magsisilbi silang magandang halimbawa sa kanilang mga anak.

"Actually, mas naging close kami ni Oyo ngayon.

"Siguro ang pagbabago before kasi nung teenagers kami na hindi kami
nag-iisip na may ginagawa kami na may mga consequences na hindi maganda.

"Ngayon iniisip na namin kung ano ang gagawin namin kasi may pamilya kami, kasi may mga anak na kami," saad nito.

ON PIA’S WEDDING. Samantala, maingat ang mga sagot ni Danica nang hiningan ng PEP ng pahayag sa pagpapakasal ni Pia Guanio kay Steve Mago.

Naging close si Danica kay Pia dahil halos magkakasama nga raw sila sa pagsisimba sa kanilang Christian church.

Nagulat lang daw siya nang nabalitaan niyang nagpakasal na ito. Matagal na raw silang hindi nagkausap pero masaya na rin naman daw siya sa desisyon ng dating kasintahan ng kanyang ama.

"Nabalitaan ko na nga she got married. Kung saan siya masaya, di ba?
"For me, dapat noon pa talaga mag-move on ang mga tao.

Choice naman niya na gawin kasi break naman sila ni Daddy, ang tagal-tagal na. And I think si Daddy rin, may right na rin siya na gawin ang gusto niyang gawin.

"Sana huwag na lang nila gawing big deal na ay kinasal na, ah okay kinasal, di ba?" pahayag nito.

Hindi naman daw niya natanong ang kanyang Daddy tungkol dito at never daw nila ito napag-usapan.

"Tinatanong nga nila ako kung ano ang reaction ni Daddy.

"Hindi ko naman kasi natatanong talaga si Daddy. Never ko siya natanong ng face to face.

"I know my Dad, e. Hindi na lang para magsalita pa siya, and I don’t think na ma-a-affect pa siya in any way. Matagal na rin naman kasi," patuloy pa ni Danica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw naman ni Danica na wala siyang tampo kay Pia pero nang hingan namin ito ng mensahe para kay Pia, siyempre hindi naman daw niya masabing "Congratulations," kaya "Best wishes" lang ang nasabi nito.

"Wala naman akong tampo.

"Nagulat lang ako na uy, parang ang bilis.

"O baka naman kasi masyado lang ako na-focus sa pagbubuntis ko na
feeling ko dumaan na yung panahon, di ko na alam," natatawang pahayag ni Danica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN