Dingdong Dantes and Rhian Ramos reunite for new teleserye

Magsasama uli si Dingdong Dantes (above) at Rhian Ramos sa isang soap na wala pang titulo. Huling nagsama ang dalawa sa Pinoy remake ng Koreanovelang Stairway To Heaven. Hindi kaila sa marami ang intriga noong pinagselosan umano ng nobya ni Dong na si Marian Rivera ang leading lady niya na si Rhian. Handa na ba sila sa panibagong bugso ng intriga bunsod ng kanilang muling pagsasama?


Huling nagsama sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa Pinoy remake ng Koreanovelang Stairway To Heaven. Hindi kaila sa marami ang intriga noong pinagselosan umano ng nobya ni Dong na si Marian Rivera ang leading lady niya noon na si Rhian.

Hindi rin kaila sa publiko na kailan lang ay naging saksi pa si Senator Bong Revilla sa muling pagkakasundo nina Rhian at Marian.

Dingdong at Rhian, handa na ba sa panibagong bugso ng intriga bunsod ng muling pagsasama nila?

Ayon kay Dingdong sa taped interviews sa kanya ng StarTalk Tx na ipinalabas kahapon, Sabado, October 22...

"Very positive ang feeling ko dito kasi ganito rin yung feeling ko noon sa Stairway To Heaven."

Sinabi naman ni Rhian na ...

"Si Dingdong naman kasama ko siya dun sa eksena kaya lang wala kaming lines. Yung parang nagdaan lang kami, ganun.

"Parang hindi ko pa masyadong na-e-experience in full na katrabaho ko na siya," ang natatawang sinabi ng aktres.

"Pero ayun, so far, so good naman."

Ayon kina Dingdong at Rhian, hindi lang ang muling pagsasama ang dapat abangan sa nasabing soap na wala pang titulo.

"First time sa GMA na gagamit tayo ng HD [high definition], so maraming first dito," ayon pa rin kay Dingdong.

Sinegundahan ito ni Rhian...

"Yung quality, klarung-klaro pero hindi mo naman din kailangan ng HD TV para mapanood mo yung soap na to. Mas maganda siyang tingnan visually."

Ayon naman sa director nilang si Dominic Zapata...

"Medyo kakaiba kasi tungkol sa kamatayan, so first time akong nakabasa ng script na pag basa mo, ’Wow! Sino’ng casting natin? Wow, laki, ha? Uy, namatay?!’

"Tapos basa ka, ’Patay na naman?!’

"So kakaiba sa ganun. We’re practically shooting it like a movie. Enjoy, enjoy siya, kasi it’s always something new," sinabi pa ni Direk Dominic.

Isa pa sa muling makakatrabaho ni Dingdong ay si Katrina Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon nga kay Katrina...

"Kasi matagal na po kaming nakapagtrabaho, Marimar pa, 2007.

"Ako yung hahadlang sa pagmamahalan nilang dalawa ni Rhian."

Sinabi naman ni Dingdong na...

"Eto na, ganitong kaaga pa lang sinisimulan na namin para sa opening salvo ng GMA sa 2012, so abangan ninyo."

Habang abala sa taping (na may working tile na Sundo), kumusta naman kaya ang nobya ni Dingdong na si Marian?

"Ngayon yata nasa rehearsal siya ng Party Pilipinas, dahil nagustuhan yung kanyang dance number last week so mukhang kailangan ulit-ulitin niya yun," ang masayang sinabi ni Dingdong.

Totoo bang sabay silang lilipad patungong Amerika kasama ang kani-kanilang pamilya upang manood ng laban ni Congressman Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez?

"Hindi, hindi totoo yun. Totoong kasama lang naman namin... hindi nga rin kumpleto, e. Like ako on my side, karamihan mga boys, tapos sa kanya naman, wala namang sasama e, so siya lang talaga.

"And pupunta lang talaga kami to watch the fight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN