(UPDATED) FIRST READ ON PEP: John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao split up

Kinumpirma ng isang reliable PEP source na hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Dawit sa breakup ng dalawa ang dating nakarelasyon ng aktor na si Ruffa Gutierrez (inset).


Break na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Ito ay kinumpirma ng isang reliable source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, October 24.

Ayon sa source, nag-ugat ang breakup nina John Lloyd at Shaina sa birthday party ni Bea Alonzo noong October 8, Thursday, sa The Establishment sa The Fort, Taguig City.

Imbitado sa party ni Bea sina John Lloyd at Shaina, pati na si Ruffa Gutierrez.

Si Ruffa ay nakarelasyon ni John Lloyd bago pa naging girlfriend ng aktor si Shaina.

Pagkatapos nito, nagkita-kitang muli sina John Lloyd, Shaina, at Ruffa sa birthday concert ni Vina Morales, ang nakatatandang kapatid ni Shaina, noong October 17, Monday, sa Republiq Bar, Resorts World Manila, Pasay City.

Guest performer si Shaina, samantalang kabilang sa audience si John Lloyd.

Present din sa audience si Ruffa, na kasama naman ang mga magulang na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Ayon sa source, pagkatapos ng birthday concert ni Vina ay nagsimula na raw ang pagpapadala ng text messages ni Shaina kay Ruffa.

Hindi matukoy ng source kung ano ang nilalaman ng mga text messages, pero ayon sa isa pang source, ang laman ng text ay: "Leave us alone!"

May mga lumabas ding reports sa ilang tabloids na nagselos diumano si Shaina dahil nakipagkuwentuhan si John Lloyd kay Ruffa—at maging sa isa pang ex-girlfriend ng aktor na si Liz Uy—sa birthday ni Bea.

Bagamat hiwalay na si John Lloyd kina Ruffa at Liz, pinaniniwalaang maganda pa rin ang pakikitungo nila sa isa’t isa, at kaswal na nakikipag-usap si John Lloyd sa dalawang dalaga tuwing nakikita niya ang sino man sa kanila sa mga okasyon—gaya na lang ng birthday ni Bea.

Ayon sa PEP source, ang ginamit pa diumano ni Shaina sa pagti-text kay Ruffa ay mismong cell phone ni John Lloyd.

Nang malaman daw ito ni John Lloyd, nagkaroon na ng gulo sa pagitan ng magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humantong nga raw ito sa breakup ng dalawa, na hindi pa nila ipinapaalam sa publiko.

Bagamat hindi malinaw kung sino ang nakipag-break, ayon sa source ay mahihinuha na posibleng si John Lloyd ang nakipagkalas dahil siya ang may isyu kay Shaina.

SHAINA’S JEALOUSY. Sinabi rin ng source sa PEP na "devoted" at "in love" talaga si Shaina kay John Lloyd.

Yun nga lang, dala-dala pa rin ng young actress ang pagiging selosa, na unang nasilayan ng publiko nung Enero ng taong ito, nang tawagan ni Shaina si Ruffa nang madaling-araw.

Ang isyu ni Shaina kay Ruffa ay ang patuloy pa rin daw na komunikasyon sa pagitan nina Ruffa at John Lloyd bagamat boyfriend na niya ang aktor.

Sabi naman ni Ruffa, kung may problema raw si Shaina sa komunikasyong iyon, si John Lloyd ang dapat nitong kausapin at hindi siya. (CLICK HERE to read related story.)

Bagamat totoong may insidenteng naganap sa pagitan nina Shaina at Ruffa, hindi na lumaki ang isyung iyon dahil nagdesisyon diumano ang Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na humahawak sa careers nina Shaina at John Lloyd, na huwag nang magbigay pa ng dagdag na statements ang dalawang young stars.

Isang "pribadong pag-uusap" ang hinanda ng Star Magic para pagharapin sina Shaina at Ruffa. Naging maayos naman daw ang pag-uusap ng dalawa.

JOHN LLOYD-SHAINA RELATIONSHIP. Matatandaang inamin ni John Lloyd ang relasyon nila ni Shaina sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong June 20, 2010—o apat na araw bago ng kanyang 27th birthday. (CLICK HERE to read related story.)

Maraming pinagdaanan ang relasyon nina John Lloyd at Shaina.

Kabilang na rito ang pagkakaugnay ng guwapong aktor sa iba’t ibang babae, kabilang na nga si Ruffa, at ang malisyoso at walang katotohang tsismis na naospital daw ang magkasintahan dahil sa isang rare health condition na kung tawagin ay "penis captivus." (CLICK HERE to read related story).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagpukol ng iba’t ibang isyu sa kanila ay naging matatag ang samahan nina John Lloyd at Shaina.

Sa interview ni John Lloyd sa The Buzz noong June 12, 2011, ang pribadong aktor ay nagsalita sa mga taong gumagawa ng isyu sa kanila ni Shaina:

"Sa dami na nang pinagdaanan, mga sinabi, mga binato sa amin, tanggap naman namin na parte ’yan ng trabaho namin.

"Pero sana, matuto silang tumahimik na, dahil wala naman kaming ginagawa...kung sinuman ang mga nag-iimbento."

Maasikaso at mabait na boyfriend si John Lloyd, ayon sa lahat ng nag-oobserba sa binata.

Tuwing may pupuntahan silang salo-salo ng kasintahan, at alam niyang dudumugin siya ng mga makikipag-litrato, lagi nitong ibinibilin si Shaina sa mga kasamahan o sa mga organizers mismo.

Tulad na lang nung huling Christmas party ng Summit Media, kung saan kinuyog nga si John Lloyd ng mga kababaihan at pati na ng mga kalalakihan. Tahimik lang na nagbilin ito kay Anna Pingol ng YES! magazine, na kabilang sa Summit Media group, na asikasuhin si Shaina.

Makikita ring sa tuwi-tuwina’y tumitingin ito kay Shaina at naghe-hello gamit ang mga mata. Ganito ring pag-estima kay Shaina ang nakikita kay John Lloyd sa malalaking handaan kung saan maraming nang-aagaw ng atensiyon niya.

Sa Star Magic ball, nakikita itong laging nagpapaalam agad sa mga nang-iinterbyu at mga nagpapa-piktyur, para samahan na ang kasintahan.

Alam naman ng lahat na A-list star si John Lloyd. Blockbuster ang lahat ng mga pelikula nito kahit iba-iba ang ipareha rito. Top male endorser pa siya ng bansa, ayon sa 2011 survey ng YES! magazine. Kaya naman lagi itong hinihila ng network executives, ng media, at ng fans kung saan-saan upang kausapin o malitrato.

Samantala, si Shaina, na meron ding fan base at hinahangaan sa kanyang ganda at pagka-sexy pag sumasayaw sa ASAP Rocks tuwing Linggo, ay isang rising star pa lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong kalagitnaan ng taong kasalukuyan ay nagbakasyon pa ng isang buwan sa Europa sina John Lloyd at Shaina, kasama ang ilang malapit sa kanila, kunsaan naranasan nila ang masayang buhay turista.

Pinuntahan nila ang mga pinakasikat na tourist spots doon—kabilang na ang Louvre at The Queen’s Hamlet sa France, at ang Piazza San Marco at mga kanal ng Venice sa Italy.

Naranasan nila ang mag-gondola ride at nag-shopping sila nang husto, kung saan ang tagabuhat ng mga malalaking maleta ng grupo ay si John Lloyd mismo.

Sa Star Magic Ball naman noong September 3, 2011, magka-date din si John Lloyd, suot ang kanyang Hermès tux, at si Shaina, na naka-pulang Amir Sali serpentina gown na may bold bustier top.

Nang tanungin ng YES! si John Lloyd nang gabing iyon kung ano ang masasabi niya tungkol sa kanyang date, sabi nito, na nakangisi, "Napakaganda. Nasabi ko na sa kanya ’yon kanina."

Ito ang pangalawang magkasunod na taon na magka-date ang dalawa sa annual ball na hosted ng talent-management agency na namamahala sa kanilang careeres.

Pero tila bumigay na rin sina John Lloyd, 28, at Shaina, na 22 sa November 6, sa mga pagsubok na kinaharap ng kanilang relasyon, at nagdesisyong tapusin na ito.

Walang linaw kung magbabalikan pa ang dalawang young stars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN