Nonito Donaire, Jr. successfully defends his title against a very defensive Argentinian challenger

"I did my best... It didn’t come out the way we wanted. I have respect for him, but he didn’t come to fight. I hurt him in the round, and after that, he was in his shell," recalls Nonito Donaire, Jr. in his post-fight interview after he successfully defended his WBC and WBO Bantamweight titles against undefeated Argentinian boxer Omar "El Huracan" Narvaez.


Matagumpay na naidepensa ni "The Filipino Flash" Nonito Donaire, Jr. ang kanyang World Boxing Council (WBC)/World Boxing Organization (WBO) Bantamweight Championship titles laban sa undefeated Argentinian boxer na si Omar Andres "El Huracan" Narvaez, kahapon, Oktubre 23 (Oktubre 22, sa Amerika), sa Madison Square Garden, New York, U.S.A.

BACKGROUND ON "EL HURACAN." Dating miyembro ng Argentinian Olympic boxing team ang challenger na si Narvaez at namayani sa kanyang mga kampanya sa flyweight (108-112 lbs) at super flyweight (115 lbs.) divisions.

Tinalo niya ang Nicaraguan boxer na si Everth Briceño para sa bakanteng WBO Super Flyweight (Junior Bantamweight) belt nung 2010 at naidepensa ang titulo ng tatlong beses, bago umakyat muli ng timbang para hamunin si Donaire sa bantamweight (115-118 lbs.) title nito.

DONAIRE’S VICTORIES. Nagsimula rin bilang flyweight si Donaire kunsaan nagkamit muna siya ng Asian Pacific titles, bago nakuha ang International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight title mula sa noo’y undefeated Armenian boxer na si Vic Darchinyan nung 2007 via 5th round knockout.

Napabilang naman si Nonito sa listahan ng Ring Magazine Pound-For-Pound Rankings at pumuwesto sa 7th spot, matapos ang kanyang matagumpay na pangatlong depensa ng kanyang flyweight title laban sa Amerikanong si Raul Martinez nung 2009 sa Araneta Coliseum, Quezon City. Naipanalo ni Donaire ang laban via Technical Knock Out (TKO) sa 4th round.

Umakyat ng timbang si Nonito ilang buwan ang nakalipas at nakipaglaban para sa World Boxing Association (WBA) Super Flyweight Interim World Title laban sa Panamanian boxer na si Rafael Concepcion. Tinalo niya si Concepcion via unanimous decision.

Nung 2010, nagdagdag ng timbang si Nonito para hamunin ang Ukranian undefeated boxer na si Wladimir Sidorenko sa bakanteng WBC Continental Americas Bantamweight Title. Pinatulog nang mabilis na si Donaire si Sidorenko sa ikaapat na round ng laban nila.

Nung Pebrero ng taon namang ito, nakamit ng Filipino Flash ang kanyang kasalukuyang korona nang talunin niya via TKO ang isa na namang undefeated boxer sa katauhan ng Mexicano na Fernando Montiel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinatumba muna ni Donaire si Montiel sa pamamagitan ng isang mabilis at matinding left hook bago inihinto ng referee ang laban, matapos makitang hindi na kayang ipagtanggol ng Mexicano ang sarili.

Dahil sa panalo niyang ito, si Nonito ang pangalawang Filipino na naging 3-division champion, pagkatapos ni Manny "Pacman" Pacquiao (na ngayo’y 8-division champion na). Sa tatlong weight divisions na ito, nakakuha naman si Nonito ng limang championship belt.

DEFENSIVE NARVAEZ. Sa laban nina Donaire at Narvaez, nagmistula itong "one-man show" dahil sa kawalan ng opensa ng laging nakadepensang 36-taong-gulang na Argentinian.

Naging interesting lang ang laban sa ikaapat na round nang nagpalitan sila ng suntok at nasaktan ng 28-year-old na si Donaire ang beteranong si Narvaez.

Nakapasok din ng uppercuts ang Filipino boxer sa 10th round na nagpasigaw at nagpa-excite sa audience na naghihintay ng isang matinding knockout mula kay Donaire.

Pagkatapos ng round na ito ay bumalik sa saradong depensa si Narvaez hanggang sa matapos ang kanilang laban pagkatapos ng 12th round.

Sa post-fight interview kay Donaire, humingi ng paumanhin ang tubong-Bohol na boksingero dahil hindi niya napatulog ang kalaban.

"I did my best," ani Nonito. "It didn’t come out the way we wanted. I have respect for him, but he didn’t come to fight. I hurt him in the round, and after that, he was in his shell."

Nagtawanan naman ang audience nang ikumpara ni Nonito ang nararamdaman sa naramdaman ni Pacquiao sa laban nito noon kay Joshua Clottey.

Tulad ni Narvaez na laging nakataas ang depensa, natapos ang buong laban ni Clottey kay Pacquiao nang walang masyadong opensa rito.

"Now I know how Manny Pacquiao felt with Clottey," aniya. "The guy had that shell."

Sabi naman ni Narvaez, hindi raw siya nasaktan sa mga suntok ni Donaire.

Sa panalong ito ni Donaire, nakaplano nang umakyat muli ito ng timbang sa super bantamweight division (122 lbs.) para hamunin ang WBC Super Bantamweight Champion na si Toshiaki Nishioka sa Mayo ng susunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN