Plinky Recto’s petition for child custody granted by Court of Appeals

Plinky Recto can now spend quality time with her son after Court of Appeals granted her full custody of the child.


Kinatigan ng Court of Appeals ang petisyon ng dating TV host-actress na si Plinky Recto na mapunta sa kanya ang kustodiya ng kanyang menor de edad na anak kay Pulupandan, Negros Occidental Mayor Magdaleno "Magsie" Peña.

Ayon sa ulat ng TV5 News, base sa 12-page decision na pirmado ni Associate Justive Florito Macalino, ipinagkaloob na ang permanenteng kustodiya ng bata kay Plinky.

Ayon sa korte, karapatan ng isang ina na pangalagaan ang kanyang menor de edad na anak.

Matatandaan na noong 2007, pinaboran na rin ng Korte Suprema ang hiling na ito ni Plinky. Subalit umapela ang kampo ni Mayor Peña sa Court of Appeals.

Samantala, kasabay ng desisyong ito, ibinasura naman ng Court of Appeals ang alegasyon ng TV host-actress na siya ay binubugbog ng kanyang asawa.

Una nang kinuwestiyon ni Plinky ang desisyon na ito noong nasa mababang korte pa lamang ang civil case na isinumite niya laban kay Mayor Peña.

Hindi naging sapat ang medical certificate na inilabas ni Dr. Teresita Sanchez para suportahan ang alegasyon ni Plinky.

Gayundin, sumang-ayon ang korte sa alkalde ng Pulupandan, Negros Occidental na, "that a person who had been hit in the head and injured in the back and neck [cannot] go to the parlor and host a television program."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN