Kris Aquino on her appointment as honorary patron for United Nations: "Si PNoy has nothing to do with this appointment."

"Kasi, mero’ng ibang nag-iisip na in-appoint niya yung sarili niyang kapatid. Nanggaling sa United Nations talaga ’to. Meaning, sa Switzerland mismo. Sila ang nagpasya at alam mo na ang tagal-tagal ng prosesong pinagdaanan natin for this," says Kris Aquino when asked how she got appointed as honorary patron by United Nations.


Si Kris Aquino ang bagong hirang na Honorary Patron of the United Nations High Commission for Refugees.

Tinalakay ang appointment ni Kris sa UN sa interview sa kanya ng The Buzz host na si Boy Abunda na ipinalabas kahapon, October 23.

Ayon kay Kris, tungkol sa pagkaka-appoint sa kanya ng UN, "Okay, parang ang pagka-explain sa atin noong sa UN, yung first class talaga is Angelina Jolie because she’s been there for 10 years.

"So, siya ang ambassador talaga, the rest are patrons.

"Una, Boy, sasabihin ko lang ha, si PNoy [her brother President Noynoy Aquino] has nothing to do with this appointment.

"Kasi, mero’ng ibang nag-iisip na, in-appoint niya yung sarili niyang kapatid.

"Nanggaling sa United Nations talaga ’to. Meaning, sa Switzerland mismo.

"Sila ang nagpasya at alam mo na ang tagal-tagal ng prosesong pinagdaanan natin for this."

Ayon din kay Boy, bilang manager ni Kris, 2010 pa raw nila yun napag-usapan.

Dugtong ni Kris, "We heard nothing na from them. So, tayong dalawa, nanahimik na lang."

Isa raw sa nabasa nila sa requirement, dapat ay walang affiliation sa politics.

Kaya pahayag ni Kris tungkol dito, "Yes, na-bring up ko yun and my brother is there right now.

"Imposible naman na hindi ka magpapakita ng political colors.

"Pero, tinanong lang nila, ’Do you have an intention to run on 2013?’ So, yun lang?"

YES TO POLITICS? May plano nga ba siya na tumakbo bilang governor ng Tarlac, or senador ng Pilipinas?

"Inisip ko naman. I thought...imposible na hindi ko i-entertain ang thought ng pulitika sometime in the future.

"But sa 2013, categorical talaga, because this appointment is for two years.

"I think, hindi naman ito karangalan ko lang. Kung hindi karangalan para sa buong bansa na ayokong maliitin.

"Ang simula rito is [help] those who are displaced from act of war and act of violence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it’s still happening sa Mindanao, so sana, sinabi nila na aayusin nila.

"So, in the next month and so, makapunta ako. Pipiliin nila ang lugar at sinabi ko, with no hesitation or whatever. Gusto ko talagang pumunta."

MOMMY DUTIES? Nagkuwento rin si Kris tungkol sa anak niyang si Bimby habang may kausap sila ni Boy na taga-UN at isang Pranses.

Kuwento ni Kris, "Hindi mo kinaya ang nangyari noong nagdi-dinner tayo at nabaliw tayong dalawa.

"Sinabi niya, ’You keep on talking and talking and talking. Ninong Boy, why don’t you leave already’?"

Hirit naman ni Boy, na natatawa, hindi raw siya ang sinabihan ni Bimby kung hindi ang bisita nga nila na isang Pranses.

Dugtong pa ni Kris, "Oo. Parang sinabihan niya na, ’Don’t you think it’s time to go home? It’s late na. We’ll sleep na.’

"Well, Boy, it’s an indication also for you na kung anumang libreng panahon mero’n ako, nakatutok talaga do’n sa dalawang anak ko.

"At yun din po ang pruweba sa lahat na walang lovelife. Para yung anak ko na four years old, e, sasabihin na, ’Matutulog na kami. Umuwi na kayo.’"

Mabilis naman ang naging sagot ni Kris sa sumunod na tanong ni Boy if she’s afraid to fall in love again.

"Yes!" sambit niya.

"Hindi naman talaga ako sinuwerte do’n. Naka-ilang strikes na ako.

"Hindi lang ako ang takot. Kasi, alam ko, takot yung mga kapatid ko, lalo na ang ate ko [Ballsy Aquino-Cruz]."

DIET OR JUNJUN? Pero patuloy na pinag-uusapan ang pag-uugnay sa kanya kina Diether Ocampo at gayundin kay Mayor Junjun Binay.

Ayon kay Kris, "Actually I haven’t seen Diet for about a month. We stopped talking kasi nga...

"He knows this. I told him, ’Hindi kumportable ang pamilya ko, kasi nga, sobrang guwapo ka.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mayor Binay?

"He’s my friend and that’s about it. Wala na."

Dugtong pa niya, "At feeling ko, dahil sa United Nations, may makikilala ako.

"Honestly, don’t you think lahat ’yan happens for a reason?

"Siguro, lahat diyan may makikilala tayo na makaka-contribute sa kapayapaan ng buong mundo, sa kapayapaan ng puso ko!" natatawa pa niyang sabi.

BIR ISSUE. Isa rin daw sa latest na intriga naman ngayon kay Kris ay ang diumano’y hindi nito pagbabayad ng tamang buwis.

Pero ayon sa aktres, "Gosh, hindi ko alam kung bakit nila ia-accuse, e, kung mag-check sila. BIR makes it a public record.

"Tungkulin naman nating talaga ’yan. Siguro let the record speak for itself.

"Tinuro ng kapatid ko, 30 percent less automatic is on a separate bank account and it goes straight to the BIR."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN