Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz

by Ruben Marasigan
Oct 25, 2011
Vilma Santos on past controversies: "There was a time, natsismis pa na nagpakamatay ako nang dahil sa problema ko diyan... because of the betamax issue. But again, you know, kapag alam mong hindi totoo, matapang ka, 'di ba? Pero at the same time, tao lang tayo. Kahit papa'no, naaapektuhan tayo ng mga negatibo. Tama?"

Sa 2012 ay ipagdiriwang na ng Star For All Seasons na si Vilma Santos ang kanyang 50th year o ang kanyang golden anniversary sa showbiz.

Nagsimula si Vilma na umarte sa murang edad na siyam na taong gulang.

"Nakihalo lang ako doon sa mga nag-a-audition sa Trudis Liit [1963]," pagbabalik-tanaw ng aktres kung paano siya napasok sa showbiz at naging bida nga kaagad sa nabanggit niyang proyektong iyon.

"Hindi ako dapat talaga doon [sa audition na iyon]. Nakipila lang ako.

"Pagpila ko, tinatawag ako ng mommy ko na, 'Hindi ka diyan!'

"Sabi ko, 'Andito na, e!' Makulit na ako no'ng time na 'yon!" natatawang kuwento pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy ni Ate Vi, "So, anyway, tinawag ako ni Doc Perez [of Sampaguita Pictures] at that time. Pinaarte ako.

"Nag-adlib-adlib pa ako. Nakuha naman ako.

"So, when I started, dalawa kaagad ang pelikula ko—Trudis Liit at Anak, Ang Iyong Ina [1963].

"Ang naaalala ko lang tungkol sa maaga kong pagpasok sa pag-aartista, parang laro lang sa akin iyon.

"Parang naglalaro lang ako noon kaya hindi trabaho sa akin iyon, e.

"So, very-very memorable sa akin iyon.

"At saka no'ng Trudis Liit, every lunch, lagi akong may apple. Lagi akong may chicken.

"Every lunch talaga 'yon.

"Parang... Siguro bata, so ibibigay nila 'yong gano'ng ano sa 'yo. Parang may prize ka, gano'n.

"So, memorable sa akin iyon."

MOST MEMORABLE FILMS. Simula nang maging artista si Vilma, halos 200 films na raw ang nagawa niya. At marami raw sa mga ito ang memorable para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Definitely nga, unang-una 'yong Trudis Liit dahil title role iyon.

"Tapos, nag-Darna [1973] ako... Lahat ng inaasahan ng mga baguhan na magandang projects na magagawa, na gaya nga ng Darna o ng Dyesebel [1973].

"Tapos, naging recording artist pa ako.

"Dumaan din ako sa pagkakaroon ng loveteam."

Na ang pinaka-pumatok ay ang tambalan nila ni Edgar Mortiz.

"Pero dumating din ako sa point na... turning point ng career ko 'yong Burlesque Queen [1977]. And then, na-consider na aktres na.

"Ang pinakaimportante lang sa akin, I guess, ay 'yong latter part ng career ko, isa ako sa masusuwerte na nabigyan ng mga films na memorable talaga.

"At naidirek ako ng mga kinu-consider na ace directors.

"Sa palagay ko, kung iyon lang, e... feather in my cap.

"Ang dami ko talagang nagawang pelikulang memorable sa akin.

"Gaya ng Relasyon [1982] na nagbigay sa akin ng grand slam sa mga awards.

"Tapos, I was able to be the first to do a film din about autism, at iyon nga ay ang Ipagpatawad Mo [1991].

"Tapos 'yong Dolzura Cortez [1993] naman, about AIDS.

"So, kung memorable, maraming-maraming memorable films na nakagawa ako."

LEADING MEN. Marami ring magagaling na aktor na nakapareha si Vilma. Pero sino naman ang masasabi niyang paborito talaga niyang leading man?

"A, ang talagang... Jay Ilagan is very good. Si Jay Ilagan talaga," pagbanggit ni Vilma.

Si Jay ay nakapareha ni Vilma sa ilang mga pelikula noong teenager pa sila, at later on ay nakasama niyang muli sa Paano Ba Ang Mangarap? [1983] at Sister Stella L [1984].

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Actually, bago si Bobot [Edgar Mortiz], si Jay Ilagan ang ka-loveteam ko.

"He was a very, very good actor."

Sumakabilang-buhay si Jay noong 1992 dahil sa motorcycle accident sa edad na 39.

"And then, of course, si Bobot. Si Boyet [Christopher de Leon]."

Si Bobot o Edgar Mortiz ang naging ka-loveteam noong early '70s ni Vilma, at ang tambalan nilang Vi & Bot ang naging mahigpit na karibal noon ng loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz na Guy & Pip.

Si Christopher naman ang itinuturing ng karamihan na pinakamagaling at pinaka-successful na nakapareha ni Vilma pagdating sa drama.

Ilan sa mga pelikulang nagawa nila ay ang mga sumusunod: Pakawalan Mo Ako (1981), Haplos (1982), Sinasamba Kita (1982), Relasyon (1982), Broken Marriage (1983), Paano Ba Ang Mangarap (1983), Imortal (1989), Ipagpatawad Mo (1991), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Nag-iisang Bituin (1994), Hanggang Ngayon Ika'y Minamahal (1997), Dekada '70 (2002), at Mano Po 3 (2004).

Dagdag pa ni Vilma, "Pero isa rin sa pinakapaborito ko is Dindo Fernando."

Si Dindo, na yumao noong 1987, ay nakapareha ni Vilma sa mga pelikulang gaya ng Langis at Tubig (1980), Hiwalay (1981), T-Bird At Ako (1982), Gaano Kadalas Ang Minsan (1982), Baby Tsina (1984),at Muling Buksan Ang Puso (1985).


Sabi pa ng Star For All Seasons, "Dati, hindi ako gano'n kametikuloso pagpili ng script.

"Mas maraming roles ang gampanan ko, mas okey sa akin.

"Ang medyo naging metikuloso lang ako, maybe because sa tagal ko na rin sa industriya... paulit-ulit na ginagampanan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like, when I played the role of a mistress [in Relasyon], parang sunud-sunod lahat, puro mistress ang role ko.

"So, do'n lang ako medyo nagiging metikuloso kapag paulit-ulit na 'yong character na ginagampanan ko. Parang... iba naman.

"So, every time na may kukuha sa akin, ang tanong ko kaagad, 'Ano 'yong theme ng movie?'

"Do'n, medyo metikuloso na ako. Lalo na ngayon.

"Kasi ngayong naging gobernador na ako, ano na, e, may limit na 'yong time na puwede akong makagawa ng pelikula. Na, every two or three years.

"And when I made In My Life [2009], six years ang gap.

"So, ngayon, maybe because kailangan kapag gumawa ako, since limitado na, 'yong talagang gusto ko.

"And at the same time, 'yong alam kong may maio-offer akong iba sa mga manonood."

RIVALRY WITH NORA. Tumatak din sa history ng Philippine Cinema ang matinding rivalry nila ng Superstar na si Nora Aunor.

Hindi nga raw malilimutan ni Vilma kung paano magkarambulan ang kani-kanilang fans ni Nora kapag nagpapang-abot na.

"Noon, talagang nag-aaway! Dyusko, talagang patayan noon!

"Hagisan ng mga basag na bote. Hiwaan ng blade. Tusukan ng perdible.

"Gano'n ka-fantic talaga!

"I guess it helped us... Nakita namin kung paano kami talaga minahal ng mga fans namin. It made our career healthier.

"But ngayon, siyempre hindi maiaalis... hanggang ngayon, meron pa.

"Pero sana lang, ako, personally, ang approach ko is more mature na.

"Kasi, we're not getting any younger.

"Sana naman, 'yong mga fans namin ay mag-mature na rin.

"So, the competition, it can be healthy. And that's good.

"Kasi pag-uusapan ka. And that's good for us.

"Pero para 'yong mapersonal pa, huwag na.

"Graduate na, mature na kami para diyan.

"But whether you like it or not, the rivalry will always be there.

"Which, I think, nakakatulong sa aming dalawa pareho."

THE CONTROVERSIES. Sa panahong itinakbo ng kanyang karera bilang aktres, marami ring mga matitinding intriga na kinaharap si Vilma.

Isa sa pinakamatindi nga raw ay 'yong Betamax issue—na katumbas ng sex-video o Internet scandal ngayon.

"Noon, I was so affected," pag-amin ng aktres.

"There was a time, natsismis pa na nagpakamatay ako nang dahil sa problema ko diyan... because of the betamax issue.

"But again, you know, kapag alam mong hindi totoo, matapang ka, 'di ba?

"Pero at the same time, tao lang tayo. Kahit papa'no, naaapektuhan tayo ng mga negatibo. Tama?

"So, at that time, I was very, very sensitive.

"Noong una, bawat issue, sinasagot ko talaga. Ang tapang ko talaga. At saka iniiyakan ko.

"Ngayon, hindi na. Namimili na ako ng giyera!" tawa niya.

"Kung kapatul-patol 'yong issue, okey.

"Pero kung hindi naman, I mean, kung it's just one of those... why waste my time?

"Mas marami akong dapat na isipin ngayon, like papa'no kung pumutok ang Taal [Volcano]?

"Papaano 'yong mga naghihirap sa Batangas?—which is my responsibility.

"So, ngayon, alam mo 'yong... mamili ka na lang ng papatulan.

"Kung hindi kapatul-patol, huwag na," saad ng ngayo'y governor na ng Batangas City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on past controversies: "There was a time, natsismis pa na nagpakamatay ako nang dahil sa problema ko diyan... because of the betamax issue. But again, you know, kapag alam mong hindi totoo, matapang ka, 'di ba? Pero at the same time, tao lang tayo. Kahit papa'no, naaapektuhan tayo ng mga negatibo. Tama?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results