Charice on finding her musical identity: "Gusto ko pong ma-recognize as a singer from Asia, not an Asian singer trying to be an American artist."

Charice on the difference between American and Filipino audiences: "I think... Americans are more into standing ovations. Filipinos are more like they are shouting their love. Pag naririnig ko yun, it cheers me up. Pero of course, yung standing ovation, napapakaba ako."


Nasa bansa ngayon ang Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco.

Isa siya sa mga performer sa concert billed as Hitman Returns: David Foster & Friends Asian Tour Live in Manila 2011 na gaganapin mamayang gabi, October 25, sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod kay Charice at sa ninong niyang si David Foster, kasama rin sa concert sina Michael Bolton, Ashanti, Russell Watson, at Phillip Bailey.

Inihayag nga ni Charice ang kanyang excitement para sa naturang concert, pati na rin sa pagbabalik niya sa bansa, sa live interview sa kanya ni Boy Abunda para sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 24.

LIFE IN AMERICA. Matagal na rin si Charice sa Amerika para sa kanyang career doon. Kumusta ang buhay sa Amerika?

"Overwhelming," sambit ni Charice.

What overwhelms you?

"Yung mga tao po," sagot niya.

"Kasi po, siyempre po, I grew up here in the Philippines, yung audience dito iba.

"Iba pag nagpe-perform sa harap ng mga Pilipino."

Sino ang mas expressive na audience—ang mga Pinoy o ang mga Amerikano?

"I think... Americans are more into standing ovations.

"Filipinos are more like they are shouting their love. Pag naririnig ko yun, it cheers me up.

"Pero of course, yung standing ovation, napapakaba ako."

Paano siya sumasabay sa mga singer sa Amerika?

"I think masasabi ko po na hindi naman ako nagta-try na sumabay sa kanila. Kasi gusto ko po talaga na maging ako lang.

"Gusto ko pong ma-recognize ng mga tao dun as a singer from Asia, not an Asian singer trying to be an American artist."

Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng buhay-artista dito at sa Amerika?

"I think pareho lang po, except malaki lang yung bigay [talent fee sa Amerika]," sagot niya.

GOOD AND NOT SO GOOD US ARTISTS. Sino ang mga kaibigan niya sa Amerika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow, that’s hard! Hindi naman kasi ako masyadong lumalabas ng bahay, e," sabi niya.

Hindi ba siya umiikot kasama ng mga ka-edad niyang celebrities doon?

"Medyo iba po kasi yung gimik nila doon, e, more of clubs, and I don’t do that."

Sino ang mga mababait at hindi masyadong mababait na celebrities sa Amerika?

"I think hindi ko pwedeng sabihin kung sino yung hindi mababait," safe na sagot niya.

Yung mababait na lang...

"I think Demi Lovato," pagbanggit ni Charice sa Camp Rock star at "Skyscraper" singer.

"Kasi nung nagkita po kami nung nag-present ako ng award sa Teen Choice Awards, she was there. Nasa backstage kami and she was so nice.

"Justin Bieber, mabait po. Nag-meet po kami nung nasa Oprah kami.

"And of course, David Archuleta."

How about Selena Gomez?

"I haven’t [talked to her]. She was there sa Teen Choice Awards."

Miley Cyrus?

"Yes [mabait siya]... Jonas Brothers, Paris Hilton."

Hindi ba siya na-starstruck?

"Lagi po akong nasa-starstruck kasi parang, alam n’yo yun, minsan tinitingnan ko lang sila sa picture, tapos ngayon nakikita ko na, nakakasama ko na."

STAYING GROUNDED. Paano niya pinananatiling nakatapak ang mga paa niya sa lupa?

"Kasi po yung team ko po sa Amerika, yung family ko po nakakausap ko po. Minsan nagpupunta sila Mommy doon.

"Pero pag wala sila, nag-uusap naman kami online.

"Lagi ko naman po silang kausap at lagi naman po akong pinapaalalahanan."

Natawa lang si Charice nang tanungin siya ni Boy kung may bahay na siya sa Amerika.

Marami na ba siyang pera?

"Ano ba ’yan?! Hindi ko po alam!" tawa niya.

Dumami na ba ang kanyang mga kamag-anak?

"Ay, siyempre po!" tawa niya ulit.

SONG QUESTIONS. Ang mga sumunod na tanong ni Boy ay pakanta namang sinagot ni Charice.

Song for the Philippines - "Bayan Ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Song for your mother - "Maghintay Ka Lamang."

Song for your self - "Oh my goodness, that is hard... I don’t know. Skip na lang po natin."

Song for Ellen Degeneres - "Thank You."

Song for Oprah - "In This Song."

Song for David Foster - "’All By Myself,’ because he made the song."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN