Eugene Domingo relates ghost experiences during her travels

"Tinitiis ko na lang. Sinisindihan ko na lang ang TV nang malakas. Siyempre, nagdadasal ako kasi nagbabakasyon ako, e, pero bakit ako natatakot," says Eugene Domingo who sometimes feels scared when staying at a haunted place during her travels.



Sa mga horror or suspense na pelikula, madalas ay nadadala tayo ng mga artistang umaarte nang natatakot.

Marahil sa iba, iisipin nila na parte lamang ito ng kanilang trabaho.

Pero nagkaroon na ba ng pagkakataong matakot sa totoong buhay ang mga artista dahil sa mga misteryosong bagay at kung anu-ano pang kababalaghan?

Ito ang tinanong namin sa komedyanteng si Eugene Domingo kamakailan.

Madalas ay nakikita nating siyang nagpapatawa sa harap ng camera. Subalit lingid sa kaalaman ng ilan, may karanasan na rin siyang matakot dahil sa hindi maipaliwanag na kababalaghan.

"Nakakaramdam ako kapag meron.

"For example, nagpunta ako sa bahay ninyo, first time kong nagpunta sa bahay ninyo, hindi ako maglilihim sa inyo kung meron akong nararamdaman," saad ng award-winning actress.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mayroon ba siya ng tinatawag na "third eye," sumagot si Eugene, "Hindi ako nakakakita, malakas ako makaramdam."

Pagkatapos naikuwento niya pa ang madalas niyang nararanasan kapag naglalakbay siya sa iba’t ibang lugar.

"Hindi ba mahilig ako mag-travel? Nararamdaman ko agad sa kuwarto ko kung merong something," pauna niyang salaysay.

"Mga dalawang instances na ’yon.

"Hindi ko na sasabihin kung saang hotel siya.

"Definitely, meron sa Baguio.

"Alam ko tulog ako, e.

"Pero ’yong panaginip ko, kung ano ang position ko.

"’Tapos nakikita ko ’yong banyo, nakikita kong may lumalabas at pumapasok sa banyo."

Ang pinagtataka pa ni Eugene, "Alam ko ’yong position ko, ’yon ang position ko sa totoong buhay. At alam ko na tulog ako.

"So, sa mga hotel, nararamdaman ko agad kapag meron. Ayaw ko na."

Ano naman ang kanyang ginagawa kapag ganito ang kanyang nararamdaman sa isang lugar?

"Tinitiis ko na lang," sagot ni Eugene, na minsang nang nakasama sa serial horror movie na Shake, Rattle, and Roll.

Dagdag pa niya, "Sinisindihan ko na lang ang TV nang malakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nagdadasal ako kasi nagbabakasyon ako, e, pero bakit ako natatakot.

"Pero hindi mo rin malalaman na, ’Uy, walang multo ha?’ Alangan namang tanungin mo yun sa may-ari ng hotel."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN