Robin Padilla says he did not withdraw his MMFF entry: "Ako ay hindi po umatras. Ako po ay nagbigay."

"Si Governor [ER Ejercito]. Siya ang nagsabi na may mga pelikula pang hindi nagsu-shooting. Ang sabi niya, siya, tapos na. O, para wala nang away at maipalabas ka na, okay na kami. Kasi, naunahan na kami, ang pelikula namin, hindi pa nagsu-shooting. E, dito ba sa mundo natin kung ano lang ang isinet mo, yun na yun. Kaya kami ho, nagbigay," Robin Padilla explains how he ended up giving his MMFF slot to Laguna Governor ER Ejercito and the movie,&



Pagkatapos gumawa ng isang primetime series sa ABS-CBN, ang Guns & Roses, sa isang comedy show naman mapapanood ngayon ang Idol ng Bayan na si Robin Padilla kasama ang Prince of Comedy na si Vhong Navarro at Pokwang sa Toda Max na magsisimula sa November 5, Sabado bago ang Maala-Ala Mo Kaya.

Ayon kay Robin, sa press conference of their new show yesterday at the 13th Floor of ABS-CBN, hindi raw niya makakalimutan ang network na isa sa unang sumalubong at nagbigay sa kanya ng panibagong pagkakataon noon at kung paano rin sila unang nagkasama ni Vhong noon.

"Noong una akong lumabas sa aking bakasyon sa tatlong taon sa bilibid, ang sumalubong po sa akin ay ang ABS-CBN. Binigyan po kami ng programa ni Tito Redford White. Ang tanong po nila sa akin, sino ba ang gusto mong makasama rito na parang partner mo bukod kay Tito Red?" ang kwento ni Robin.

"Sabi ko, naririnig ko yung Vhong Navarro, magaling. Kagyat naman po na ipinakilala sa amin si Vhong. Tuwang-tuwa naman po kami ni Tito Redford na kasama siya. Bata pa noon si Vhong pero wala ho kaming inutos na hindi po niya ginawa.

"Natuwa po kami sa kanya at naging kaibigan ko po siya. Mapagmahal po itong si Vhong, noon pa. Noong show na yun, ako po ang adviser ni Vhong sa kalungkutan ng kanyang puso at hanggang sa dalawang taon po ’yan.

"Napagkaisahan din po namin ni Claudine [Barretto] na maisama siya sa pelikula namin at siya naman po ang nagbigay ng katatawanan. Kaya noon pa lang po, ako ay bilib na sa batang ito.

"At nang gagawin po ni Bb. Joyce Bernal ang pelikulang naglunsad kay Vhong, ang Mister Swabe, tinanong po ako ni Bb. Joyce, ’Pare, sino ba sa palagay mo?’ Sabi ko, ’Vhong Navarro, yun ang matindi sa comedy.’ At God-willing, tuloy-tuloy naman po si Vhong sa pagiging humble. Kaya’t humble po ito, magkaibigan po kami nito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mapapansin din, nakasalamin si Binoe sa Toda Max. Ito raw ang ginawa niyang characterization sa bagong character para maiba sa mga napanood na sa kanya before.

Pero nilinaw ni Binoe na wala raw grado ang salamin niya dahil hanggang ngayon, 20/20 vision pa rin siya.

GIVING WAY. Halata naman na biglang nag-init ang ulo ni Robin at biniro na nga lang ito ng entertainment press nang kamustahin ang pang-MMFF movie niya na co-produced ng Regal Films, ang Mr. Wong, na hindi na nga natuloy.

Instead, ito ay napalitan ng pelikula ni Laguna Governor ER Ejercito, ang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga.

Humingi muna si Robin ng paumanhin sa mga taga-Toda Max dahil sa masisingit nga raw ang isyu ng Mr. Wong sa presscon ng show.

Ayon kay Robin, "Ito po ang pangyayari du’n. Nagtataka nga ako kung bakit nagkaroon ng maraming publisidad... Wala naman pong naganap na drama sa Metro Manila Film Festival [MMFF] kung hindi, kami po ay handa.

"Ang una pong maapektuhan diyan kapag sinabing umatras kami. Wala pang pinanganak na inatrasan ko sa mundong ito. Kulungan nga, hindi ko ’yan inatrasan.

"Wala po sigurong taong makakapagpa-atras sa akin. Kahit sinong tao yun. Ako ay hindi po umatras. Ako po ay nagbigay.

"Magkaiba po yun. Hindi ko po matatanggap ang retreat. Ako po ay nagbigay. Nagbigay ako sa kaibigan."

Dugtong pa niya, "Alam naman po natin na ang Metro Manila Film Festival, hindi naman basta-bastang pelikula ang makakapasok diyan. Lahat po ng makakasali riyan, e, pinaghandaan ang pelikula nila.

"Kung sinuman po ang nagsasabi na kami e, gagawa ng pelikulang basta-basta, kung puwede, magpakilala na lang siya at humarap na lang sa akin.

"Ang pelikula ko, August pa lang, handa na kaming mag-shooting. Ang problema namin, artista. Papayag sa amin ang artista. Kapag binigay na namin ang schedule, ayaw ng payagan ng network dahil artista nila. Hindi naman namin masisisi, negosyo ’yan, e, po-proteksyunan nila ang kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa rin ni Robin, "Pero kailanman po... wala kaming niloloko rito sa Metro Manila Film Festival, nagbigay kami. Alam ng aking manager ’yan, si Betchay Vidanes. Nagbigay kami."

Sino nga ba ang direktang pinagbigyan niya?

"Aba, si Governor [ER Ejercito]. Siya ang nagsabi na may mga pelikula pang hindi nagsu-shooting. Ang sabi niya, siya, tapos na. O, para wala nang away at maipalabas ka na, okay na kami. Kasi, naunahan na kami, ang pelikula namin, hindi pa nagsu-shooting. E, dito ba sa mundo natin kung ano lang ang isinet mo, yun na yun. Kaya kami ho, nagbigay.

"Sabi niya, kuwarenta’y singko mil ang inubos niya. E, napakasama ko namang kaibigan kung ako’y pinakikiusapan na, hindi pa magbibigay? Kaya lang, wala nang turuan ng kamay. Gumawa na kami ng maganda.

"Kaya dapat, huwag na nating gawin pang masama. Pasalamatan na lang. Salamat na nga lang, okay na, e. Yun lang po. Uminit yata ang ulo ko?" ang nangiti na nasambit din niya.

SEED MONEY. Posible kayang by next year, tuloy pa rin nilang gagawin ang Mr. Wong?

Ayon naman kay Robin, "Aba kami ni Mother, e, gusto naming maging loveteam. Matagal ng panahon na gusto kong gumawa kay Mother. Gusto kong matuloy yun. Ang pakiusap lang namin sa lahat, huwag naman kaming palabasin ni Mother na para kaming nanloloko.

"Napaka-pangit. Parang ang dating, lahat ng pelikula, epic tapos sisingit kami ni Mother, ang pelikula namin chopsuey, ang labo ng ganoon."

Hindi pa ba naibabalik ang P500,000 seed money na binigay nila sa MMFF?

"Wala pa. Kasi ang dating, umatras kami. Siyempre, naiintindihan natin ang Metro Manila Film Festival. Hindi natin puwedeng gawin sa kanila yun. Hindi puwede, pinili ka, e.

"Pero uulitin ko, hindi namin matatanggap ang publisidad na ’yan. Sa lahat ng usapin, talo kami sa publisidad na ’yan. Kaya siguro wala kaming choice kung hindi magbigay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano na nga ba ang mangyayari sa seed money?

"Sana nakikiusap kami. Sinulatan namin ang Metro Manila Film Festival na yun ang nangyari. Yun ang totoo. Hindi kami umaatras. Sana meron na itong resulta. Kasi, ipinadala na po, Lunes yata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN