Nora Aunor set to renew contract with Channel 5 on Friday

Naka-schedule ang pirmahan ng renewal of contract ni Nora Aunor at ng Channel 5 sa umaga ng Biyernes, October 28, ganap na ika-10 ng umaga. Ito ay para tuluy-tuloy ang pagte-taping ng superstar sa mini-serye, Sa Ngalan Ng Ina.



Tuluy na tuloy man ang pagpirma ni Nora Aunor ng panibagong kontrata sa TV5, para sa eksklusibong three-year guaranteed contract, ay hindi napigil ang detractors ng superstar na mag-speculate, sa pamamagitan ng unconfirmed reports na "hindi matutuloy" ang nasabing contract renewal.

Initially ay pumirma si Nora Aunor sa Kapatid network, para lamang sa mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina, na kasalukuyang isinasahimpapawid sa Channel 5. Magtatapos na ang mini-serye, na ang huling episode ay mapapanood next Friday, November 4.

Meanwhile, ang bagong kontrata ni Ate Guy, with TV5, ay naitakdang pirmahan ni Ms. Aunor bukas, October 28, sa ganap na ika-10 ng umaga. Kaya may late call time ang aktres, after lunchtime, bukas din, sa last taping day naman ng SNNI.

Asked about her reactions and comments hinggil sa mga naging ispekulasyon o maling haka-haka, ugnay sa contract renewal niya with TV5, Nora Aunor chose not to elaborate.

May maayos na pakikipag-usap daw kasi si Ate Guy with network officials, ayon din sa kanyang personal manager and schedule master, Boy Palma.

"It’s being taken care of by the management [of TV5 network]. Hintayin na lang muna natin ang official release. Tuloy ang pirmahan," sabi ni Kuya Boy.

REASSURANCES. Earlier, nagbahagi si Ate Guy ng mensahe sa kanya ni Atty. Rey Espinosa, President and CEO of Kapatid network (TV5 and Studio 5), who assured her na matutuloy ang pagpirma niya ng three-year exclusive contract with TV5 and Cine Mabuhay (Studio 5, film division of Kapatid network).

"Naku, huwag kang maniwala doon. Tuloy na tuloy tayo! Don’t worry," sabi ni Atty. Rey kay Nora, sa pamamagitan ng text message sa superstar.

Kahapon, October 26, muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nora Aunor sa taping ng Sa Ngalan Ng Ina, sa Quezon City.

Second to the last taping na nga iyon ng superstar. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ate Guy hinggil sa mga susunod niyang gagawin, at kaugnay niyon ang kontratang kailangan munang mapirmahan niya sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Instead of talking and explaining details, na mahirap para sa aktres dahil nagku-concentrate siya sa mga minememoryang linya sa kinukunang eksena, Nora Aunor gave PEP the necessary information based on messages she and Atty. Rey Espinosa of TV5 have exchanged with each other for the past couple of days.

Nais ding iparating ng mataas na opisyal ng network ang mga text messages bilang tugon sa mga maling ispekulasyon.

Ayon sa naunang text message ni Atty. Rey Espinosa kay Nora Aunor, noong nakaraang linggo, sabi niya: "Kakabasa ko lang ng mga artikulo sa ilang tabloid, na nagsasabing baka nagbabago na ang isip ng TV5 sa pagkuha sa iyo at sa paglagda ng three-year contract.

"Pawang walang katotohanan ang mga artikulo na ’yan. Tuloy ang pirmahan ng 3-year contract mo.

"Ang hindi nila alam ay na-postpone lang ang pirmahan natin dahil nagkasakit at nangailangan ka [na] magpahinga. Next week ang schedule ng pirmahan natin.

"Huwag mong pansinin ang mga intriga. Ako mismo ang kausap mo. Ingat ka lagi.

"Ipakita mo sa reporters yung text ko na mahaba," pahabol pa ni Atty. Rey hinggil sa nasabing mensahe.

NORA’S REPLIES. Sa kanyang sagot, lubos ang pasasalamat ni Nora Aunor sa opisyal ng TV5 station.


"Thank you very much po, Attorney. Lahat po ng nangyayari sa akin ngayon ay dahil po sa TV5.

"Kayo lang po ang nagkaroon ng tiwala at nagbigay ng lahat ng suporta para po sa ikabubuti ko.

"Kaya po, maliban sa pamilya ko, kayo po ang dahilan kung bakit po ako nagkakaroon ng lakas, para po pagbutihan ko lalo ang ano mang trabahong ibibigay sa akin.

"Maraming, maraming, maraming salamat po muli sa inyo, Sir. God bless po!"

Noong hapon ng Martes, October 25, nakipag-meeting si Nora Aunor, kasama si Boy Palma, sa ilang network officials, para sa mga detalye ng pipirmahang contract (renewal) with TV5 management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The following day, October 26, ay ipinarating ni Ms. Aunor kay Atty. Espinosa ang tungkol sa napagmitingan.

Maikli lamang ang naging mensahe ni Ate Guy kay Atty. Espinosa:

"Good morning po, Sir. OK na po ’yong kontrata. Salamat po."

Ang sagot naman ng TV5 top official ay, "Hi, Guy! Thank you for your trust. Puwede ba tayo magpirmahan sa Friday (October 28), afternoon?"

Ipinabatid nina Ate Guy at Boy Palma ang mensahe ni Atty. Espinosa sa SNNI production.

Una’y napagdesisyunang sa Biyernes ng hapon, October 28, ganapin ang contract signing. Pero nagkaroon ng pagbabago kagabi rin, at nai-schedule ang pirmahan sa umaga ng Biyernes, October 28, ganap na ika-10 ng umaga.

Para tuluy-tuloy ang pagte-taping ni Nora sa mini-serye; last taping day na ito ng Sa Ngalan Ng Ina.

Sa mensahe pa rin ni Nora, kay Atty. Rey Espinosa, as of October 26, muli niyang ipinahayag ang pasasalamat sa mga tagapamahala ng TV5.

"Nagte-taping po kami ngayon at ang saya-saya po naming lahat.

"Sabagay po, mula umpisa ng taping namin, talagang lagi po kaming masaya, lalo na po ako. Hindi nga po ako nakakaramdam ng pagod.

"Maraming, maraming salamat pong muli sa pagkuha ninyo sa akin. Mahal ko po ang TV5."

Hinggil sa mga bagong programang katatampukan ni Nora Aunor, ayon sa unang pag-uusap noong October 25, hindi muna nag-detalye si Boy Palma, pero binanggit niya na sa bagong kontrata ni Nora Aunor ay pamamahalaan ng TV5 (at Studio 5) ang mga tatampukang programa at iba pang projects ng superstar, tulad ng drama anthology, pelikula, recording at musical special and live concert, matapos ang naka-schedule na throat (vocal chords) operation sa Boston ni Ate Guy.

"Naka-schedule na ang operation ko, sa January 9. Sa January 5 ang alis ko papuntang Boston [USA]," pag-inform din ni Ate Guy sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN