Janice de Belen doesn’t mind that sister Gelli de Belen has joined another network

Spoon, hosted by Janice de Belen (above) on Net 25, has won an award at the 20th KBP Golden Dove Awards on October 26.



Sa imbitasyon ng isang kaibigan, dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, October 27, 2011 sa taping ng Spoon, ang daily cooking show ni Janice de Belen sa Net 25.

Nagkataong birthday episode ang kukunan kaya engrande ang paghahanda ng staff sa set at nagmukhang exclusive party ang loob ng state-of-the-art studio ng istasyon sa loob ng New Era University compound.



Blooming si Janice nang dumating sa studio at fully made up na ito kaya naman unang inusisa ng PEP kung ano nga ba ang wish niya sa nalalapit niyang ika-43rd birthday sa November 9.

Tugon niyang nakangiti, "Alam mo hindi na ako nagwi-wish... prayers [na lang] that I continue to be healthy, peaceful, and to be given the emotional and physical strength, to do all that I’m doing, dahil feeling ko andami kong ginagawa, kaya kailangan ko ng strength."

Applicable din ba sa kanya ang kasabihang "Let bygones be bygones," ngayong nalalapit na ang kanyang kaarawan?

Sagot ni Janice, "Depende. Pero hindi sa lahat ng bagay, pero kung maliit na bagay puwede naman."

Meron bang tao o mga taong inaantay niya na mag-sorry para mawala na lahat ang anumang tampuhan?

"Ay wala akong mga ganun, kasi mag sorry man o hindi nasa sa ’yo naman yun kung papatawarin mo o hindi di ba? But, ang patawad should be from your heart, dapat bukal ito, dapat yung hindi ka pinipilit na magpatawad."



ZERO LOVE LIFE. Matagal-tagal na ring walang naiugnay na pangalan kay Janice. Medyo naging tahimik ang kuwento tungkol sa kanyang love life. Kahit napabalita noon na may "something special" between her at isang bokalista ng banda, tuluyan namang naglaho ang issue.

Ngayon kaya ay hinahangad pa niya na magkaroon ng magandang kuwento ang kanyang puso?

Paliwanag ni Janice, "Parang ang weird naman kong sabihin kong hindi ko siya hinahangad, pero hindi ko siya hinahangad sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m doing too many things, kung hindi ko din lang mabibigyan ng panahon, if I would not be able to give my commitment whether time, [or] emotions, huwag na lang.



"At the moment, I’m fine. Parang sa buong career ko, ngayon ko lang na-i-experience what I am doing now. I have a cooking show, I have a serye, I will be doing a movie soon, parang ngayon ko lang siya ini-enjoy ulit. Gusto ko muna siyang enjoyin."



Pero handa na kaya siyang ma-in-love ulit?

"Alam mo, wala namang makakapagsasabi kung ready ka o hindi. Kasi puwede ko namang sabihin na ready ako, pero pag andiyan na, di pala ako ready or vice versa. So I don’t know. I won’t know until something is there."



Dugtong pa niya na handa na rin naman ang kanyang mga anak kung sakaling dumating man sa puntong muli siyang umibig.

"Oo naman. Para sa mga anak ko naman basta masaya ako, masaya sila for me."



JANICE, THE ACTRESS. Sa muling pagbabalik-kapamilya ni Janice, naisabak naman siya sa isang proyekto kung saan muli niyang ipinakita ang kanyang angking galing sa acting. Ito ay naipakita niya sa teleseryeng Budoy sa ABS-CBN kung saan usap-usapan talaga ang kanyang pagganap.



Ang masaya naman niyang tugon dito ay, "Wow, alam mo it really is flattering, siyempre sobrang nagpapasalamat ako, like I’ve said, I may not be a lot of things, hindi ako sexy, I cannot do what younger ones can do, but sigurado ka, pag nagtrabaho ako, buhos pati puso ko."



Hindi na bago para kay Janice ang role na ina sa isang medyo special child pero para sa kanya, isa itong magandang proyekto.

"Sa Last Viewing [isang indie film] ang anak ko doon special child, pero hindi yun ang focal point ng story. Dito sa [Budoy], yung point ng story, naniniwala kasi ako na ang magulang... we love unconditionally. No matter what. Kung anuman ang bigay sa’yo ng panginoon, mamahalin mo yun e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Na-miss kaya niya ang ganitong klaseng hamon pagdating sa drama?

"Nag teleserye naman ako when I was at GMA-7, but I guess, siguro I’m excited because of the environment, it’s a new environment again.

"May mga kaibigan kang makakatrabaho at may mga bago kang makakatrabaho na magiging kaibigan. I think I’m a bucketful of love these days. I’m just happy with what I’m doing."



JANICE, THE SISTER. Halos isang buwan na nang pormal na ipinahayag ng TV5 na bahagi na ng Kapatid Network ang kanyang kapatid na si Gelli de Belen. Ano ang masasabi niya sa pag-ober da bakod nito sa kabilang istasyon?

"I’m very happy, I’m really happy for my sister, ganun naman kami ni Gelli, we’re always just happy for each other, saan man kami pumunta, we’re always just supportive of each other, regardless of what."



How ironic na ang programa ni Gelli na Gellicious sa TV5 ay may kaugnayan din sa pagkain katulad ng show ni Janice na Spoon sa Net 25.

At ang nakakatawa pa ay umere ng parehong petsa (October 24) at parehong oras (11 a.m.) ang kanilang shows.

Halos tatlong buwan na rin kasing puro replay ang Spoon at nagsisimula na silang nag-taping ng all-new episodes para nga sa nakatakdang daily airing na nagsimula noong Oct. 24.



Natatawa naman niyang sagot, "Oo nga, but it doesn’t matter, we’re still sisters, it doesn’t matter."



"Okay lang sus, alam mo wala talagang issue yan sa amin, kasi para sa akin, walang ganyan. Above everything, we are sisters. Oo nga nakakatawa nga e, I’m always very proud of what she is doing, I will always be proud of her success, siguro ganun din naman siya sa akin."



JANICE, THE HOST. Limang taon na ang Spoon sa ere at unti-unting tumatak ang naturang palabas sa mga manunuod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, nakakuha na ito ng dalawang awards sa PMPC Star Awards for TV at isa namang award noong Miyerkules ng gabi, October 26 sa 20th KBP Golden Dove Awards.



Hindi nakarating si Janice sa awards night kaya naman nagpahabol siya ng mensahe sa bumubuo ng KBP.

"Thank you so much Golden Dove and I am pleased and honored kasi di ba this is my 3rd award as a host, ngayon ko lang naisip na meron naman pala akong nasasabing tama, may sense naman pala ako. May nagagawa naman pala ako, and this validates it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN