Rosanna Roces says she and Nora Aunor have something in common: "Pag galit kami, gumaganti kami, sa pamamagitan ng acting namin."

Rosanna Roces on working with Nora Aunor in the miniserye, Sa Ngalan ng Ina: "Oo, pero lintik sa screen, kakaiba! Opposites [talaga]." Osang plays the villainness to Nora’s character.


Napakataas ng energy level ni Rosanna Roces nang madatnan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Sa Ngalan Ng Ina last Monday, October 24, para sa malaking eksenang kukunan sa isang abandoned warehouse sa Potrero, Malabon City.

Bagama’t may kadiliman ang lugar, at medyo maputik dahil katatapos lang bumuhos ang malakas na ulan, hindi alintana ng aktres ang discomfort at inconvenience.



As ever, Osang was in high spirits. Kukunan that night ang climactic scene ng mini-serye sa TV5 na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor. ’Yon ang isa sa mga highlights ng serye, kaya excited si Osang.

At the same time, nalulungkot ang award-winning actress dahil magtatapos na ang airing ng Sa Ngalan Ng Ina. Hanggang next Friday, November 4 na lang ito mapapanood, sa TV5.

Ngayong Biyernes, October 28, ang huling taping nina Ate Guy at Osang; dito kukunan ang eksena ng madugong pagtutuos nina Gov. Elena Deogracias, Nora’s character, at Lucia, Osang’s villainess character.

Ano ang mga mami-miss ni Osang sa pagtatapos ng trabaho niya, o nila ni Ate Guy, sa SNNI mini-serye?

"Marami. Unang-una, siyempre, yung mga crew; yung samahan sa set. Maulit pa kaya ’yon? Ang hirap nang ulitin, ’no?" nangiti nang bahagya si Osang.

"Pero, definitely, hindi kami maghihiwalay [ni Ate Guy]," paniniyak din ni Osang.

OPPOSITES. Para kay Osang, kakaiba ang friendship na nabuo between her and Ate Guy [Nora’s monicker].

"Oo, pero lintik sa screen, kakaiba! Opposites [talaga]," pag-describe pa ng aktres, dahil kontrabida nga siya ni Guy, o ng character nito.

"May paliwanag ako diyan," patuloy din ni Rosanna.

"Aside from Ate Guy, sino ba ang tinawag na ’Superstar’? Si Jesus Christ.

"Sino naman ang Mary Magdalene ng buhay niya? So, ’eto ang superstar; at eto si Magdalene," wika pa ni Osang, referring to Ate Guy and herself, respectively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Magdalene, na kanyang disipulo; at faithful na disciple. At parehong inalipusta. Parehong... [dina-down], pero parehong bumabangon. At lalong gumagaling.

"Kumbaga, yung nagpapakumbaba, itinataas ni Lord.

"Bakit kami gumagaling? E, bigay ni Lord lang naman. Kanya-kanya namang talento, e.

"Pareho kami. Pag galit kami, gumaganti kami, sa pamamagitan ng acting namin. Sawa na kami sa galit, e," paliwanag pa ni Osang.

"May [mga] edad na kami. [Pero] ginagamit kasi namin, more than isip, puso. Kaya kami madalas maloko, madalas mauto, mapagsamantalahan.

"Hindi kami palaganti, iniiyak na lang namin. Benggadora kami, pero hindi sa masakit na pamamaraan.

"At saka, higit sa lahat, maka-pamilya kami," sabi pa ni Osang.

IN DEFENSE OF NORA. Sadly, para kay Osang, pareho sila ni Ate Guy na madalas nami-misinterpret at nahuhusgahan (misjudged) ng marami.

"Ako, okay lang akong ma-misinterpret, e. Pero siya [Nora], na napakalaki ng contribution sa Philippine cinema, hindi n’yo dapat ’binababoy’... dapat irespeto natin siya," pagtukoy pa ni Osang, referring to Nora’s detractors.

"Yun ang nakita ko. Hindi naman yung artista. Yung puso ng tao," sabi rin ni Osang.

"Kaya bigla akong humanga. Ang nakita ko [sa kanya], yung puso.

"’Tsaka, isa ako sa binigyan ng Diyos ng biyaya, na gaya ng biyayang ibinigay sa kanya [Nora]. Although, siyempre, iba yung sa kanya; na ibinibigay ng Diyos sa mga natatanging tao lang.

"Gaya niya, marami siyang inampon. Ako naman, inampon din ako, di ba?" wika rin ni Osang.

At pareho naman daw silang mabait sa mga inampon at umampon, respectively.

"Kasi, yun lang naman ang kaya naming ibigay... atensiyon at pagmamahal, at loyalty," sabi pa ni Osang.

Aminado rin ang aktres na mula nang magkakilala at maging magkaibigan sila ni Ate Guy, dahil sa Sa Ngalan Ng Ina, ay nasusubaybayan na rin niya ang mga pang-iintriga sa superstar.

"Naaapektuhan ako," wika ni Osang. "More than anything, masakit sa akin. Damay din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas nasasaktan ako para sa kanya, kasi hindi na nila nakikita yung inambag ng tao sa atin; ang mga karangalang ibinibigay [niya] sa bansa natin.

"Yung binigay niya, e hindi ordinaryo, e," sabi pa ni Osang, referring to Ate Guy’s achievements in international film competitions, na karangalan para sa bansang nire-represent.

"Yung ibinigay niya, e, hindi ordinaryo, e. Hindi naman ’yan artista lang bago maging artista, [kundi] isang napakagaling na singer.

"Ako, artista... ang pinagmulan ko pa, bold! Medyo mas madali ’yan.

Pero yung maging singer ka; and you rise from... [poverty]?

"’Tsaka ako, hindi ako ganu’n kahirap noon," paghahambing din ni Osang sa pagsisimula nila ni Ate Guy.

"Medyo rebelde lang ako sa magulang. Tapos, siyempre, same reason, kailangan mong pakainin yung mga bata.

"Pero para biyayaan ka ng Diyos ng ganu’ng talent, ang tanong doon, sige, laitin n’yo kami, kayo ba maraming natulungan?

"’Kala n’yo ba, nagta-trabaho kami, para [lang] sa anak, pamilya namin? Hindi!

"Nagta-trabaho kami, para sa maraming tao. ’Pag nagta-trabaho kami, iniisip namin itong mga tao [staff and crew]," pagtukoy pa ni Osang.

GRACE AND SON, BUDOY. Nabanggit din nga ni Osang ang pagiging maka-pamilya niya at sa ngayon, masaya ang kanyang homefront.

"Okey lang, kuntento naman ako sa mga bata," sabi niya, referring to her two children (Onyok and Grace) and grandchildren.

"Especially si Budoy, dinalaw ako!" pagtukoy ni Osang sa anak ni Grace kay Jolo Revilla.

"Ay, naku, tuwang-tuwa ako. Tinanong ko, ’Napapanood mo [si] lola?’

Sagot naman daw ng apo niyang si Budoy, "’Opo, lola... galing-galing mo, lola!’"

Mabuti at pumapayag na sina Senator Bong Revilla at Lani Mercado na dalawin ng bata ang lola Osang nito?

"Hindi... pasya naman ng anak ko, wala silang magagawa. Yun ang ina, e," sambit ni Osang.

Wala na raw hidwaan sa pagitan ng mga mag-i-"in-laws," ugnay sa unang apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman. Ako na yung nag-sakripisyo. Kasi, kung patuloy kong aawayin... e, nakikita ko, No. 1 yung bata sa La Salle, para bang sinira ko yung pag-aaral ng bata. E, maganda naman...

"At kahit ano pa ang mangyari, ako ang lola. More than si Bong, sasabihin ni Budoy, ’Lola ko si Osang!’

"At napakasakit sa akin, na hindi ko siya makita, solved issue!

"’Pag nakikita mo naman, na maayos ang katayuan [ng apo ko]; kahit kaya ko din naman ibigay ang ibinibigay nila... kahit kailangan kong mag-artista... kumbaga, ayoko din solohin yung pagmamahal ng bata.

"Ramdam ko rin kasi ’yon.

"E, paglaki niyan, e, sa lola pa rin yan, e. Ako pa rin ang lola niyan. Halos sa akin na lumabas ’yan."

Bukod kay Budoy, may mga apo na rin si Osang sa panganay na si Onyok, namely, Leon and Ross.

Si Budoy ay may half-sister, named Maja, na anak daw ni Grace sa isang banyaga.

May Pinoy boyfriend naman ngayon si Grace, mula sa Nueva Ecija.

"Non-showbiz [guy], pero good provider," sambit din ni Osang.

ONYOK. Kumusta naman ang pamilya ng panganay niyang si Onyok?

"Hiwalay sila [ng nanay ng mga bata], pero nagkikita sila ng anak niya," pag-inform din ni Osang.

"Sabi ko, ang importante, maging magkaibigan sila.

"They are good friends naman. Pag nagkaka-problema yung isa, sa kanya [Onyok] din ang punta.

Naging mag-best friends din sila. Tama rin yung sinabi ko, ’Kung ito magiging magka-relasyon, mag-aaway. Pero kung magiging magkaibigan, napakaganda.

"Hindi makikita ng bata na ang mga magulang nila, e, bangayan nang bangayan, kundi magkaibigan.

"At hindi rin alam ng bata na wala siyang daddy; o wala siyang mommy. Hindi pa naman niya alam ang concept ng buong pamilya, e.

"Ang importante, meron siyang mommy, at may daddy [rin] siya. At may lola! Yun ang pinaka-best!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mawala na lahat, ’wag lang si lola! Yun ang kayamanan ko ngayon.

"Tatablahin ko ang lahat, para sa mga anak ko!" makahulugang sambit din ni "lola" Osang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN