PART 2. John Lloyd Cruz on real score with Shaina Magdayao: "Gusto kong protektahan whatever’s left in this relationship."

John Lloyd Cruz: "Yun pong pinagdadaanan namin bilang magkarelasyon, bilang mga tao, parang hindi ko kayang hayaan na tapak-tapakan, na bastusin. Gawin natin ’to kasi gusto kong protektahan whatever’s left in this relationship. Gusto ko lang protektahan at bigyan ng dignidad whatever’s left of it."


Boy Abunda then turned to John Lloyd Cruz, na nakikinig lamang sa mga naging pahayag ni Shaina Magdayao.

After listening to Shaina, ano ang gusto nitong sabihin?

"Ako, nirerespeto ko ang pagpunta namin dito. I respect the story.

"And to tell you honestly, Tito Boy, ngayon ko lang narinig ’yan kasi ang tagal naming hindi nag-usap.

"So, nirerespeto ko yun," saad niya.

Totoo bang nag-apologize siya kay Ruffa pagkatapos na mag-text ni Shaina?

"Yeah, totoo yun," pag-amin ni John Lloyd.

"Tinawagan ko siya kasi hindi malinaw sa akin, e.

"Hindi malinaw sa akin yung mga nangyari.

"Pagkabasa ko ng phone ko, may mga text messages na hindi maganda ang laman and they were not intended for me.

"So, alam ko, may problema.

"Ang inisip ko, instantly, ayoko nang palakihin pa. Ayoko siyang [Ruffa] idamay.

"Sabi pa nga niya sa akin, ’Okay, I won’t say anything about it para huwag nang lumaki.’"

Sa puntong yun ay hindi napigilan ni Shaina na matawa nang mahina.

Sabi naman ni John Lloyd, "I was just trying to do the right thing, Tito Boy."

BREAK OR NOT? Pagkatapos nito ay tinanong ni Boy sina John Lloyd at Shaina kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon.

Sila ba ay hiwalay na?

Natatawang sagot naman ni John Lloyd sa tanong, "Akala ko sa dulo yun, a!

"Hindi... nandoon kami Tito Boy sa... I think, after our conversation the other night, malinaw naman sa amin na ina-acknowledge naman namin na meron kaming pinagdadaanan.

"Meron kaming hinaharap na medyo mahirap.

"And pareho kami na nag-a-agree na alam namin pareho kung ano ang dapat at kailangan naming gawin."

Ayon naman kay Shaina, "Siguro na-realize namin na if para bang gusto namin na maayos pa, or siguro gusto namin na tapusin na, kailangan i-work out namin ang personal issues namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nandoon kami ngayon."

Dagdag pa ni John Lloyd, "They can speculate kung ano ang gusto nilang sabihin. Kung ano ang istorya nila.

"’Ay, kaya sila nagkakaproblema, kaya sila hiwalay ngayon dahil kay ganito, kay ganyan.’"

RUFFA IS NOT THE REASON. Dahil sa sinabi ni John Lloyd, diretsahan siyang tinanong ni Boy kung totoo ba na kaya sila nagkakaroon ng problema ngayon sa kanilang relasyon ay dahil kay Ruffa Gutierrez?

Parehong natawa sina John Lloyd at Shaina sa tanong.

"Tito Boy, hindi po," tumatawang sagot ni Shaina.

Ayon naman kay John Lloyd, "Hindi, Tito Boy.

"Wala sa kalingkingan ng kahit sinong babae ang totoong dahilan ng pinagdadaanan namin ngayon.

"Hindi yung perception ng tao ang totoong dahilan."

Dugtong pa ni John Lloyd, "Pasensiya na po kayo pero mali po kayo.

"Ako ang magsasabi kung sino or ano ang totoong dahilan—sarili namin. Mga sarili namin.

"Masyadong malalim, masyadong personal. Huwag po kayong malito.

"Kung ano ang sinabing kuwento ni Shaina, iba po yun.

"Kami po ay may pinagdadaanan. Malaki po ang aming pinagdadaanan kesa sa kanila."

"NABABASTUSAN NA AKO..." Inamin din ni John Lloyd na dapat sana ay si Shaina lang ang magpapa-interview.

Aniya, "Isang bagay rin kung bakit pinili kong makisali... Actually, siya lang ang may schedule, nag-offer lang naman ako.

"Kasi, nababastusan na ako, nao-offend na ako sa mga nakikisali, sa mga nakikisawsaw sa mga pinagdadaanan namin.

"Yun pong pinagdadaanan namin bilang magkarelasyon, bilang mga tao, parang hindi ko kayang hayaan na tapak-tapakan, na bastusin.

"Gawin natin ’to kasi gusto kong protektahan whatever’s left in this relationship.

"Gusto ko lang protektahan at bigyan ng dignidad whatever’s left of it.

"You know, we may be having problems now, pero hindi ibig sabihin na tatahimik na lang kami at hahayaan kong bastusin n’yo kung ano ang natitira sa relasyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maaaring hindi naiintindihan ng iba, or bago sa pandinig ng iba na, ’Ano ba ang ginagawa n’yo?’

"I mean, we should be trying to attend to our problem instead of accommodating an interview.

"Hindi ganoon, e.

"Hindi ko na kayang maupo lang tapos hayaan sila na pagpiyestahan at i-direct yung karamihan ng utak ng manonood sa isang bagay na hindi naman totoo.

"Sa isang bagay na wala namang halaga sa amin."

Where do they go from here?

Si John Lloyd ang unang sumagot.

Aniya, "Ako, especially ako, I speak for myself.

"Sabi ko naman, between the two of us, ako talaga yung maraming tratrabahuhin sa sarili ko.

"Kaya kami umabot dito. Kaya kami umabot sa ganitong sitwasyon.

"Maraming kailangang pag-isipan."

Is this tantamount to saying na ang problema ay nasa kanya?

"Tito Boy, naniniwala ako na it takes two to tango," sagot ng aktor.

"Oo naman," pagsang-ayon ni Shaina.

Sabi pa ni John Lloyd, "Siguro yung problema ko, nakadagdag.

"Pero it’s about time na i-acknowledge namin na may problema kami as individuals.

"Mahirap, e. Hindi ka na maka-function as you’re supposed to function—as a partner, as a son, as an employee, as a friend.

"So, gusto kong maayos."

FAMILY SUPPORT. Paano sila nakakakuha ng suporta, paano sila nakakahugot ng lakas mula sa kanilang pamilya?

"Hindi ko nga hinihingi, Tito Boy, pero sobrang supportive nila sa akin," sabi ni Shaina.

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Shaina ang maging emosyunal.

"Sobra..." sambit niya.

Sila ba ang tipong nagtatanong ng detalye or they’re just there, quiet?

"Waiting!" bulalas niya.

"Waiting for me to say something. Waiting for me to open up.

"Ako kasi ang tipo ng tao na sasarilinin ko muna. Hindi ko muna sasabihin hanggang kaya ko pa.

"But lately, hindi ko na kinaya. So, sinabi ko na sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Especially my dad, hindi talaga nagsasalita yun.

"But, nandiyan sila para sa akin ngayon, and ngayon ko nakikita na hindi pala ko nag-iisa.

"Kasama ko pamilya ko."

BIGGER LOVE. Do they have bigger love than their problem?

Sagot ni John Lloyd, "Masarap isipin na ganoon. Masarap isipin our love for one another is definitely bigger than this.

"Pero kapag tsina-challenge na kayo ng reality, somehow, parang obligasyon mo rin sa isa’t isa na i-acknowldge yun, for you to become a better person, to become a better partner. "

Was it difficult for them to decide on this situation?

Ayon kay Shaina, "Together kasi, Tito Boy, hindi ko naman talaga nakita na gagawin namin ’to. Hindi talaga.

"And ang daming lumabas. Ang dami pong lumalabas.

"And sabi ko sa sarili ko, haharapin ko na lang sila pagbalik ko galing sa bakasyon ko. Doon ko na lang haharapin."

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Shaina.

Patuloy niya, "Pero, parang I figured, parang sumosobra na.

"Siguro dahil nasanay sila na hindi ako nagsasalita, dahil lagi ko na lang pinipiling tumahimik, kakayan-kayanin na lang nila ako.

"I owe this to myself.

"At alam ko kapag lumalaban ako, gusto ko yung nasa tama ako.

"And I think, gusto ko ngang gawin nga ’to, Tito Boy, para once and for all, matapos na.

"After this interview, kung may lalabas pa, hindi na po sa akin manggagaling yun. And then, all of a sudden..."

Sumingit si John Lloyd at natatawang sabi, "An angel came along..."

Sabi naman ni Shaina, "He volunteered to be with me."

Paliwanag naman ni John Lloyd, "Para isang harapan na lang.

"Hindi porke’t nasa ganito kayong sitwasyon, parang hindi na kayo sigurado sa pupuntahan ng lahat.

"Ibig sabihin, hahayaan mo na, tatalikuran mo na.

"Noong simula magkasama tayong humarap dito. Hindi ibig sabihin na ganito ang inabot, kailangan na hahayaan na kita, papabayaan na kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan bigyan natin ng dignidad ang relasyon natin."

Para sa kanilang mga tagahanga, nagmamahal sa kanila, ano ang gusto nilang iparating o sabihin?

Sabi ni John Lloyd, "I’m kind of excited for the both of us.

"At saka, ang ganda ng intention namin. Ang ganda ng gusto naming ma-achieve as individuals.

"Ako, as I go along with my new journey, the things that I have to process, to be honest, kinakabahan ako. Nanginginig ako.

"Nanginginig ako sa kaba dahil hindi ko alam kung kakayanin ko. Hindi ako sanay na mag-isa.

"Wala akong best friend. Ang best friend ko is my partner."

Bahagi ba ng challenge na yun si Shaina?

"Alam ko magiging proud siya sa akin kapag naabot ko yun.

"Siguro siya ang pinaka-magiging pinaka-proud."

Pinatotohanan naman ito ni Shaina at sinabing, "Sabi ko, ’Siguro ako ang magigiging pinakamasayang tao kapag nakatayo ka na ulit.’"

Hindi na naiwasan ni John Lloyd ang mapaluha sa sinabi ni Shaina.

Tanong ni boy, "Madalas sabihin na ’Where there is love, there you are.’ Ganoon din ba sila?"

Ayon kay John Lloyd: "Yung ano muna, yung sarili.

"Kung hindi mo mahal ang sarili mo, parang mahirap magmahal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN