Richard Gomez and Dawn Zulueta reunite in upcoming Kapamilya soap

Richard Gomez and Dawn Zulueta last worked together in 2003 via the movie Filipinas. The ex-couple will reunite in the ABS-CBN primetime series, Walang Hanggan, which is an adaptation of their 1992 movie Hihintayin Kita Sa Langit.


Ibinabalik ng ABS-CBN ang reel at real loveteam noong ’90s nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa pamamagitan ng upcoming primetime series na Walang Hanggan.

Sa taped interview ni KC Concepcion na ipinalabas sa The Buzz kahapon, October 30, tinanong niya sina Richard at Dawn kung paano nagsimula ang kanilang loveteam.

Si Dawn ang unang nagkuwento.

Aniya, "We did a softdrink commercial and I think, that was when the producer said we had something like a screen chemistry."

Sinegundahan ito ni Richard at sinabing, "Yes, yung mga tao, ’Puwede pala yung Richard and Dawn [loveteam].’"

Ano naman ang unang impression ni Richard kay Dawn noong una niya itong makita?

Sabi ng matinee idol, "She’s a very jolly person.

"When you look at her, she’s very beautiful.

"Up to now, she’s still very beautiful, ’di ba?

"Sexy and very much available at that time.

"After that, we did Hihintayin Kita Sa Langit."

START OF ROMANCE. Ang Hihintayin Kita Sa Langit ay ang 1991 film na idinirek ni Carlitos Siguion Reyna para sa Reyna Films, ang film company noon ni Armida Siguion-Reyna. Ito ay base sa classic novel na Wuthering Heights ni Emily Brontë.

Dugtong naman ni Dawn, "That was actually when we were doing Hihintayin Kita Sa Langit, things turned friendship into love.

"I was very excited, kasi crush ng bayan ’yan [Richard] noon.

"Noong time na yun, he was the biggest, the hottest talaga matinee idol.

"And I’m gonna be paired up with him and it was such a beautiful project."

Twenty years old lang daw si Dawn that time.

Biro naman ni Richard, siya raw pala ay teenager lang noon.

Sagot naman ni Dawn, "Fine. Si KC, ang tawag sa ’yo Tito, ako Ate."

Patuloy na kuwento ni Richard, "We were shooting at Batanes at that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At that time, we already became friends.

"Dala ko yung camera ko and we were taking pictures. Sabi ko, ’Ang ganda naman nito.’

"Dala-dala ko ang camera ko at siya ang pinakamagandang view do’n sa Batanes."

Obviously ay nagka-develop-an sila. Pero ano yung moment na nasabi ni Richard na kailangan ko siyang maging girlfriend?

"The moment I saw her in Batanes," sagot ng aktor.

Sabi naman ni Dawn, "Ako naman, kilig na kilig.

"Pero sabi ko, ’Maging friends muna tayo kasi kantiyawan tayo nang kantiyawan, e.

"We kept on teasing each other hanggang, yun, na-develop na.

"So, nagulat yung crew, nagulat yung set. Bahala sila."

Masasabi ba nilang that was a relaxed development?

Ayon kay Dawn, "During that time, it wasn’t really that relaxed.

"Kasi remember, we’re in show business. So many eyes watching.

"But what I have to say, it’s harder now. The pressure is tougher now on celebrity."

Sabi naman ni Richard, "I think in all showbiz relationships, palaging may nakikialam na mga tao.

"At that time, si Dawn, katatapos lang ng relationship.

"Ako, katatapos lang din ng relationship ko with your ate...with your Ate Sharon," biro ni Richard kay KC.

Ang ina ni KC na si Sharon Cuneta ay naging girlfriend din noon ni Richard.

Natatawang sabi naman ni Dawn, "Napaka-historic talaga ng conversation na ’to!"

Dugtong ni Richard, "Yung mga reporter friend, ’O, si Dawn Zulueta na ba ang girlfriend mo pagkatapos ng Ate Sharon mo?’"

Sabi naman ni Dawn, "I think, what’s really important is we’re so young.

"Parang mapusok pa, e. Parang ang dali lang madala.

"Porke’t may nagtsismis lang sa akin, naniwala na ako.

"That’s what I think the difficulties that we had, we were so young."

THE BREAKUP. Pero paano ba sila naghiwalay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dawn, "It’s like you’re going to a heartbreak publicly."

Dugtong naman ni Richard, "Tapos na itong relationship na ito. Dumating yung argument, disagreements.

"Parang ang hirap na, sobra. Separate na lang.

"And I remember, we were even fighting when we were in Pagudpud [Ilocos Norte]."

Sabi ni Dawn, "I know. You know, that’s the worst.

"We’re trying to be sweet-sweet, pero galit na galit ka sa kanya, gusto mong sakalin!

"Ginagawa rin namin yung kay Tita Midz na Saan Ka Man Naroroon [1994], nag-i-split na kami ng mga oras na yun."

Dagdag pa ni Dawn, "I think I wouldn’t have handled it publicly. Maybe I shouldn’t have said so many things.

"You know, I said it because I was hurt, ’di ba?

"Pero may mga lumabas sa bibig ko na sana, hindi ko na lang sinabi.

"Mga masasakit na sinabi ko rin sa kanya na dapat, hindi na lang."

SEPARATE LIVES. Mahigit tatlong taon ang itinagal ng kanilang relasyon. Pagkatapos nito, nagsimula na sila ng kani-kanilang buhay kasama ang kani-kanilang bagong karelasyon.

Ayon kay Richard, "Sa buhay kasi ng showbiz, kapag gumalaw ka, alam agad ng lahat.

"That was the time na nililigawan ko si Lucy [Torres, Goma’s wife], hindi nalaman ng mga tao.

"Para akong James Bond kapag pinupuntahan ko siya, like sa Cebu.

"Pero, hindi alam ng mga tao na nandoon pala ako kasabay ng mga imbento na alam ng tao, nandoon ako for motocross.

"Then kapag walang nangyayari, I drive my car and I go to her place."

Noong 1997, Dawn was still at the peak of her career. Pero bakit nag-decide siya to let it go and get married?

"When I met Anton [Lagdameo, her husband], I really had the foretaste na talaga of what it’s like behind the spotlight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gaya rin ng sinabi ni Goma, iba rin yung hindi masyadong mainit sa mata.

"Yung tuwing lumalabas kayo, you’re doing simple things lang and you’re in a more natural setting, ’di ba?

"And noong na-realize ko nga that it was for me, I really enjoyed it. I really shed it all of.

"I was so willing to do it and I did it na talagang all the way. I really enjoyed it.

"Living in the province. Doing the market. Doing the grocery. Cooking for the home."

Sabi naman ni Richard, "We were very lucky dahil yung mga asawa namin, they are both very understanding sa mga ginagawa namin.

"I can speak for Lucy because she’s a fan at heart and she loves Richard and Dawn na tandem.

"And everytime na yung Hihintayin Kita sa Langit was on TV at maabutan niya yun, she will watch it. She loves it.

"That’s one way na natutuwa ako kay Lucy."

Kuwento naman ni Dawn, "She [Lucy] texted me, siya yung excited na excited we’re gonna do this team-up again.

"She can’t wait daw to see the magic again on screen."

GOMA RETURNS AS A KAPAMILYA. At sa pagbabalik Kapamilya nga ni Richard ay ang balik-tambalan nila ni Dawn sa itinatalang isa sa higanteng teleserye ng ABS-CBN—ang Walang Hanggan.

Ayon kay Richard, "I’m very excited to be back in ABS-CBN.

"Finally, I met with Boss Gabby [Lopez] again and sabi niya, ’Richard, welcome back.’

"Sabi ko, ’Thank you boss for taking me back at ABS.’

"Sabi ko nga, the prodigal son has returned.

"The best years of my life was at ABS and I’m happy to be back."

Sa bago nilang teleserye, mga new breed of Kapamilya stars ang makakasama nila gaya nina Coco Martin, Paulo Avelino, Melissa Ricks, Joem Bascon, at Julia Montes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Richard, "We’re very excited kasi ibang breed ng mga artista naman ang makakasama namin."

Dugtong naman ni Dawn, "Kung familiar sila sa movie namin na Hihintayin Kita sa Langit, it’s a soap version.

"It’s a beautiful, beautiful project.

"Hindi pa sana ako magtatrabaho pero...next year pa sana.

"But when Deo [Endrinal] offered it to me, ’Okay, I’ll do it.’

"But I say, ’Only if Goma’s going to say yes.’"

Ayon naman kay Richard, "The moment they presented the story, ipinakita nila sa akin, sabi ko, ’Yes, I will do it.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN