Stars share their strange and scary experiences

(First row, L-R) Nadine Samonte, Lorna Tolentino, Gina Alajar, and Niña Jose; (second row, L-R) Mico Aytona, Dingdong Dantes, and Albie Casiño.


Usung-uso ang mga kuwento ng katatakutan at kababalaghan pag ganitong panahon ng Undas.

Kaya naman narito ang ilang artista na nagbahagi ng kanilang ghost stories at horror experiences na napanood noong October 23 at 30 sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed.

LORNA TOLENTINO. Taong 2008 nang pumanaw ang asawa ni Lorna Tolentino na si Rudy Fernandez sa sakit na periampullary cancer.

Tatlong taon na ang lumipas pero tila patuloy na nagpaparamdam pa rin daw kay LT si Daboy. Patunay lamang na patuloy ang kanilang pag-iibigan na kahit kamatayan ay hindi kayang paghiwalayin.

Kuwento ni LT, "Noong one time nandun kami sa musoleo [sa Heritage Park], may nakapasok na butterfly. Siguro inisip ko na parang gusto niyang [Rudy] bumisita."

Maliban sa pagpaparamdam daw ni Daboy sa pamamagitan ng paru-paro, may kakaiba pang karanasan si LT sa pagpapakita ng yumaong asawa.

Aniya, "Napansin lang namin sa pictures pag meron kaming celebrations o affair, pag birthday ganyan.

"Kadalasan pag may mga picture-taking, kanya-kanya kaming litrato, kadalasan meron akong orb na nasa tabi ko.

"Alam namin na nandidiyan lang kung sino ang nagmamahal sa amin."

Sa sinasabing pagpaparamdam na ito ni Daboy, batid ni Lorna na wala siyang dapat ikatakot dahil ito raw ay pagpaparamdam ni Daboy ng pagmamahal.

"Kung anuman yung nangyayari sa buhay namin, alam ko na nandiyan siya, nakikita niya. So, hindi ko iniisip na wala siya.

"Siguro yung presence niya lang physically ang wala, but yung presence niya sa mind and spiritual and emotional, alam kong nandiyan siya at lagi kaming ginagabayan."

DINGDONG DANTES. May mga kaluluwa naman daw na hindi maiwan-iwan ang kanilang pinagpupugaran, gaya ng nangyari kay Dingdong Dantes.

"Yung dating tinirhan namin may ano... nung umalis na kami doon, nakita ko siya noong bago ako lumipat. Medyo blurred lang talaga siya."

NADINE SAMONTE. Tungkol naman sa karanasan niya sa mga maliliit na tao, na hindi malinaw kung mga duwende, ang hanggang ngayon ay nararanasan pa rin daw ni Nadine Samonte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simula kasi nung bata pa ako, lagi kong sinasabi sa mom ko, ’Mama, look o, there’s small people always looking at me and wants to play with me.’

"Pag titingnan ng mama ko, wala.

"Tapos hanggang sa lumaki na ako, kung saan kami lumilipat, may mga nagsasabi na sumusunod until sa bahay.

"Kahit eto sa bahay namin, may nakikita kami sa baba hanggang sa second floor, may dadaan, yung ganun.

"Sanay na rin kami e. Tapos pag madaling-araw umuuwi ako may gumaganun [nagbubukas] sa doorknob ko."

MICO AYTONA. Nakakatakot naman ang kuwento ng young actor na si Mico Aytona nang minsang magkaroon sila ng taping sa isang liblib na lugar sa Tagaytay.

"Ang nangyari po noon, naglalakad ako tapos alam mo yung kanta-kanta, pito-pito, ganyan-ganyan. Hanggang sa bigla akong nadapa.

"At noong bigla akong nadapa, nagtataka ako kung bakit hindi ko naitukod yung kamay ko.

"Yung bagsak ko kasi ganyan o [padiretso]. Parang nakatali yung kamay ko e," salaysay ni Mico.

Diretsong tumama raw sa lupa ang baba ni Mico at dumugo nang husto.

Nang dinala siya sa ospital, sinabi ng doktor na maaari niya itong ikamatay dahil puwedeng mabali ang kanyang spinal cord.

Ang ikinabigla pa ni Mico ay ang nalaman niyang kuwento tungkol sa lugar na iyon.

"May nakapagsabi nga sa akin na janitor sa maintenance po nila na meron nga raw pong ano dun masamang espiritu.

"The week after na maaksidente ako, na hindi na kami nag-taping doon, nabalitaan namin na meron dun na namatay na nagpipintura. Nabagok ang ulo sa mismong spot kung saan ako nadapa."

Sa isa pang insidente, minsang pinag-tripan nina Mico at mga kasama sa isang workshop na tawagin ang kaluluwang sinasabing nagpaparamdam sa isang studio.

"Ang ginawa po namin, trineten namin yung multo. ’Pakita ka, wala ka pala e. Duwag ka pala e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung isang kagrupo ko, meron siya yung unang phone na may camera. And ang ginawa niya, pinikturan niya ako sa likod.

"Pag-picture niya sa likod ko, merong isang shape ng babae. Tapos tumakbo silang lahat.

"Ngayon, paglabas ko, ’Bakit kayo tumakbo?’ Kasi yun nga raw, merong babae sa likod ko which is pinakita nila right after.

"Nagtataka yung dad ko paglapit ko sa kanya, paglapit naming buong grupo, nangamoy patay daw na bulaklak. Yung bulaklak sa patay na for certain occasion lang naaamoy ng mga tao."

Ilan lamang ito sa mga nakatatakot na naranasan ni Mico, pero napaglalabanan daw niya ang mga ito.

"Kung magpapadala ka lalo sa takot mo, e, I mean, you just have to pray and siyempre have faith in God, sa Panginoon natin. Ganun ang ginagawa ko po."

GINA ALAJAR. May kakaibang karananasan naman si Gina Alajar nang mamatay ang kanyang ina.

Kuwento niya, "When my mother died, when my mother passed away, parang nagulat lang kami because she left some stuff, some things that are really very important to us na hindi namin alam na tinatago niya pala yun all the while na nasa kanya yun.

"And then it was hidden in a place na we would never imagine na nandoon."

ALBIE CASIÑO. Minsan, ang multo raw ay maaaring magpakita sa panaginip katulad na lang ng nangyari kay Albie Casiño sa kanyang lolo.

Kuwento niya, "Nagte-taping pa ako noon, e, when he died. Hindi ko alam na namatay siya.

"Tapos habang nasa taping ako, natutulog ako, tapos napanaginipan ko yung lolo ko na nakaupo sa upuan niya pero naka-all white siya.

"Sabi niya, ’I love you.’ Ganun-ganun. ’I miss you.’

"So, after ng eksena ko, dinala ako sa St. Luke’s. Tapos yun, patay na pala yung lolo ko."

NIÑA JOSE. May experience din si Niña Jose sa kanyang yumaong lolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In my lolo’s funeral, me and my sister were talking. And then parang we were saying na, ’Paano na ’yan, ate?’ Kasi we call our lolo na daddy. ’Alam na ni Daddy yung mga kalokohan natin. Paano yan?’

"Biglang the door of the bathroom in the place, biglang nag-shake.

"’Oh my God!’ Parang we had a feeling na siguro it was my lolo."

Naniniwala ka man o sarado ang iyong kaisipan tungkol sa mga kaluluwang nagpaparamdam at iba pang kababalaghan, subukan mong magmanman dahil ngayong panahon ng Undas, baka merong gustong magparamdam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN