Pinoy celebs reveal their destinations this Halloween

(First row, L-R): Jake Vargas, Neil Coleta, and Kristoffer Martin; (second row, L-R): JC Tiuseco, Mark Herras, and JC de Vera.


Tuwing sasapit ang Undas o Araw ng mga Patay ay may kanya-kanyang destinasyon ang ilan sa mga paborito nating mga artista. Ilan sa kanila ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at tinanong namin sila kung saan sila magpupunta ngayong Araw ng Patay.

Ito ang kanilang mga sagot:

German Moreno (Walang Tulugan With The Master Showman): "Sa Loyola [Marikina] kami pumupunta. Binibisita ko yung mga yumao kong pamilya. Tinataon ko ang pagpunta na hindi na ganun kadami ang tao, para hindi masyadong crowded."

Jhake Vargas (Tween Hearts/Pahiram ng Isang Ina): "Sa Olongapo lang po kaming mag-anak sa Araw ng Patay. Pahinga ko na rin yun sa sobrang dami ng trabaho, pero dadalaw po kami sa mga yumao naming kamag-anak sa sementeryo."

JC Tiuseco (Kokak): "Pupunta kami ng buong family sa province, sa Bangued, Abra."

Kristoffer Martin (Tween Hearts/Ikaw Lang ang Mamahalin): "Bibisita po kaming buong pamilya sa puntod ng ate ko sa Olongapo Memorial Park."

Hiro Magalona (Tween Hearts/Iglot): "Pupunta po kami sa sementeryo, dadalawin ko yung kuya ko na namatay, kasama yung whole family ko at kamag-anak."

Benjamin de Guzman (Anghelito, Batang Ama): "Pumupunta po kami ng sementeryo para dalawin yung mga kamag-anak namin, tapos diretso kami ng bahay at doon kami nagdarasal kasama ng buong pamilya."

Kris Lawrence (Party Pilipinas): "Bale sa araw ng patay, rest sa work, bale pupunta po ako ng El Nido."

Teejay Marquez (Tween Hearts/Ikaw Lang ang Mamahalin): "Hindi pa po ako artista, every year nakaugalian na namin ng buong pamilya na magkita-kita sa araw ng patay sa Eternal Garden kung saan nakalibing yung ibang mga kamag-anak namin."

Krystal Reyes (Munting Heredera): "Dito lang po kami sa Bulacan ngayong Undas. Bibisitahin po namin yung lolo ko, tatay ni Papa, sa Sta. Maria; at sa Obando naman po si Lola, nanay ni Mama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Neil Coleta (Growing Up/100 Days To Heaven): "Sa Dasmariñas, Cavite lang po kami pupunta, sa San Agustin Memorial Park, para bisitahin yung mga namayapa naming kamag-anak."

Rhen Escaño (Tween Hearts/Walang Tulugan): "Sa bahay lang kaming magkapatid, bale pahinga ko na rin po. Lahat kasi ng patay namin nasa Iloilo.

Mark Herras (Party Pilipinas/Time of My Life): "Bibisitahin ko yung puntod ng lola ko, tapos uwi na ng bahay para makapagpahinga."

Vangie Labalan (character actress): "Nasa Intramuros lang ako sa araw ng patay. Pero sa November 5, pupunta ako sa Sydney, Australia para bisitahin doon ang anak ko."

Shalala (Juicy!): "Siyempre pupunta kami ng North Cementery. Dun kasi ang puntod ng namayapa kong parents, kuya, and pamangkin. Tapos pag-uwi, nagpapadasal kami sa bahay."

Ryza Cenon (Time of My Life): "Uuwi po ako sa Gapan, Nueva Ecija. Pupuntahan ko yung mama ko kasi doon nakalibing."

Dingdong Avanzado (singer): "Spend time lang with the family and take time to reflect and remember our loved ones and friends who have passed away na. Usually we don’t visit the cemetery during All Souls kasi sobrang dami ng tao—ang sikip-sikip. Anyway, we can go and visit anytime naman."

JC de Vera (Ang Utol Kong Hoodlum): "Bale sa All Souls Day magbabakasyon ako sa Singapore for four days."

Sylvia Sanchez (Iglot): "Nasa bahay lang kami this coming All Souls Day kasama ng family, pahinga."

Kim Komatsu (Tween Hearts): "Pupuntahan po namin yung lolo ko at yung dalawang tito po namin, kapatid ng mommy ko, sa Himlayang Katoliko sa San Mateo, Rizal. Tapos sasamahan ko yung nag-aalaga sa akin na bisitahin yung puntod ng lola niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN