Shamcey Supsup on her supposed attitude problem: "I respect whoever said that and hopefully they get to know me better."

Shamcey Supsup does not have any ghost story to share, and doesn’t wish to have one. "Please, huwag na," she says.


Muling ipinakita ng Miss Universe 2011 3rd runner-up na si Shamcey Supsup ang kanyang famous tsunami walk sa show na pinamagatang "Lee Denim Day," na kaugnay sa Philippine Fashion Week, noong October 28, 2011.

Bago ang ramp modeling para sa beauty queen, kaya ang bungad nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment portal): "I was very excited. I think it’s a lot different from a beauty pageant.

"I don’t know how I feel but I’m so thrilled that the people enjoyed me for what I did."

Pero hindi naman siya masyadong kabado dahil nakasuporta sa audience ang kanyang ina na si Marcelina Supsup at ang kanyang boyfriend na si Lloyd Lee.

Pag-amin niya, "Mas inspired kaysa kinabahan."


TSUNAMI WALK. Kaugnay pa rin sa istilo nito sa pagrampa, nabanggit na gagayahin daw ito ni Jon Santos para sa kanyang show na Jon To The World.

"Oh, I just heard about it. Ano, I’m flattered. I’m very flattered, kasi sabi nga, for them to have that time and effort, ibig sabihin they really look at how you walk, talk.

"So I’m very flattered, thank you," ang pahayag ng dalaga na pang-beauty contest ang mga sagot.

Panonoorin ba niya ang show ng comedian sa Disyembre?

Aniya, "Yes if I have the time, I’m willing to go."


HOSTING JOB? Simula noong naging isa siyang runner-up sa Miss Universe, kaliwa’t kanan ang kanyang work engagements.

"Yung schedules naging hectic, and yun nga, as I said, I cannot go out alone anymore as much as before.

"Pero nothing big changed. My plans are still the same."

Kasama kaya sa pagiging busy niya ang mga usap-usapang idadagdag siya eventually as co-host sa Pinoy Big Brother Unlimited ng ABS-CBN?

Tugon niya, "Hindi ko ho yun alam. I have no idea. I just heard it on the news."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bali-balita ring isasama siya sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey, may alam ba siya tungkol dito?

May halong gulat din ang kanyang sagot, "Ha? Hindi ko po alam yun talaga. Ngayon ko lang po narinig yun.

"If ever, thank you, thank you.

"I don’t know yet, parang it’s gonna be every day, e. I have a lot of other projects din...

"Hindi ko alam kung kaya siyang masingit kasi I’m not the one doing my schedules."


ATTITUDE PROBLEM? Bukod sa pagiging busy, kaakibat na rin ng kanyang pagsikat ang mga intriga.

Kumakalat ang balitang may attitude problem na raw si Shamcey. Ano ang masasabi niya rito?

"Ako, anything, I respect their opinion.

"And I think in time you also need criticisms to be able to parang, ’A, okay. This is pala how they see me.’

"So, I respect whoever said that and hopefully they get to know me better."

Kung tutuusin, ang mala pang-beauty contest na mga sagot ni Shamcey ay hindi fake.

Sa pagkakakilala ng YES! Magazine sa kanya, bukal sa loob at diretso ang pananalita ni Shamcey sa lahat ng naging katanungan sa kanya ng mga editors, nang ito ay maging cover ng YES! November 2011 isyu.

Matalino lang talaga si Shamcey. Marunong umiwas sa kontrobersiya.

Ngunit higit rito, ayon sa YES! editors, likas na maganda ang pagkatao ng beauty queen. Sa loob ng mahigit tatlong oras na interbyu/piktoryal ng magasin, sinasabi lang nito ang nasa saloobin niya.

UNDAS. Napadpad ang usapan sa Todos Los Santos. Ano ba ang plano ni Shamcey?

"Will just be with my family, kasi wala kaming relatives here na nakalibing, they’re in the province.

"So, we just stay at home, go to church, and siguro rest day na rin."

May maisi-share ba siyang ghost story?

"Actually, I’m very scared of ghosts. But I’ve never seen one, although please huwag na!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I heard a lot of those from my friends, but firsthand wala, and hopefully wala akong makita talaga," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN