Nora Aunor on her three-year guaranteed contract with TV5: "Ngayon lang ako nabigyan ng [ganitong] importansiya at respeto."

"Hindi ako makapagsalita. Kasi, yung suporta [ng TV5 management], ngayon ko talaga nakita. ’Di ba, pag mga 50 anyos ka na, kahit anong gawin mo, dumarating yung time na... wala na? Pero sa kanila kasi, nandun pa ring yung pagtitiwala nila. Sa kanila ko lang naramdaman yun," says Nora Aunor about her exclusive contract with TV5.


Pinangunahan ni Nora Aunor ang masayang farewell party para sa cast, production staff, at mga crew ng mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina ng TV5 noong Sabado ng gabi, October 29.

Ginanap ito sa Buddhakan, a renovated events venue, sa second floor ng Coronet Theater building on Aurora Blvd., Cubao, Quezon City.

Mula 8 p.m. hanggang hatinggabi, ang nasabing pagtitipon ay nagsilbi ring Halloween at thanksgiving party ni Ate Guy para sa mga taga-produksiyon.

Kahit na maliit na pagdiriwang lang ’yon na madalian ang preparasyon, malaking bagay daw ito para kay Ate Guy.

Dito raw maipapaabot ang lubos at taos-puso niyang pasasalamat sa mga nakasamang staff at crew, at ang pagiging malapit niya sa mga miyembro ng cast.

"Kulang pa ito para maipaabot ko sa lahat ang buo kong pasasalamat sa mga suporta nila," sambit ni Ate Guy nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang awarding at photo-ops.

Kakatapos lang ng pinakahuling araw ng taping ng Sa Ngalan Ng Ina kahapon, October 28, sa Correctional Institute for Women, at inabot ito ng madaling-araw.

Kahit pagod at puyat ang crew ay dumating pa rin sila sa takdang oras para sa nasabing party. Masigla nilang inantabayanan ang raffle, kung saan ipinamahagi ang ilang cash prizes, cell phones, at mga iPod.

Ang major prize na MacBook, na nagkakahalaga ng halos P120 thousand, ay napunta sa isang utility boy na nagngangalang Chapee.

Si John Rendez daw ang nag-donate ng MacBook.

Sabi ni Nora sa PEP, "Siya mismo ang bumili niyan, wala pa kasi akong pera [last week], e, nagplano na kami ng para sa giveaways sa party."

Dumalo rin si John sa party, kasama ang dalawang kaibigan, pero hindi siya nagtagal.

Sa major cast naman ng Sa Ngalan Ng Ina ay hindi nakarating sina Rosanna Roces, Nadine Samonte, Eula Caballero, at Edgar Allan Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May shooting siya ng Shake, Rattle & Roll; hindi na rin siya makakarating sa Zirkoh show [ng PMPC]," banggit ni Alwyn Uytingco tungkol sa kasamang si Edgar Allan.

Nakisaya si Alwyn sa mga production people hanggang matapos ang party. Mayroon din siyang giveaway T-shirts para sa mga ito.

Bukod kay Alwyn, nasa party rin ang veteran actor na si Leo Rialp at ang comedienne na si Joy Viado.

Wala man sa party, nagpadala naman ng litson si Christopher de Leon para sa lahat.

Abala rin si Boyet sa tapings ng kanyang kinatatampukang teleserye sa ABS-CBN.

Ang anak naman nina Boyet at Guy na si Ian de Leon ay hindi rin nakarating dahil masama ang pakiramdam nito.

Biro naman ni Boy Palma, Guy’s personal manager: "Hindi makalabas ng bahay si Ian.

"Galit kasi sa kanya ang mga katulong ng kapitbahay dahil sa pinaggagawa niya [as Zaldy] kay Guy.

"Inaabangan siya ng mga ’yon..."

Hindi rin nakadalo si Direk Mario O’Hara dahil sa iba pa niyang kaabalahan, ugnay sa napipintong pagtatapos ng Sa Ngalan Ng Ina, na ang last airing this week ay hanggang sa Biyernes, November 4.

NORA’S THREE-YEAR CONTRACT WITH TV5. Noong umaga ng October 28, 10 ng umaga., naganap ang pagpirma ni Nora ng three-year guaranteed contract para sa Kapatid network, na binubuo ng TV5 (television programs and special shows) at Studio 5-Cinemabuhay (movies). (CLICK HERE to read related story.)

Sa Marriott Hotel sa Pasay City ginanap ang pirmahan.

Dinaluhan ito ng ilang matataas na opisyal ng istasyon; kabilang sina Atty. Ray Espinosa (president and CEO), Mr. Bobby Barreiro (EVP and COO), at Mr. Perci Intalan (creative entertainment department head).

Maagang dumating sa venue sina Ate Guy at Boy. Mabilis din daw natapos ang pirmahan, bago mag alas onse ng umaga.

"Umiyak si Guy nang ini-interview [ng TV5 news reporters] after the contract signing," banggit ni Boy sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy represented the Superstar bilang kanyang personal manager at schedule master.

Ayon kay Nora, she couldn’t contain her emotions matapos ang naganap na pirmahan.

Aniya, "Hindi ako makapagsalita. Kasi, yung suporta [ng TV5 management], ngayon ko talaga nakita.

"’Di ba, pag mga singkuwenta anyos ka na, kahit anong gawin mo, dumarating yung time na... ’wala na?’

"Pero sa kanila kasi, nandun pa ring yung pagtitiwala nila.

"Sa kanila ko lang naramdaman yun.

"’Tsaka nakakausap ko sila [management].

"Sa iba, ang dami mong dadaanan. Kahit na makausap mo, kung ano yung pinag-usapan ninyo, hindi nila susundin.

"Eksperiyensiya ko yun."

Nailathala sa YES! October 2011 isyu, kung saan cover si Nora, ang ilang pahayag ni Nora tungkol sa ABS-CBN management.

Sumama raw ang loob niya sa mga ito. At bagamat hindi na raw aktibo ang sama ng loob niya sa magkapatid na Charo at Malou Santos, na nasa top management ng Kapamilya network, naaalala pa rin niya ang hindi raw pagbigay sa kanya ng kaukulang respeto.

Pero kakaiba raw ang TV5 management.

Lalo na raw noong naiintriga pa ang panibagong kontrata ni Nora, na ayon sa detractors ng superstar ay "tagilid na" o "hindi na matutuloy."

Kuwento ni Ate Guy, "Sabi ni Atty. Ray Espinosa, ’Hayaan mo sila. Huwag kang maniwala, tayo ang nag-uusap. Hindi kita lolokohin...’"

Ayon din kay Boy, ang mataas na opisyal pa ng TV5 ang nagpaalala sa TV5 news team na umiinterbyu kay Nora na huwag na itong paiyakin sa interview.

"’O, tama na ’yan! Tama na ’yan! Pinapaiyak n’yo si Ate Guy! Magandang tanong naman,’" pag-quote pa ni Boy sa network official.

"Kasi yung mga tanong kay Guy," patuloy ni Boy, ’Ano’ng nararamdaman ninyo, na ganito ang nangyari, binigyan kayo ng three-year guaranteed contract? Na parang ngayon lang nangyari sa isang TV5 artist?’

"Doon kinabog si Ate Guy! Umiyak!" natatawang pagre-recall pa ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-feel niya kasi... o, sabi niya, nakikita niya kasi, sa ibang bansa, the more you age, the more you’re given importance.

"Iba nga raw dito.

"But this time, TV5 really supported her.

"Siyempre, sino naman ang hindi mao-overwhelm nang gano’n?"

Pagsang-ayon ni Nora, "Ngayon lang sa akin nangyari ito.

"Ngayon lang ako nabigyan ng [ganitong] importansiya at respeto.

"Kaya ngayon ko nakikita yung nangyayari sa Amerika, sa ibang bansa, na habang nagkaka-edad ka, mas lalo kang nirerespeto, bilang artista.

"Na-feel ko yun dito sa TV5. Kaya maraming-maraming salamat po."

HAPPY FOR ATE GUY. Hanggang 2014 ang pinirmahang kontrata ni Nora sa TV5.

"Managed na siya ngayon ng 5," banggit din ni Boy.

"Well, lahat tayo happy for Ate Guy. Kasi, number one, she really worked hard for this.

"Nagtrabaho talaga si Guy dito, not expecting anything in return.

"So, this was just parang bonus, given to us as a bonus, because Guy promised na tatapusin lahat—everything.

"Tingnan mo naman, nagkasakit na, na-ospital na and everything! Lahat!

"Pero she did not give up."

Ugnay sa unang pinirmahang kontrata ni Ate Guy para sa month-long mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina, sabi ni Boy, "We did not expect any extension.

"We thought that after the mini-series, that’s it!

"But nung pinatawag kami for an extension [of contract], about a month ago, pinag-usapan [ang tungkol sa kontrata]. Sabi ko, ’Sige, let’s see...’

"Nung nakita namin yung draft [ng contract], it was an offer that was... talagang... not because of [certain terms, financially] but yung pag-aalaga na gagawin sa kanya as talent, artist ng channel 5, ibang klase!

"Marami na kaming pinirmahang kontrata ni Guy. Pero iba ito, e.

"Not only the security, but the love [of the management] is there.

"Hindi pinag-uusapan yung pera, e. But more of yung respeto.

"And yung feeling ni Guy while she was signing it, iba, e. Ibang-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, hindi namin alam kung paano mapapasalamatan si MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 network owner], si Atty. Ray Espinosa, si EVP Bobby Barreiro, si Mr. Perci Intalan, si Ms. Jo Ann Bañaga [unit head]."

NORA’S BUSY YEARS AHEAD. Si Jo Ann Bañaga naman ay nagbigay ng ilang impormasyon tungkol sa mga bagong projects na gagawin ni Nora, kaugnay sa bago niyang kontrata sa Kapatid network.

"May mga pelikula. May soap opera din," sabi niya.

Wala pa nga lang tiniyak si Jo Ann kung ano ang mas mauunang gagawin ni Ate Guy.

"Depende. Kung kailangang magpahinga, magpahinga. Pero may mga plans," sabi niya.

May mga nabanggit naman si Boy na naka-lineup na projects for Nora, tulad ng drama anthology at reality show para sa mga bagong singers.

Si Ate Guy ang magiging singing coach.

Kabilang din sa kontrata ang pagpu-produce ng recording at concerts/special shows para kay Nora.

Ang huli’y isasakatuparan matapos ang gagawing throat operation ni Nora sa Amerika sa Enero 2012.

Posibleng ang TV5 management din ang mag-shoulder ng expenses sa gagawing operasyon, ayon pa kay Boy.

Bukod pa rito ang probisyon para sa paggawa ni Nora ng indie movies, na kailangan muna ang approval ng TV5 management.

Dagdag ni Jo Ann, matapos ng Sa Ngalan Ng Ina, "Meron siyang serye na mas mahaba.

"A weekly drama anthology was also planned... marami, e.

"She will be very busy. ’Yan ang puwede kong sabihin.

"She will be very, very busy! Yes, for the next three years!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN