Charice Pempengco feels sorry her father chose the "wrong way"

Charice Pempengco (in photo): "I think ang pinakapagsisisi diyan ay ang nangyari before. Sana di siya pumunta sa wrong way—sana hindi siya gumamit ng drugs, sana hindi siya sumama sa maling grupo— but in the end he’s still my dad at kahit hindi kami nagka-bonding. I think ngayon he still knows na we still love him."


Dumating kagabi, Nobyembre 1, si Charice Pempengco at dumiretso kaagad sa burol ng kanyang amang si Ricky Pempengco. (CLICK HERE for related article.)

Pinagsasaksak ng itinuturong salarin na si Angel Capili, Jr. ang ama ng international singing sensation noong Lunes, Oktubre 31, sa San Pedro, Laguna. (CLICK HERE for related article.)

Bagamat lumaki na malayo sa ama, naging maganda pa rin ang relasyon ni Charice dito, at pag-alala pa niya kahapon, Nobyembre 1, sa kanyang tweet:

"Sinabi niya sa akin nung ako’y bata pa, na hindi actually alam ni mommy, gusto nya akong maging sundalo kasi sabi niya matapang daw ako."

Ngunit hindi niya natupad ang pangarap na ito ng kanyang ama.

Sa artikulong nilabas ng ABS-CBN News ngayong araw, Nobyembre 2, ay pinaliwanag ni Charice kung bakit hindi niya nagawa ang pangarap na ito ng kanyang ama.

"Hindi kaya ng height ko," sagot niya nang tanungin kung bakit hindi siya nakapasok sa pagsusundalo.

"I wanna say sorry to my dad. I don’t think that’s gonna work for me.

"I think kahit ’di yun ang naging propesyon ko, I just need to act like one, to be brave.

"Kasi bago naman ang lahat nangyari sa aming pamilya, ’yun naman ang pagkakakilala niya sa akin."

THE "WRONG WAY." Kung mayroon man isang malaking pagkakamali ang ama ni Charice, ito daw ay ang pagpili niya sa maling landas.

Sinasabing ang pagiging "bayolente" nito ang naging dahilan ng ina ni Charice na si Raquel para hiwalayan ang kanyang ama.

Sabi ni Charice, "I think ang pinakapagsisisi diyan ay ang nangyari before.

"Sana di siya pumunta sa wrong way— sana hindi siya gumamit ng drugs, sana hindi siya sumama sa maling grupo— but in the end he’s still my dad.

"At kahit hindi kami nagka-bonding, I think ngayon he still knows na we still love him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkamali man ang kanyang ama, nagpapasalamat pa rin si Charice sa lahat ng ginawa nito para sa kanya.

"Gusto ko lang magpasalamat," saad niya.

"Kasi kahit na hindi niya na-witness ang paglaki ko, e kilala niya kung sino ako, and whatever happened in the past, siya pa rin ang daddy ko.

"I don’t know how am I gonna move on, I know and I feel that he’s just always around."

HER "GUARDIAN ANGEL." Kung mayroon mang huling habilin ang kanyang ama, ito’y ang pagsuotin siya ng white suit, at gayundin ang lahat ng pupunta sa kanyang lamay.

Pero para kay Charice, ang pagsusuot ng white suit ay sumisimbolo sa pagiging "guardian angel" nito.

Paliwanag niya, "Because I know na after my brother’s death years ago, alam kong dalawa na silang guardian angel ko ngayon.

"He is an angel but I want him to look like an angel.

"So I want everybody to wear black and my dad to wear white."

At kung mayroon mang awitin na iaalay si Charice sa kanyang ama, ang sabi ng international superstar: "I don’t know the words, but I think the perfect song is ’Dance with My Father.’"

Sa Sabado, November 5, ihahatid sa kanyang huling hantungan si Ricky Pempengco sa Sta. Rosa, Laguna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN