Tintin Bersola-Babao uses long weekend to celebrate birthday with family; prepares for November 11 Celebrity Bazaar

Tintin Bersola-Babao on husband Julius Babao’s reaction to her offer from TV5: "Julius was the happiest when he learned about the offer. He told me to grab it at baka hindi na ito ulit dumating. I am grateful nga because this all came when I turned 40. Sabi nga nila, life begins at 40."


Nag-celebrate ng kanyang 41st birthday ang TV host na si Christine "Tintin" Bersola-Babao noong Linggo, October 30.

Simple lang ang naging celebration ni Tintin para sa kanyang kaarawan. Nag-out of town sila ng kanyang pamilya dahil tumapat sa long weekend ang kanyang birthday.

Kuwento ni Tintin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Good thing that my birthday fell on a Sunday.

"Kaya family day talaga namin iyon ni Papu [Julius] with the kids, Anya, and Nio.

"Kaya we all celebrated in Tagaytay. Simpleng celebration at bonding with the kids.

"Gusto sana namin mag-out of the country, pero pareho kaming may trabaho ni Papu after Undas.

"Kaya we really took advantage of the long weekend.

"Nakapag-recharge din kami ni Papu, and we were able to spend lots of time with the kids.

"Masyado kasi kaming busy ni Papu with our respective jobs.

"Kaya sa gano’ng mga occasions lang talaga kami nagkakakuwentuhan nang matagal.

"Though sa bahay naman, nagkikita-kita kami. But we feel na it’s not enough kasi may nagmamadaling umalis or late nang makauwi.

"Kaya noong birthday ko nga, we had all the free time in the world.

"Marami kaming nalaman sa mga ginagawa ni Anya sa school and Nio is getting bigger na.

"Kailangan up-to-date kami parati sa mga bata kahit na busy kaming mag-asawa."

MORNING SHOW. Very blessed daw si Tintin nitong mga nakaraang buwan.

This November ay magdadalawang buwan na siya sa morning show ng TV5 na Kumare Klub, kunsaan kasama niya sina Amy Perez at Chiqui Roa-Puno.

Noong September nagsimulang maging host ulit ng morning show si Tintin.

Dahil dito, nagbalik na ulit ang dating early morning schedule niya, na matagal niyang hindi naranasan.

"Oo nga, kasi ever since Alas Singko Y Medya, nasanay na ang katawan ko na magising ako ng 3 or 4 in the morning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako pwedeng matulog nang late. Kaya yung mga invitations to parties na late na, hindi ko noon napagbibigyan because of the show.

"Noong mawala nga ako sa show, hindi naman agad nawala yung pagiging early riser ko.

"Gano’n pa rin, pero hindi na ako masyadong nagmamadali sa umaga.

"I was able to focus on being a mother and be a homemaker.

"That’s why I was able to produce all those children’s books because of my free time from television.

"Now, nagigising na ulit ako nang maaga because of Kumare Klub.

"We come right after Sapul Sa Singko at 7 a.m.

"Kaya around 5 a.m., nasa studio na ako ng TV5 to get ready.

"Nagkakakuwentuhan pa kami nina Amy at Chiqui before we go on-air," kuwento niya.

KAPATID TALENT. Three years ang kontratang pinirmahan ni Tintin sa TV5.

Masayang-masaya raw ang mister niyang si Julius, news anchor sa ABS-CBN, sa pagpasok niya sa ibang TV station.

Sabi ni Tintin, "Si Papu na ang nagsabi na ’It’s time na we try to work separately.’

"Kasi nga naman, fifteen years kaming magkasama sa isang morning show [sa ABS-CBN] hanggang sa ikasal na kami.

"Tapos nagkaroon din kami ng radio program. We always do things together kasi.

"Kumbaga, love team forever kaming dalawa!" tawa pa niya.

Patuloy ng TV host, "But when this offer from TV5 came, maybe it is the start of something new.

"Nasa ABS-CBN 2 si Papu and I’m with TV5. Walang conflict because we do different things naman.

"Julius was the happiest when he learned about the offer.

"He told me to grab it at baka hindi na ito ulit dumating.

"I am grateful nga because this all came when I turned 40. Sabi nga nila, life begins at 40.

"God is so good to me and my family. Hindi naman Niya ako binabayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even when I was without a permanent TV show, I had my own self-produced show na ParenTIN.

"Then I did guest hosting for different shows and I still have endorsements on the side.

"Kaya very thankful ako para sa lahat. For all the blessings.

"Lalo na itong Kumare Klub, I am learning a lot from our different segments and features.

"Hindi pa pala enough yung naging mother ka. You still learn new things from different mothers like Amy and Chiqui at sa mga nagiging guests namin sa show."

CELEBRITY BAZAAR. At patuloy ang pagdating ng blessings para kay Tintin, dahil sa November 11 ay simula na ng kanyang yearly Celebrity Bazaar sa World Trade Center in Pasay City.

The bazaar will run from November 11 to 20.

"This is my fifth year sa aming Celebrity Bazaar, and each year, it gets bigger and more celebrities are putting up their stalls sa bazaar.

"Iba-ibang mga items na mabibili nila, lalo na’t malapit na ang Christmas.

"Makakamura sila sa maraming nakapuwesto sa bazaar," masayang balita niya.

Ang main attraction ng 5th Celebrity Bazaar ni Tintin ay ang celebrity auction, kunsaan magdo-donate ang ilang celebrities ng kanilang personal items at magbi-bid ang buyers.

Kabilang sa mga magpa-participate na celebrities ay si Vice Ganda.

Ipapa-auction niya ang kanyang specially-designed necklace na sinuot niya sa first Araneta Coliseum concert niya.

Ipapa-auction din ang green gown na sinuot ni former Miss International Precious Lara Quigaman sa 2011 Bb. Pilipinas Pageant.

Ang Gucci shoes at Prada bags ni Dawn Zulueta.

Ang white Chanel bag ni Angel Locsin.

Shapes blouses ni Toni Gonzaga.

Girlie dresses ni Xyriel Manabat.

Autographed shirts ni Charice...at marami pang iba.

Sabi pa ni Tintin, "There are also celebrities na darating sa bazaar to perform onstage for the shoppers. Others will be doing the auction.

"Kaya it’s going to be an early Christmas treat for everybody!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kikitain ng celebrity bazaar ni Tintin ay mapupunta raw sa ilang charitable organizations na kanyang tinutulungan taun-taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN