(UPDATED) Suspect in death of Charice Pempengco’s dad surrenders to authorities

While Wilma Capili, wife of Angel Capili Jr., is asking Charice Pempengco (in photo) to forgive her husband and pleads to authorities not to issue a shoot-to-kill order, the suspect has sent surrender feelers to authorities but did not say when he would surrender.


Pagkatapos magtago ng ilang araw ay sumuko na sa awtoridad si Angel Capili, Jr., ang suspek sa pagpatay kay Ricky Pempengco.

Si Ricky ang ama ng international singing sensation na si Charice Pempengco.

Namatay ang ama ni Charice matapos itong pagsasaksakin ng ice pick noong madaling-araw ng Oktubre 30, Linggo, sa A. Bonifacio Street, Langgam Village, San Pedro, Laguna. (CLICK HERE for related article.)



Ayon sa mayor ng General Trias, Cavite na si Luis Ferrer IV, papunta na si Capili sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Sabi ni Mayor Ferrer sa panayam sa kanya ng dzBB, "Kusa siyang sumuko sa barangay at ang barangay tinurn-over sa amin."

Ang tanging hiniling lang daw ni Capili ay siguraduhin ng awtoridad ang kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.



Ayon kay Mayor Ferrer, "Sa amin siya sumuko para magarantiyahan ang safety niya.

Tumanggi namang magsalita ang alkalde ng General Trias kung sino ang makakakuha ng P200,000 na pabuyang inalok sa anumang impormasyon para maaresto ang suspek.

Matatandaan na noong Miyerkules, Nobyembre 2, ay itinaas ng mga awtoridad sa 200,000 pesos ang dating pabuya na 100,000 pesos para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Capili. (CLICK HERE for related article.)

Dagdag pa ni Mayor Ferrer, sinabi sa kanya ni Capili na hindi niya kilala nang personal si Ricky Pempengco.

Kuwento pa raw ni Capili, sinuntok siya ng biktima at ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili.



Sabi ni Mayor Ferrer, "Saka niya [Capili] nalaman na tatay ni Charice sa news sa TV.

"Nabigla, di niya alam ang gagawin.

Sa kasalukuyan ay nakalagak ang labi ni Ricky Pempengco sa Divine Mercy Chapel sa Muntinlupa, at nakatakdang ilibing sa Sabado, Nobyembre 5, sa Pasture of Heaven Memorial Park sa Cabuyao, Laguna.

Nakadalaw na sina Charice at ang ina nitong si Raquel. Tumuloy sila sa burol pagkalapag na pagkalapag nila mula sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN