Senator Lito Lapid denies cancer rumors; wishes for a grandson

Senator Lito Lapid on rumors that he’s been seriously ill lately: "Sinabi ko naman sa kanila na wala silang dapat na ipagbahala dahil okey ako. I’m healthy and there’s nothing wrong with me."

"So, pina-therapy ko lang doon sa Amerika. Hindi ako na-confine sa anumang ospital or dumaan sa anumang operasyon. Hilot lang ang ginawa sa akin. Malakas pa raw ako at kaya ko pa raw mag-Leon Guerrero!"


Pinabulaanan ni Senator Lito Lapid ang mga kumakalat na balitang meron siyang malalang sakit.

Nabalitang may matinding karamdaman diumano ang action star-turned-politician nang pumunta ito sa US kamakailan para magpatingin sa isang espesyalista.

Pero natawa nga lang si Senator Lapid dahil wala nga raw katotohanan ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanyang kalagayan.

"Nagulat nga ako kasi ang nakarating sa aking balita noong nasa Amerika ako ay may cancer na raw ako," pahayag ng senador nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Porac, Pampanga, noong Oktubre 29.

"Siyempre, natawa na lang ako kasi wala naman akong gano’ng sakit.

"Nagbalita sa akin ay ang anak kong si Mark. Tapos, may ilang mga tumatawag na sa akin at kinukumusta ang kalusugan ko.

"Sinabi ko naman sa kanila na wala silang dapat na ipagbahala dahil okey ako.

"I’m healthy and there’s nothing wrong with me."

Ang dahilan daw ng pagpunta ni Senator Lapid sa US ay ang pagpapatingin ng kanyang nangangalay na kaliwang balikat.

May nararamdaman daw siyang matinding sakit tuwing igagalaw niya ang kanyang kaliwang braso.

"Nagpatingin lang ako sa isang doctor doon. Nagkaroon ako ng pilay pala sa kaliwang balikat ko.

"Actually, matagal ko nang nararamdaman iyon, pero binabalewala ko lang dahil sunud-sunod nga ang naging trabaho natin.

"A few months ago ko lang pinatingin na sa doctor noong pumunta ako sa Amerika.

"Ang findings nila ay masyadong may mga naipit akong mga ugat sa lugar na iyon.

"Dala nga raw ng sobrang stress sa trabaho at sa mga ginawa kong mga stunts noon.

"Ngayon ko lang daw nararamdaman ang effects ng mga pinaggagawa ko noon sa mga pelikula.

"So, pina-therapy ko lang doon sa Amerika.

"Hindi ako na-confine sa anumang ospital or dumaan sa anumang operasyon. Hilot lang ang ginawa sa akin.

"Malakas pa raw ako at kaya ko pa raw mag-Leon Guerrero!" natatawa niyang banggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukha namang malusog ang pangangatawan ni Senator Lapid nang dumalo ito sa unang kaarawan ng apo niyang si Matilda Anika—ang pangalawang anak ng mag-asawang Mark Lapid at Tanya Garcia-Lapid.

Bagamat masaya na raw ang senador/aktor sa kanyang mga babaeng apo kay Mark, nagpahayag pa rin ito ng matinding pagnanais na magkaroon ng apo na lalaki.

Sa sarili niyang salita, sabay ngiti: "Nakadalawang babae na kasi sila Mark at Tanya. Gusto ko naman ay magkaroon ako ng apo na lalaki mula sa kanila.

"Pero paplanuhin pa raw nila dahil parehong busy ang mag-asawa.

"Si Tanya nga ay bumalik sa pag-arte sa TV.

"Si Mark naman, abala siya sa mga nangyayari rito sa Porac."

Si Mark Lapid ay dating gobernador ng Pampanga at kasalukuyang general manager ng Philippine Tourism Authority. Ang pribadong estate ng mga Lapid ay nasa Porac.

"Naiintindihan ko naman silang dalawa, at mahirap din ang maraming anak lalo na kung parehong nagtatrabaho ang mga magulang.

"Mga bata pa naman sila kaya they can take their time.

"Huwag lang masyadong matagal at gusto kong makita agad ang magiging lalaking apo ko sa kanila."

Tungkol naman sa church wedding ng dalawa, sa taong 2014 nga raw ito magaganap.

Suportado nga raw ni Senator Lapid ang anumang plano ng mag-asawang Mark at Tanya.

"Hindi naman ako makikialam sa anumang plano nila. Sinasabi lang ni Mark sa akin kung ano ba ang mga gusto nilang mangyari.

"Basta ang lagi kong sinasabi sa kanila na mas maganda na may basbas ng simbahan ang samahan nila.

"Maganda nga at nakapag-civil wedding na sila. Simula na iyon, e.

"Pero kailangan ay basbas ng simbahan. Kahit naman hindi engrade ang kasalan, kahit simple lang, basta may basbas ng simbahang Katoliko.

"Noong kinasal nga kami ng misis kong si Marissa, simple lang at mga malalapit na kamag-anak lang ang nasa kasalan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung reception nga, sa isang maliit na restaurant lang.

"Kaya kung ano ang gustong mangyari ni Mark at Tanya sa kasal nila sa simbahan, nasa kanila na iyon.

"Kung malaki o simple lang na kasalan, nandito lang kami ng mga magulang nila at handang sumuporta sa kanila sa anumang oras," pagtatapos ni Senator Lito Lapid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN