Eula Caballero shrugs off rivalry issue between her and fellow Star Factor alumna Ritz Azul

"Grabe po. Sometimes I look at myself in the mirror, and iniisip ko, ’Paano nangyari ’yon? Parang ang bilis na hindi ko man lang namalayan. Parang I just woke up na parang biglang pumasok ito, pumasok ’yan. I can’t help but thank TV5 po talaga na sobrang daming thank you," says newbie actress Eula Caballero about opportunities given her by TV5.


Simula nang mapasama sa Nagbabagang Bulaklak si Ritz Azul, hindi na natapos-tapos ang pang-iintriga sa kanila ni Eula Caballero.

Matatandaan na si Eula ang naging grand winner ng dating talent search show ng TV5 na Star Factor at runner-up naman si Ritz.

Hanggang ngayon ay nagiging isyu pa rin ang umano’y pagbibigay ng mas maraming proyekto kay Ritz kaysa kay Eula.

Sa ngayon, kasama si Eula sa comedy show na Loko Moko at youth-oriented program na Bagets. Naging bahagi rin siya ng mini-seryeng Sa Ngalan ng Ina.

Samantala, si Ritz naman ay magiging bahagi ng panibagong teleserye ng TV5, ang Glamorosa. Makakasama niya rito sina Lorna Tolentino at Alice Dixson.

Hindi naman naniniwala ang 16-year-old talent ng Kapatid network sa isyung ibinabato sa kanila ng dating kasamahan sa Star Factor.

"Although parehas po kami ng mga gustong roles, I understand na may mga types of roles kami na binabagayan talaga," sabi ni Eula nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ito ay naganap sa inihandang press conference para sa kanila ni Ritz kahapon, Nobyembre 3, sa Wheatberry Café sa Tomas Morato, Quezon City.

PAREHAS ANG ALAGA. Sabi ni Eula: "I trust TV5 po.

"Parehas naman po kaming inaalagaan. Parehas po kaming inaalagaan, pero sa ibang paraan.

"’Yon na po ang isyu sa amin talaga noon pa, pero friends po talaga kami.

"Parehas po kaming malaki ang tiwala sa TV5."

Pero hindi naman ikinaila ni Eula na nagkaroon ng pagkakataong nagka-ilangan sila ni Ritz dahil sa mga isyung lumalabas tungkol sa kanila.

Salaysay pa niya, "Siguro there was a time na nahiya kami sa isa’t isa, parang awkward kami.

"Pero wala pong rivalry, na nagpapataasan kami.

"Siguro affected lang kami by the issue na hindi namin alam kung paano humarap sa isa’t isa. Parang ang awkward lang.

"Pero kanina po, nagtatawanan pa kami, nire-recall namin ’yong sa Star Factor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mangiyak-ngiyak pa kaming dalawa kasi parang hindi na kami magkasama ngayon."

Ngayong patapos na ang Sa Ngalan ng Ina, magiging abala naman si Eula sa kanyang kauna-unahang pelikula—ang Yesterday, Today, and Tomorrow ng Regal Films.

ADMIRING NORA AUNOR. Sa kalagitnaan ng press conference, naging emosyonal ang dalagang aktres nang maalala niya ang last taping day nila para sa Sa Ngalan ng Ina.

Naiiyak siya habang inaalala si Nora: "Grabe po. Sobrang hindi ko ma-explain.

"Noong nag-last taping po kami ng Sa Ngalan ng Ina, sobrang naiyak po ako, tapos kinausap ko po siya.

"Kasi, tinawag niya po kami.

"Sabi ko sa kanya, ang dami kong nare-receive na mga papuri sa ibang mga tao, sa mga nakakatrabaho.

"Pero sobrang ang sarap ng feeling na, ang sarap-sarap po talaga pakinggan.

"Kaya sabi ko po sa kanya, ’Thank you po. Ikaw po ang workshop master ko.’

"Sobrang honored ako na nakatrabaho ko siya. Ang saya ko po for everything. Salamat po talaga."

Bukod pa rito, nagustuhan din daw ni Eula ang pagiging ina ni Nora sa set ng programa.

Tuluy-tuloy niyang kwento: "Lagi niya kaming kinakausap.

"Kaming apat na mga anak niya doon [sa mini serye], lagi niya po kaming binibigyan ng advice sa ugali at sa acting.

"Tapos, may times po na kaming dalawa ang magka-eksena, nagkakausap po kami.

"Siguro dahil mas lagi akong nagtratrabaho, nami-miss ko ’yong nasa bahay, nami-miss ko ang nanay ko talaga.

"So, parang mayroon din akong nanay sa set.

"Tapos tinanong niya, ’O, ano ang gusto ninyo sa last taping?’

"Sabi namin, ’Makasama lang po kayo.’

"Kaming lahat po, kaming apat po, nanay po talaga ang turing namin sa kanya.

"Talagang hindi niya pina-feel sa amin na superstar siya."

Ayon kay Eula, napapaiyak siya habang kinukwento ito dahil, "Siguro may hangover pa rin ako kasi sobrang pamilya kami talaga doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang na-miss ko lang talaga.

"Sobrang na-inlove lang talaga ako sa Sa Ngalan ng Ina."

MORE OPPORTUNITIES. Pagkatapos makasama si Superstar Nora Aunor, makakatrabaho naman ni Eula ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ito ay sa pelikulang Yesterday, Today, and Tomorrow.

Kabilang din dito ang award-winning actor na si Gabby Concepcion.

Hindi makapaniwala si Eula na binibigyan siya ng ganitong mga oportunidad kahit na baguhan pa lamang siya sa showbiz.

"Sobrang overwhelmed po," aniya. "To think na sampung buwan pa lang kami ni Ritz sa showbiz and ganito na ang pinagkakatiwala ng TV5 sa amin at ng Regal.

"Grabe po. Sometimes I look at myself in the mirror, and iniisip ko, "Paano nangyari ’yon?

"Parang ang bilis na hindi ko man lang namalayan.

"Parang I just woke up na parang biglang pumasok ito, pumasok ’yan.

"I can’t help but thank TV5 po talaga na sobrang daming thank you."

LOYALTY TO THE KAPATID NETWORK. Natanong naman si Eula tungkol sa kanilang pagiging loyal sa Kapatid network.

Hindi nagdalawang-isip ang dalaga at sinabing mananatili siya sa kanyang mother network ano pa man ang mangyari.

Dagdag pa niya, "Yes. Kahit ’yong mom ko po, lagi niyang tinatanong sa akin, paano kung two years after, may offer sa akin, tatanggapin ko raw ba?

"I don’t know pa kasi hindi ko alam kung paano ko iha-handle ’yon.

"Pero sabi ko, happy po ako sa TV5.

"Natutuwa nga po ako sa mom ko, kasi sabi niya, ’Huwag ka nang lumipat.’

"Kasi may mga times po na kasama ko ang mom ko sa taping and inaalagaan din po siya.

"Ako nga po, I don’t care if hindi ako alagaan, e.

"Pero sobrang doon ako sobrang nata-touch sa TV5, simula sa production assistant hanggang sa pinakataas.

"Kaya I feel so loved dito sa TV5."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN