Charice wants her father’s murderer imprisoned for life

Charice wants to tell Angel Capili, Jr., who says he killed Charice’s father Ricky Pempengco out of self-defense: "Gusto kong sabihin sa kanya na kinuha niya ang buhay ng daddy ko, kailangan niyang pagbayaran buhay rin.

"Gusto ko siyang makulong, kung hindi man matagal...habambuhay."


Charice openly expressed her anger towards Angel Capili, Jr., the man who admits to killing her father Ricky Pempengco, but who says he did so out of self-defense.

Angel surrendered to authorities yesterday, November 3, at Camp Crame.

He is now imprisoned in San Pedro, Laguna, where he will be formally charged with murder.

Karen Davila, one of the godparents of Charice, interviewed the international singer at the Divine Mercy Chapel in Muntinlupa City.

The interview was aired on Bandila last night, November 3.

What is her initial reaction when she saw the suspect?

"Nung makita ko po sa TV kanina, mixed emotions po talaga ang na-feel ko.

"Siyempre, nangibabaw po ang galit kasi kanina nagsisinungaling pa siya.

"Nagalit ako sa part na nag-sorry siya. Dun po ako nagalit kasi nagso-sorry siya, pero hindi niya sinasabi ang totoo.

"Gustong-gusto ko siya makita ng personal kanina, pero hindi ako pinayagan ni Mommy.

"At kung nakita ko siya ng personal, I would have hurt him."

Bakit gusto mo siya makita ng personal?

"Dahil gusto ko makita niya sa mga mata namin na ang pinatay niya, may pamilya, may anak, may asawa.

"Nagpapasensiya sila sa amin, pero sabi namin, ’Kung asawa n’yo nawala, tapos sasabihin namin, pasensiya na, ano mararamdaman n’yo?’"

Dagdag ni Charice, "Hindi mababalik ang buhay ng daddy ko."

Does Charice have plans of visiting the killer in jail?

"Gusto kong sabihin sa kanya na wala siyang idea na ang pinagtripan niya ay ama ko.

"Ang pinagtripan niya ay wala namang kasalanan sa kanya."

Did she feel that he was sincere in his apology?

"I don’t think he was sincere.

"Yung mga sinasabi niya inconsistent.

"Self-defense kaya may hawak siya na weapon? Walang hawak ang daddy ko.

"Self-defense kaya hindi siya kilala ng daddy ko? At sinasabi niya na sinuntok siya ng daddy ko? Never.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never na magagawa ng daddy ko na manakit ng kapwa niya especially kung hindi niya kilala."

Can she forgive Capili?

Charice’s eyes began to fill with tears as she admitted:

"Hindi ko po alam kasi kahit anong sorry ang sabihin niya, hindi ko ma-feel.

"Dinadamay pa niya ang daddy ko, na sinuntok raw siya. Idadamay mo pa, wala na nga.

"May mga witnesses na nakakita, tinanong pa ng daddy ko, ’Bakit mo ako sinaksak? Wala naman akong atraso sa ’yo?’

"Binalikan pa raw niya kasi buhay pa."

Matapos nito ay sinabi ng international singing sensation: "Sira na nga ang pamilya ko, lalo pa niyang sinira."

Ito raw ang dahilan kung bakit gusto niyang makaharap ang salarin: "Kaya gusto ko siyang kausapin...gusto kong sabihin na gusto kong bigyan ng tamang hustisya ang daddy ko."

"Gusto kong sabihin sa kanya na kinuha niya ang buhay ng daddy ko, kailangan niyang pagbayaran buhay rin.

"Gusto ko siyang makulong, kung hindi man matagal...habambuhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN