JC Tiuseco hopes to penetrate primetime block; excited over new season of Survivor Philippines

JC Tiuseco on his wish to move up to GMA-7’s primetime block: "I hope, I hope! Sana after ng Kokak."

"Sana maganda ang maipakita ko dito sa Kokak para naman mabigyan din naman nila ako ng project sa primetime. Soon..."


Tila nahuhumaling si JC Tiuseco sa ideyang kabilang siya sa mga pinakamaiinit na love triangles sa bakuran ng GMA-7.

Matapos niyang maka-love triangle sina Jackie Rice at Dominic Roco sa Sisid, muling mapapanood ang hunky male star sa bagong panghapon na serye ng GMA-7—ang Kokak.

Hango ito sa pelikulang ipinalabas noong 1989, tampok ang sexy star na si Rachel Lobangco.

Sa panghapong teleserye, makakasama naman ni JC sina Sarah Lahbati at TJ Trinidad. Sila ang naman ngayon ang love triangle.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC kagabi, November 3, sa 17th floor ng GMA TV complex, para sa presscon ng Kokak.

Sa unang tingin ay halos walang pinagkaiba ang bagong papel niya sa Kokak at sa nauna nang Sisid.

"Actually, may pagkapareho sila nung role ko sa Sisid, kaya lang this time ang gusto nilang iba...

"Dito kasi ang character ko dito naman, unlike sa Sisid, dito yung work ko yung masama, pero as a person mabait.

"Yung parang Robin Hood na nagnanakaw ako pero pinapamigay ko sa mahihirap," umpisang kuwento sa amin ni JC.

Masaya naman si JC ngayong hindi na siya lalabas na salbahe sa bagong serye.

"Hindi naman. Dito nung nakilala ko si Sarah as Kara, mas lalong lumambot ang puso ko, natuto ulit akong magmahal, ganun."

Siya ang karibal ni TJ, na gaganap bilang si Carl.

"Oo, karibal ako ni TJ. Mahirap ako dito, galing ako sa slums, mahirap talaga.

"Snatcher ako dito. Mga ganun, nanghoholdap, pero ginagawa ko yun for a reason, para tulungan yung family ko, yung mga mahal ko sa buhay.

"Tapos, ako rin yung magpo-protect kay Sarah kasi nga maraming gustong manakit sa kanya."

Dahil ang Kokak ay isang afternoon soap tulad ng Sisid, hindi ba nag-aasam si JC na mailagay siya sa primetime block?

"I hope, I hope! Sana after ng Kokak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana maganda ang maipakita ko dito sa Kokak para naman mabigyan din naman nila ako ng project sa primetime. Soon!"

Sa Sisid ay lagi siyang nakamaigsing maong shorts. Sa Kokak, marami kaya siyang eksenang nakahubad rin?

"Ah, hindi ko pa sure, pero malamang, malamang meron."

Unang araw ng taping ni JC para sa Kokak bukas, Sabado.

PROUD TO BE A SURVIVOR. Matatandaang si JC ang pinakaunang winner ng Survivor Philippines, kaya’t ’di niya maitago ang nararamdamang saya at pagkasabik sa bagong season nito.

"Sobrang excited ako, actually feeling ko talaga sa lahat ng seasons ng Survivor after nung Season 1, ito yung pinakagusto kong panoorin.

"Kasi ang dami kong naririnig na grabe nga daw yung ginawa nilang games dun.

"Yung mga castaways talagang marunong na silang maglaro, alam na nila yung... sobrang utakan na sila, ang daming nag-backstab, ang daming twists.

"Kaya sobrang excited akong panoorin ito."

KNEE OPERATION. Kinumusta naman ng PEP ang operasyon ni JC sa tuhod.

"Yung knee ko, okay na.

"Kaya lang yun pa rin, I’m still waiting for the graft to heal. Kasi sabi nila [mga doktor] mga two to three months.

"Siguro after mga two months and a half, puwede na akong tumakbo siguro or tumalon.

"Kasi until now hindi pa puwede, kailangang lakad-lakad lang, hindi puwede mag-jog."

Bilang snatcher pa naman sa Kokak, marami siyang eksenang tatakbo siya...

"May time pa naman ako ngayon, kasi umpisa pa lang ng story.

"So, dun sa script na nabasa ko wala pa naman akong na-snatch-an or what, so puwede pa akong magpagaling nang husto."

PROUD OF SHAMCEY. Kasamahan ni JC ang 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup sa Mercator Artist and Model Management.

At proud si JC sa achievement ni Shamcey.

"Siyempre, very happy, very proud.

"At tsaka another Miss Universe winner from Mercator, so iyon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Proud ako sa kanila—pati kay Venus."

Si Venus Raj, and 2010 Miss Universe 4th runner-up, ay taga-Mercator din.

"Kasi nakita ko naman na... I mean hindi ko nakita mismo habang nagte-training sila, pero I always hear from Jonas [Mercator head] nga na nagte-training sila.

"Ang dami nilang preparations na ginagawa for the pageant, so very deserving siya sa panalo niya."

Nauna si JC na pumasok sa showbiz kay Mikael Daez na kasamahan rin niya sa Mercator.

Hindi ba sila nagkakaroon ng professional rivalry dahil maganda rin ang takbo ng career ni Mikael ngayon?

"Sa akin, sobrang hindi!

"Kasi kami ni Mikael, sobrang okay kami.

"Tsaka kahit sino naman na from Mercator, or kahit na sino pang actors diyan, na nagkakaroon ng magagandang projects—hindi ako naiinggit.

"Kasi I feel na if they’re given the chance na maging leading man or magkaroon ng magandang projects, deserving sila dun, or siguro may nagawa silang maganda kaya nabigyan sila ng ganung role.

"So iyon, I’m happy for them."

Bukod kina Sarah, TJ at JC, nasa Kokak rin sina Gary Estrada bilang Renato; Jessa Zaragoza bilang Angela; Angelika dela Cruz bilang Vicky; Deborah Sun bilang Veronica; at si Ms. Caridad Sanchez bilang Tiya Berta.

Kasama rin sa Kokak (airing November 14) sina Frencheska Farr bilang Rafa; Vaness del Moral bilang Elizabeth; at Ervic Vijandre bilang Borge.

Ang Kokak ay nasa direksyon ng respetadong talent na si Ricky Davao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN