Robin Padilla on his love life: "Nakaka-rejuvenate ang pag-ibig."

Asked if he has adjusted to married life with Mariel Rodriguez, Robin Padilla says the better question is: Has Mariel adjusted to married life with him?

"Siyempre kasi, abnormal akong tao. Kaya hanga ako sa mga normal. Alam naman ni Mariel yun. At ngayon, alam na niya na moody ako."


Robin Padilla describes his love life: "It’s rejuvenating!"

Ito ang sinabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang interbyu kamakailan.

Ayon pa rito, "Totoo yun. Parang bumalik ako sa high school.

"Para akong na-deja vu. Bumalik ako sa ganoong edad.

"Nakaka-rejuvenate ang pag-ibig."

Nang tanungin kung nakapag-adjust na siya sa misis niyang si Mariel, natatawang sinabi ni Robin na ang mas magandang katanungan ay: Nakakapag-adjust na ba si Mariel sa kanya?

Aniya, "Siyempre kasi, abnormal akong tao.

"Kaya hanga ako sa mga normal. Alam naman ni Mariel yun.

"At ngayon, alam na niya na moody ako."

Nang may magsabing moody rin naman si Mariel, mabilis na itinanggi ito ni Robin.

"Hindi, hindi siya moody. Napakabait no’n, napakabait.

"Wala akong masabi. Paggising pa lang no’n, nakangiti na yun.

"Yung energy ng gising niya, yun na yun."

Totoo ba ang sabi-sabi, kahit ni Mariel, na may pagka-krung-krung din siya?

Sagot ni Robin, "Siguro sa iba. Pero sa akin, ayaw niyang sabayan ang pagka-krung-krung ko.

"Pero hindi, e. Hindi ko pa siya nakitaan."

JEALOUSY? Kung nagkakaroon man daw sila ng konting away o tampuhan na mag-asawa, madalas pa nga raw siya ang problema.

"Sa akin nagmumula. Yun nga, dahil sa mood," pag-ako ni Robin.

Selos?

"Ah, wala na. Wala ng mga ganoong selos."

Pina-elaborate namin kay Robin kung paanong dahil sa mood ay nagkakatampuhan sila.

"Kasi, lalo na noong panahon pa ng Guns & Roses, masyado ang mga eksena, mabibigat na.

"Minsan pag-uwi ko, dala ko pa yung character ni Abel.

"Alam ko, medyo nagpapasensiya siya.

"Hinahayaan niya muna akong matulog."

Paano naman niya nilalambing si Mariel kung nagkakaroon sila ng tampuhan?

"Alam niyo... sorry, pero, hindi ko pa nagawa na ano...malaki nga ang pagkukulang ko yata ah.

"Sa lahat ng ano namin, siya talaga yung... napaka-saludo ako ro’n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kumusta ang married life? Paano niya ito ide-describe ngayon?

"E, sa totoo lang, medyo nabawasan ang romantic moments dahil pareho kaming busy.

"Hindi kagaya noong hindi pa siya nagta-trabaho."

NO KISSING SCENES. Kilala siyang mahigpit at seloso. Ngayon ba ganoon pa rin siya?

"Hindi, wala," mabilis naman niyang tanggi.

"Basta ayoko lang [siyang] makipag-kissing scene.

"Personal na sa akin yun.

"Sabi ko nga sa kanya, gumawa na siya—parang gagawa na yata siya ng series do’n.

"Kasama siya sa mga drama. Sabi ko, okay lang na may leading man basta walang halikan.

"Yun lang. Personal yun."

Selosa ba si Mariel?

"Basta nasa tama."

Meron pa rin bang dahilan para mag-selos si Mariel?

"E, minsan kasi, hindi maiiwasan na may nasasabi ka, na para sa kanya, hindi mo na dapat sinabi yun.

"Hindi naman selos, parang may mga palso rin ako minsan."

Naging isyu naman ang naging pahayag niya sa Wil Time Big Time na parang "ayaw na niyang makita si Mariel na umiiyak at naghahanap ng psychiatrist."

Ano ang reaksiyon niya sa bagay na yun?

"Hindi naman isyu ’yan. ’Wag nang isyuhan yun.

"Hindi naman personal ang nangyayari kay Mariel noong mga panahong yun.

"Ano lang yun, trabaho lang yun. Marami siyang gustong gawin, hindi niya magawa, yun lang yun."

SAME TIME SLOT. Dugtong pa ni Robin, "Pero ngayon, masayang-masaya na siya.

"At saka, kung anuman ang mga iniyak ni Mariel noon, trabaho lang yun, hindi personal.

"Ang malungkot niyan, kami ang magkakalaban dahil pareho kami ng time slot."

Okay lang na magkatapat ang show nila ngayon—si Robin sa Toda Max at si Mariel sa Wil Time?

"Aba, dapat kaming matuwang dalawa. Isipin mo, kami ang magkalaban?

"So, okay yun. Para sa akin, masaya yun. Ganoon talaga.

"Ang mahirap diyan, yung nagre-record, dalawa ang ire-record," pagpapatawa ni Robin, na ang tinutukoy ay ang pagti-tape ng kanilang mga shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya na ba si Mariel dahil nasa bago na itong tahanan at kasama nang muli ni Willie Revillame sa Wil Time Big Time?

"Ah, hindi naman siguro sa usaping yun. Masyado naman tayong magiging unfair sa ABS.

"Hindi naman masaya dahil doon, kundi yung pagiging masaya ng asawa ko sa lahat ng usapin."

Dugtong pa niya, "Rumerehistro naman na masaya siya. Kasi, yung pinuntahan naman niya ro’n, hindi bago.

"Nandoon lahat ng kasama niya sa Wowowee. Kaya hindi naman siya nahirapan."

Kinonsulta ba ni Mariel ang opinyon niya bago ito nag-decide na lumipat?

"Ang totoo niyan, ang nag-desisyon niyan, hindi naman siya. Desisyon ’yan ng pamilya niya."

May lumabas na siya raw ang nakipag-negotiate?

"Sa usapin ng asawa ko, may mga bagay akong kailangang siguraduhin kay Mariel, dahil kaibigan ko ang Viva.

"Viva ang kumuha sa kanya. Parang tatay ko si Boss Vic [del Rosario].

"Si Jay Montelibano, e, parang magkapatid kami na iba lang ang ina. So, may mga tanong ako."

Si Jay Montelibano, ang business unit head ng Wil Time Big Time, ay nagtrabaho sa ABS-CBN ng halos dalawang dekada.

REUNION WITH VINA. On the other hand, nakagawa rin si Robin ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya kunsaan, matapos nang matagal na panahon, balik-tambalan sila ng ex-girlfriend na si Vina Morales.

Kumusta naman iyon?

"Natutuwa lang kami ni Vina kasi, yung mga dating pelikula namin, puro pa-cute.

"Ngayon, ang lalaki na ng mga anak namin sa istorya. Twenty-five years old na yung anak namin.

"Isipin mo yun? Masaya lang kaming dalawa dahil nakakarating na sa ibang palapag yung aming teamup.

"Noong araw pang-teenager. Ngayon, magulang.

"Ang sarap ng pakiramdam. May anak na rin siya. May anak na rin ako, kuwentuhan kami."

May reminiscing din ba sa kanilang nakaraan?

"Sa aming dalawa? Wala... baduy na yun," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din namin si Robin kung anong naramdaman niya nang magkita sila?

"Excited ako. Kasi ang galing pa ng aming unang pagkikita. Sa kalsada.

"E, yung aming location, twenty minutes bago [makarating] sa aming location.

"Sakto naman, isipin mo, kami pa ang nagkasabay.

"Kinuha ko ang bag niya.

"Kuwentuhan kami habang naglalakad."

MARIEL’S IDEA. Kuwento ni Robin, wala raw problema sa misis niya ang pagtatambal nilang muli ni Vina dahil si Mariel pa raw ang may idea ng balik-tambalan nila.

"Siya ang may ideya nu’n. Kay Mariel na idea yun.

"Kasi, sabi ko, itong Maalaala, kilala ’to sa puro iyakan. Hindi ko kako gagawin ’to.

"Pero si Direk Jerry [Sineneng] ang nagdala nito. Pakibasa.

"Binasa ni Mariel. Pagkabasa ni Mariel, pag-uwi ko, excited na excited siya.

"Sabi niya, Babes, gawin mo ’to, bagay sa ’yo to!’

"Sabi ko, ’Huh? Bagay sa akin ang umiyak?’

"Sabi niya, ’Hindi, yung istorya. Tungkol sa tatay.’

"At sabi niya, ’May suggestion ako, si Vina ang kuhanin mo.’

"Si Mariel ang nag-suggest no’n.

"Kaya sabi ko sa Maalaala Mo Kaya, kung hindi niyo makukuha si Vina, ayoko."

Wala naman daw idea si Robin kung aware si Vina na si Mariel ang nag-suggest na sila ang magsama sa particular MMK episode na yun.

Sa biglang tanong na maganda pa ba si Vina sa paningin niya, mabilis itong sumagot ng "Sobra!"

Natawa naman si Robin nang ipaalala namin na kaya ayaw ni Mariel ang mga sagot niya minsan.

Aniya, "Naku, palagay ko mali na naman nga ako ng hirit."

Dugtong pa niya, "E, pag-full shot ni Direk Jerry na ganoon, sabi ko, ’Hindi kaya mukhang balo ako?’

"Mukhang anak ko na si Vina! Pero ang galing, ang galing ng Maalaala."

Sabi naman daw ni Vina, pogi pa rin daw siya.

Natatawang sabi ni Robin, "Siya naman e... Naku, tama na nga itong mga hirit natin na ’to!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mariel pa naman, ibang klase pa naman yun. Kung kailan naka-relax na kayo, nakahiga na kayo, biglang bubulong yun.

"’Hindi mo na dapat sinabi yun....’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN