Jenny Miller considers goody-goody role a challenge: "Kasi yung mga previous roles ko ay laging kontrabida, mataray, nanglalait ng mga tao."

When asked where she was more comfortable—portraying a good girl or a bad girl, Jenny Miller says: "Actually, mas kumportable... nasanay na rin naman ako sa pagiging kontrabida before. At least eto ngayon ang challenge sa akin, ang magpakabait naman ngayon."


Nanibago raw si Jenny Miller sa kanyang mabait na role sa bagong primetime teleserye ng TV5, ang Glamorosa, na mapapanood na simula sa Lunes, November 7, pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Pagkatapos kasi ng sunud-sunod na kontrabida roles ni Jenny sa nagawa na niyang mga teleserye ay ginagampanan niya ngayon sa Glamorosa ang role ni Cristy, ang supportive at mabuting kaibigan ni Natalia, na ginagampanan naman ng isa sa mga bida ng serye na si Lorna Tolentino.

"I’m actually a good friend and assistant sa clinic ni Ms. Lorna. So, alam ko lahat ng mga secret niya.

"Alam ko lahat ng nangyayari sa buhay niya.

"Sobrang iba ito sa mga ginawa ko na before.

"Naninibago nga ako kasi yung mga previous roles ko ay laging kontrabida, mataray, nanglalait ng mga tao.

"Dito mabait naman ako, so far ha, dun sa script na ibinigay sa amin," sabi ni Jenny.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jenny sa presscon ng Glamorosa na ginanap kagabi, November 5, sa Meralco Lighthouse sa Meralco Bldg. sa Ortigas, Pasig City.

Saan ba siya mas kumportable, ang gumanap na bad o good girl?

"Actually, mas kumportable... nasanay na rin naman ako sa pagiging kontrabida before.

"At least eto ngayon ang challenge sa akin, ang magpakabait naman ngayon."

WORKING WITH LORNA & ALICE. Kumusta naman katrabaho si Lorna?

"First time kong makatrabaho si LT at sobrang bait. Although magkapatid naman kami kay Nay Lolit Solis [manager nila].

"But at first, yung feeling ko awkward kasi siyempre, LT is LT, di ba?

"Pero nawala naman yun kasi siya yung laging bumabati at nangungumusta.

"Nandun sa kanya yung concern at hindi siya yung mapagmataas kahit na big star siya. Masaya siya katrabaho."

Kumusta naman katrabaho si Alice Dixson?

"Si Alice, may mga eksena kami pero mas madalas ko kaeksena si LT. Okay naman si Alice, professional lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag work, work. Pag tsikahan, tsikahan. Minsan magkasabay kaming nagla-lunch, ganun."

Bukod kina Lorna at Alice, maipagmamalaki din si Jenny na makasama sa serye ang iba pang magagaling na mga artista na kinabibilangan nina Gloria Diaz, Ronaldo Valdez, Celeste Legaspi, Tonton Gutierrez, Zoren Legaspi, Lotlot de Leon, Nonie Buencamino, Ritz Azul, Martin Escudero, Victor Silayan at Meg Imperial.

Mahuhusay din daw ang mga direktor nila na sina Eric Quizon, Argel Joseph at Joyce Bernal.

BEING A KAPATID. Nakapagtrabaho na si Jenny sa GMA-7 at ABS-CBN, pero sa ngayon daw ay sa TV5 muna siya.

Mananatili na ba siya bilang Kapatid?

"Sana kasi masarap naman magtrabaho rito. Ako kasi kung saan may trabaho, doon ako.

"Kung may magandang opportunities pa rin dito, dere-deretso lang ako. Per project ang contract ko dito."

Masaya ba siya sa alagang Kapatid?

"Masarap, yun lang ang sasabihin ko. Sa lahat ng bagay, so far, masarap maging Kapatid."

Bago ang Glamorosa, nakagawa na rin ng project si Jenny sa TV5, ang Midnight DJ, kasama sina Oyo Sotto at Desiree del Valle.

CLAUDINE’S BEST FRIEND. Siyempre hindi rin pinaligtas ng PEP si Jenny na matanong tungkol sa best friend niyang si Claudine Barretto na muli na namang napapag-usapan kaugnay ng diumano’y paghihiwalay nila ng asawang si Raymart Santiago.

Idagdag pa ang isyu ng pagkawala ng pera sa joint bank account nilang mag-asawa.

Bagama’t naglabas na ng statement sina Claudine at Raymart na hindi sila hiwalay ("We are still together," pahayag nila), may ilan pa ring hindi naniniwala rito.

Ano ang nararamdaman ni Jenny sa pinagdadaanan ngayon nina Claudine at Raymart?

"Siyempre, kaibigan ko si Clau, wala akong iniisip... wala akong hangad kundi ang kabutihan nila ng family niya.

"Yung mga naririnig ko sa news, siyempre nakakalungkot, di ba?

"But ayokong magsalita ng anything about them kasi problemang mag-asawa yun e. Ayokong manghimasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa lang akong kaibigan na nandiyan to advise or magbigay ng support.

"But yung manghimasok, hindi ko gagawin yun."

Ayon kay Jenny, hindi pa raw sila nakakapag-usap ni Claudine simula nang pumutok ang isyu.

"Honestly, hindi pa kami nakakapag-usap. Sila muna, dini-deal muna nila yung problema, if ever may problema."

So, sinusuportahan niya ang inilabas na statement ng mag-asawa na hindi pa sila hiwalay?

"Ayokong magsalita kasi nga lately hindi ko pa sila nakakausap.

"Sana nga together pa sila. Sana maayos, yung lang ang sa akin.

"As a friend, sana maayos. Mahal ko sila."

Sa tingin niya may problema talaga sina Claudine at Raymart?

"Hindi ko alam e. Ayokong magsalita.

"Honestly, hindi ko alam. So, pabayaan na lang natin muna sila."

HAPPILY MARRIED. Kung ang kaibigan niyang si Claudine ay nahaharap sa isyu ng umano’y hiwalayan, si Jenny naman ay inaming masaya ang kanyang buhay may-asawa.

Ikinasal si Jenny kay Cupid Feril noong October 22, 2010.

"Masaya, I’m happily married. One year na kaming kasal.

"Sana forever na kaming masaya."

May plano na ba silang mag-baby?

"Of course, kaya lang hindi pa binibigay ni Lord."

So, walang kinalaman ang career niya kaya hindi pa siya nagkakaanak?

"Ay hindi, walang ganun. Willing naman akong iwan pansamantala ang showbiz pag buntis na ako e.

"Kung may darating at bigay ni Lord, magiging masaya ako.

"Alam ko namang yung trabaho ay nandiyan lang din naman, di ba?"

Ilang anak ba ang gusto niya?

"Ako, three sana kung ibibigay ni Lord."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN