Heart Evangelista says she’s ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."

Tinanong si Heart Evangelista kung handa na ba siyang makatrabaho si Marian Rivera pagkatapos ng mga nangyari sa kanila.

"Oo naman," she says. "I’m not the type of person who would say no to a project, lalo na kung maganda naman ito. Siguro doon na papasok ang pagiging professional natin sa trabaho. And I have always been professional in my job."



Ilang buwan ding nagpahinga sa paggawa ng serye si Heart Evangelista matapos niyang pagbidahan ang Dwarfina sa GMA-7.

Ngayon ay excited na siyang simulan ang bago niyang drama series na may titulong Legacy.

Dito ay makakasama niya sila Lovi Poe at Solenn Heussaff.

Ito rin ang balik-tambalan nila ni Geoff Eigenmann, na naging ka-loveteam din niya noon sa bakuran ng ABS-CBN nang gawin nila ang Hiram at Hiram Na Mukha.

Sa naganap na story conference ng Legacy, kung saan dumalo ang media kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kitang-kita ang excitement ni Heart nang muling makita niya si Lovi at Solenn.

Huli silang nagkasama sa pelikulang Temptation Island, kunsaan nagkaroon pa ng matinding alitan sa pagitan ni Heart at ng isa pang artista sa nasabing pelikula, si Marian Rivera.

"I am so happy to see both Lovi and Solenn. The last time na nagkita kami was shooting pa ng Temptation Island."

Ang tinutukoy ni Heart ay ang pakikipagtrabaho na sama-sama silang tatlo. Nagkasama naman sina Heart at Lovi sa nakaraang Star Magic Ball.

"Even though we keep in touch naman via texting and Twitter, it is so nice to see them again at magkakatrabaho ulit kami," masayang pahayag ni Heart.

"Noong matapos kasi ang mga scenes ko sa [pelikula], nagbakasyon na ako with Daniel [Matsunaga, her boyfriend] sa Brazil.

"Kaya hindi na ako nakasama pa sa mga promo nila.

"But I am happy that the movie did well at the box office despite the fact na nagkaroon ng intriga.

"Siguro nakatulong din yung nangyaring iyon. Ginagawa ko na lang positive ang mga gano’ng mga bagay."

Tinanong si Heart kung handa na ba siyang makatrabaho si Marian pagkatapos ng mga nangyari sa kanila.

"Oo naman," ang sagot niya.

PROFESSIONAL. "I’m not the type of person who would say no to a project, lalo na kung maganda naman ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro doon na papasok ang pagiging professional natin sa trabaho.

"And I have always been professional in my job.

"Kahit sino pa ang tanungin nilang nakatrabaho ko, I was never a problem on the set.

"And I never kept anyone waiting.

"Laging pangaral sa akin ng parents ko [is] to be professional sa trabaho.

"Hindi baleng ako na ang mamrublema, huwag lang ako ang maging source ng problema sa trabaho.

"With regards to Marian, okey lang sa akin kung makatrabaho ko siya.

"Like what I said, professional lang tayo.

"Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it.

"I like to put that behind me now. It was something na sana hindi na lang nangyari.

"But it happened and tapos na.

"I want to start fresh and it’s better if we can all get along with one another, ’di ba?" ngiti pa ni Heart.

TV SERIES, MOVIE. Hindi lang bagong TV series ang sisimulan ni Heart kundi isang bagong pelikula.

Pumirma siya kamakailan ng three-year film and management contract with Viva Films and Viva Artist Agency (VAA).

Una raw na pelikulang gagawin niya ay isang suspense-thriller/love story.

"Excited din ako for that, kasi never pa akong gumawa ng mga suspense-thriller. Lagi na lang drama or light comedy.

"E, like ko pa naman ang matakot! As in, I like watching mga slasher films," tawa pa niya.

"So when the people at Viva Films said na they will be making mga ganyang movies, nagustuhan ko agad.

"Nakaka-miss din kasi gumawa ng movies, e. For a change, gusto ko namang magsisigaw or tumili nang tumili sa mga eksena.

"Kaya nga I did one episode for Spooky Nights, di ba?

"Yung ’Sapi’ kunsaan na-possess ako ng evil spirit?

"Gusto ko lang masubukan ang gano’ng klaseng role, at sobrang paghahandaan mo naman pala talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun din ang first time namin ulit to work ni Geoff after a long time.

"Parang preview iyon ng mga gagawin kong mga projects with Viva and with Geoff sa Legacy."

AWARD-WINNING. Nanalo na si Heart ng FAMAS best actress for the indie film Ay, Ayeng noong 2009 at nanalo naman siya ng best supporting actress sa Metro Manila Film Festival 2010 for Mano Po 6: A Mother’s Love.

Gusto rin gumawa ni Heart ng mga pelikula kunsaan makakasama niya ang malalaking artista at hamunin ang pag-arte niya.

"I really wish na makagawa ulit ako ng movie with Sharon Cuneta.

"It’s one of the best experiences I had when we did Mano Po 6.

"I like to work with the big dramatic stars like Vilma Santos, Christopher de Leon, Dolphy, Maricel Soriano and marami pa.

"Iilang movies pa lang kasi ang nagagawa ko and I am hoping that Viva Films will be able give me those kinds of projects," pagtatapos pa ni Heart, isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN