Mickey Ferriols on ex-partner Archie Alemania: "Seriously, ang sarap. I never knew na [magiging] magkaibigan kami."

Halos tatlong taon na rin daw hiwalay si Mickey Ferriols at Archie Alemania. Mas maganda raw ang estado ng relasyon nila ngayon.

"Ngayon, nasa stage kami na magkaibigan kami. Nag-uusap kami not only for the sake of Brent [anak nila] but, personally, nakakapag-usap na kami," Mickey says.


Muling pinapirma ng bagong kontrata si Mickey Ferriols, ang una at tanging celebrity endorser ng Magic Placenta, na ginanap sa Annabel’s Restaurant noong November 4.

Hindi raw namalayan ni Mickey na limang taon na raw pala siyang endorser ng naturang produkto.

"Five years na nga. Thank you, Lord. Suwerte rin ako sa kanila," masaya niyang sabi.

Maganda si Mickey ngayon; in love ba siya?

Nakangiti itong sumagot: "Bakit ang mga reporters, ang lakas ng pang-amoy?

"Naman! We owe it to ourselves to be happy.

"Pero ganito na lang, inspiration ko muna siya."

Hindi daw taga-showbiz ang tinutukoy nitong inspiration. Pero wala pa raw silang pormal na relasyon.

"Wala pang ganu’n. Ano ba kayo, baka ma-preempt!

"Basta, magki-Christmas. Uy, di naman malamig," natatawa niyang sabi.

BETTER OFF AS FRIENDS. Halos tatlong taon na rin daw silang hiwalay ni Archie Alemania, ang ama ng anak niyang si Brent.

Pero kung tatanungin daw si Mickey, mas maganda raw ang estado ng relasyon nila ngayon.

"Ang stage ng relasyon namin ni Archie ngayon, mas masaya.

"Kasi, after many years na puro conflict, kahit hiwalay na kami ngayon, masasabi ko na tapos na kami sa ganoong stage.

"Ngayon, nasa stage kami na magkaibigan kami.

"Nag-uusap kami not only for the sake of Brent [anak nila] but, personally, nakakapag-usap na kami.

"Hinihingahan nga niya ako ng mga sama ng loob niya sa mga exes niya. May mga ganoon na kami."

Dugtong pa niya, "Seriously, ang sarap. I never knew na [magiging] magkaibigan kami."

Binibigyan ba ni Archie ng sustento ang anak nilang limang taon gulang na?

"Whenever he can. And for me naman, hindi naman niya napapabayaan si Brent."

Wala raw silang pormal or legal na kasulatan pagdating sa kanilang anak.

"Wala kaming formal na kasulatan.

"If he wants to take Brent to the mall, okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta huwag masyadong late para hindi mapagod.

"Minsan, he can visit Brent or, kapag may work ako, he can stay with him.

"Pinapatulog niya sa bahay. Pagdating ko, uuwi na siya."

Hindi naman daw sila kasal kaya wala silang "legalities" na kailangan harapin nuong nagkahiwalay sila.

Pero hindi itinanggi ni Mickey na muntik na raw silang pakasal noon.

CLARIFYING RUMORS. Ang mariin niyang itinanggi ay ang naging isyu na kaya sila naghiwalay ay dahil battered wife siya.

"Ay hindi, hindi! Sa hitsura ko ba naman na ito, magpapabugbog ako?" natatawa niyang sabi.

"It’s personal differences. Walang third party kahit minsan.

"Mas madaling isipin na may third party na lang kasi. Pero hindi, e.

"Personal differences na hindi pa namin matanggap back then na ito ang gusto mo; ako, ito.

"Pero ngayon... magkaibigan kami ngayon."

Puwede ba silang magbalikan?

"Honestly, [hindi]... sorry ha?"

"Actually, before pa, sinasabi ko na feeling ko, mas okay na magka-barkada [kami].

"He would laugh it off... ngayon [niya] nari-realize na oo nga naman, mas better nga naman na ganito kami."

CAREER. Masaya raw si Mickey ngayon.

Hindi lamang sa personal niyang buhay, kundi maging sa kanyang trabaho.

Mickey is being handled by talent manager Cornelia "Tita Angge" Lee.

Malapit nang matapos ang seryeng Nasaan Ka Elisa? at nakapag-storycon na raw siya para sa susunod niyang programa.

"Alam niyo, sobrang proud ako sa Nasaan Ka Elisa?

"Kasi, aminin naman natin, dito sa atin, first yung tema.

"Controversial ng konti, pero sa treatment ng mga directors, co-actors ko, management, naging tanggap naman at sinusubaybayan, kaya naging proud ako."

Ang susunod na serye niya raw ay ang "Little Champ."

"Nag-storycon na kami. At yung bidang bata, ang cute, parang Harry Potter. Hindi ako nagbibiro.

"Five years old, pero sobrang bibo.

"It’s a fantaserye na may horse involved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandito rin sina Jhong Hilario, Lara Quigaman, at si Senator Lito Lapid.

"Ang alam ko, we’ll start our taping on the 15th, pero by next year na siyempre ang ere."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN