Victor Silayan wants to follow in his late grandfather’s footsteps

Apo si Victor Silayan ng yumaong Vic Silayan, isang respetadong aktor. Pamangkin din siya ng yumaong beauty queen-turned-actress na si Ms. Chat Silayan.

"Si Lolo Vic, he passed away na, si Tita Chat she passed away a few years ago, so it’s my turn naman to do good in showbiz," pahayag ni Victor kagabi, November 5, sa press launch ng bagong drama series ng TV5 na Glamorosa.


Alam ng baguhang actor na si Victor Silayan na mataas ang expectation ng publiko sa kanya bilang isang artista.

Apo siya ng yumaong Vic Silayan, isang respetadong aktor, at pamangkin ng yumaong beauty queen-turned-actress na si Ms. Chat Silayan.

"Si Lolo Vic, he passed away na, si Tita Chat she passed away a few years ago, so it’s my turn naman to do good in showbiz," pahayag ni Victor kagabi, November 5, sa press launch ng bagong drama series ng TV5 na Glamorosa sa Meralco Lighthouse sa 14th floor ng Meralco Building sa Ortigas.

Anak si Victor nina Reuben at Roxanne Silayan.

Marami ang nagulat dahil sa sunud-sunod na big breaks ng aktor sa TV5 kahit bago pa lang siya.

Before Glamorosa ay may malaking papel si Victor sa Babaeng Hampaslupa ng Kapatid network.

"I think naman may reason kung bakit nangyayari ito.

"I’m sure TV5 has seen something in me, alam nilang magagawa ko ito.

"And as we all know, God will not give you things that He knows you can’t handle.

Matindi ang cast ng Glamorosa (na ipapalabas na bukas ng gabi, November 7).

Bida dito sina Lorna Tolentino as Natalia Herrera at Alice Dixson as Paulina Valdez; sina Zoren Legaspi as Karl; Ritz Azul as Giselle; at sina Lotlot de Leon, Tonton Gutierrez, Jenny Miller, Noni Buencamino, Ronaldo Valdez, Celeste Legaspi, and Gloria Diaz.

Kasama rin ang young breed of stars na sina Meg Imperial at Martin Escudero.

Hindi lamang iyan, tatlo ang director ng Glamorosa—sina Eric Quizon, Argel Joseph at Bb. Joyce Bernal.

POSING FOR BENCH. Samantala, sa guesting ni Victor sa Paparazzi last Sunday, October 30, nagulat at namula si Victor nang tanungin siya ng host na si Zoren Legaspi kung ready na ba siya sa mga gay-themed roles.

Muling tinanong namin si Victor tungkol dito. Nandiri ba siya sa tanong ni Zoren?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah hindi po, hindi ako nandiri!

"Kasi po, I grew up, ang family ko po talaga conservative, so we like to keep our morals and values intact."

Pero una siyang nakilala bilang underwear endorser ng Bench. May billboard pa nga siya dati sa EDSA na naka-underwear lang.

"Nagulat ako na iyon pala yung na-sign up ko.

"Nagulat ako, sabi ko, ’Bakit wala akong damit dito?’

"Tapos sabi sa akin, ’Ito [underwear] ang isusuot mo’, sabi ko ’Ano yan?!’

"And first time ever akong nagganyan."

How did they convince him to do the shoot anyway?

"I was like... it’s okay, first of all, ano siya, it’s a clothing line, it’s an underwear line, walang malisya so okay, basta walang malisya, go!

"It’s fashion, parang ganun.

"And as long as you know yung dignidad mo andun pa rin, and posing in your underwear is just merely to advertise the underwear, nothing else."

Kahit raw sa beach ay never siyang nag-trunks.

Hindi siya kinabahan sa kanyang underwear pictorial at sa pagrampa niya dati sa Bench underwear fashion show?

"Kasi pag andun ka na... nung una, paglabas mo, kakabahan ka sa ginagawa mo, kasi first time ever.

"Paglabas mo lahat sila, everyone’s... lahat sila naka-underwear, kahit ang mga babae naka-bra at panty.

"So unti-unti, nagbe-blend in ka naman so okay.

"And as you [walk] the runway naman, lahat nakatingin sa yo.

"Madaming tao pero hindi mo mapapansin, ang nasa isip mo, as an endorser you wanna feel proud na you’re part of Bench and you wanna boast [about] it."

TOPLESS. So kung may offer na indie film na seksi, hindi niya tatanggapin lalo na kung may kissing scene or love scene sa kapwa niya artistang lalaki?

"I don’t think so... Not yet.

"Parang it would have to go... kasi papag-usapan yan ng family, ganyan-ganyan and iyon nga as you know, I have a conservative family, so the options are a bit tight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Victor sets limits on being daring onscreen...

"Topless, topless. Underwear? Parang malabo yung underwear."

Kahit nagawa na niya sa Bench?

"Kasi underwear endorsement naman siya e, there’s no malice doon."

Pero kung eksena raw sa pelikula or TV show na naka-underwear siya...

"Malabo po. Hindi ko pa kaya."

Kaya kahit eksena sa beach na naka-trunks ay hindi gagawin ni Victor.

"I can go as far as topless [because] it’s natural naman for a guy to remove his shirt, so ayun po."

Mas lalong no-no ang butt exposure para sa kanya.

"Very unlikely!"

DREAM ROLE. Victor’s dream role...

"Actually marami po, e. I wanna go action na comedy, yung masaya.

"And then second, maybe drama kasi nahihirapan din po ako sa drama, e.

"As a person... we have a lot of family problems, and you know, school and everything.

"I always look at the bright side so medyo positive lagi ang attitude ko."

Ano ang problema niya?

"Family matters, family matters, medyo confidential. As a family we’re all trying to solve it naman."

Sa showbiz, ang gusto niyang sundan ay mga yapak ni...

"I’d go for my grandpa, Vic Silayan!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN