JM de Guzman topbills his own drama series; defends closeness to Nadia Montenegro

JM de Guzman on getting the lead role in Angelito...Batang Ama: "Ayokong isipin o ayokong dumating sa ulo ko na panahon ko ito. Ang mas pinanghahawakan ko ngayon, yung grabeng tiwala na ’binibigay sa akin ng management, ni Direk Lauren [Dyogi]. A...dun ako nagpo-focus, paano ko ibabalik ito [tiwala]. Actually, alam ko na kung paano. Abangan ninyo na lang."


May bagong serye ang ABS-CBN na ipapalabas ngayong Nobyembre—ang Angelito...Batang Ama.

Ang young actor na si JM de Guzman ang bida rito bilang si Angelito, isang binatang ama.

Ano ang feeling ni JM na bida na siya sa isang serye?

Sagot ng young actor, "Siyempre nakakakaba, nakaka-challenge at the same time.

"’Tsaka nakakataba ng puso dahli ano...binigyan ako ng tiwala, ganito kabigat na tiwala, na bihira ibigay sa mga artista ngayon.

"Tapos, masyadong mabibilis yung mga nangyayari.

"Right after Mula sa Puso, meron na agad kasunod sa serye.

"So nasa-shock ako, at the same time thankful sa ABS.

"So, dobleng kayod para maibalik ko man lang yung pagtitiwala nila sa akin, lalo na sa unit ni Direk Lauren [Dyogi]."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM pagkatapos ng guest appearance niya sa ASAP Rocks noong Linggo, November 6.

Aminado naman si JM na may pressure siyang nararamdaman ngayong may sarili na siyang serye.

Aniya, "Hindi naman nawawala yung pressure. Pero ginagamit ko na lang.

"Hindi ko hahayaan na maging block yun para hindi ako makaarte nang maayos."

JM’S TIME. Matagal na ring nasa pangangalaga ng ABS-CBN si JM.

Pero ngayon pa lang talaga siya napapansin at nabibigyan ng magagandang proyekto ng Kapamilya network.

Masasabi ba ni JM na dumating na rin ang panahon niya?

Ayon sa young actor, "Ayokong isipin o ayokong dumating sa ulo ko na panahon ko ito.

"Ang mas pinanghahawakan ko ngayon yung grabeng tiwala na binibigay sa akin ng management, ni Direk Lauren.

"A...dun ako nagpo-focus, paano ko ibabalik ito [tiwala].

"Actually, alam ko na kung paano. Abangan ninyo na lang."

BINATANG AMA. Ang pagiging binatang ama ba niya ay hanggang sa serye lang?

Hindi ba darating sa puntong magiging binatang ama rin siya sa totoong buhay?

"Ako, gusto ko talaga ng pamilya. Gusto kong magkaanak, gustung-gusto ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa sobrang gustung-gusto ko, ayoko pa ngayon.

"Dahil gusto ko yung lalabas na lang sila [mga anak], tapos yung okey na, yung ready na lahat.

"Yung meron na akong ipon, yung kumpleto na lahat, ganun."

So, kaya niyang hindi makabuntis kahit pa gustung-gusto na rin niyang magkaanak?

"Kaya," sagot ni JM.

Paliwanag pa niya, "Dahil ayokong maghirap.

"Naranasan ko rin yung hirap, e. Ayokong maranasan din ng mga anak ko."

TANDEM WITH CHARRIE. Si Charrie Pineda ang kapareha ni JM sa Angelito. Sila rin ang naging pareha sa Mula Sa Puso.

Sabi ni JM tungkol dito, "Nakita siguro ng management ng ABS na maganda yung kinalalabasan ng loveteam namin.

"Kaya, ayun, binigyan ulit kami ng chance na mag-partner ulit dito naman sa Angelito."

May kissing scene ba sila ni Charrie sa Angelito?

"Hindi lang kissing scene. Siyempre bago magkaanak, kailangang may mangyari!" tawa ni JM.

NADIA MONTENGERO. Samantala, headline kamakailan sa isang tabloid na diumano’y madalas magbabad sa condo unit ni JM ang aktres na si Nadia Montenegro.

Gaano katotoo ito?

"Hindi siya nagbababad," tanggi ni JM.

"Alam ninyo, si Tita Nadia, dumaan lang siya isang beses sa condo, nagdala lang ng pagkain sa amin.

"Kasi mabait lang sa amin si Tita Nadia.

"Actually, pag nalalaman niya na wala kaming ginagawa, pinagluluto niya kami ng pagkain, yun lang,"

Naging close daw si JM kay Nadia dahil kaibigan niya ang mga anak nitong sina Alyssa, Ynna, at Annika.

Sinasabi ng iba na "nega"—salita sa showbiz na nangangahulugang "negative influence" o "bad news"— si Nadia Montenegro.

Kaya hindi raw dapat hinayaan ni JM na madikit ang pangalan niya rito.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Eto lang ’yan, e. Kung nega siya, bakit ako lalapit sa kanya?

"Kung may ipinapakita siyang masama sa akin, bakit ako lalapit sa kanya?

"Sa akin, wala siyang masamang...kung may isyu man siya sa iba, labas na ako dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan ay napabalitang may hidwaan sina Nadia at ang dating kaibigang si Gretchen Barretto.

Sa kasalukuyan ay may hidwaan sina Nadia at ang dati ring kaibigang si Annabelle Rama.

"Pero sa relationship ko bilang kaibigan sa kanya, wala siyang masamang intensiyon sa akin," pagtatanggol ni JM kay Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN