Genelyn Magsaysay accuses Revilla family spokesperson Portia Ilagan of betraying her; asks prayers and help from all saints and the Megastar

Genelyn Magsaysay (main photo) posts on Facebook about Portia Ilagan (inset): "Portia Ilagan, spokeperson ni Sen.Bong, kilala mo ako. I’m so kind to you. You are betraying me. God knows everything, you know it very well. Fear God!!! STOP LYING!!!""


Ang mga social networking site na Facebook at Twitter ang ginagamit ni Genelyn Magsaysay at ng kanyang mga anak para ipahayag ang kanilang mga saloobin tungkol sa malaking pagsubok na kinakaharap ngayon ng pamilya nila.

Ilang araw matapos ilibing ang anak na si Ramgen Revilla noong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 2, naging aktibo si Genelyn sa Facebook.

Bukod sa hiling na mga dasal, mga Bible quotations ang naka-post sa account niya na nananatiling bukas sa publiko.

PORTIA ILAGAN. Ginamit din ni Genelyn ang kanyang Facebook account para sagutin ang mga pahayag ni Portia Ilagan sa Paparazzi noong Linggo, Nobyembre 6.

Si Portia, dating movie reporter, ang spokeperson ng pamilya nina former Senator Ramon Revilla, Sr. at kasalukuyang Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Sa kanyang live interview sa Paparazzi, ikinuwento ni Portia ang ilan sa mga nagaganap sa tahanan ni Genelyn.

Kabilang na rito ang diumano’y pagkainggit ni Genelyn kapag may mga bagong sasakyan ang mga anak ni Senator Bong Revilla, Jr. na sina Bryan at Jolo.

Ilang minuto pagkatapos ng pagsasalita ni Portia sa Paparazzi, sinagot agad ni Genelyn sa Facebook ang kanyang mga pahayag:

"Portia Ilagan, how did you know things about me, do you visit me? As I know, malapit ka sa mommy nila Sen. Bong, mas kilala mo sila at lahat ng lihim ng Revilla. Don’t be biased. Bigyan mo ng katarungan ang mga anak ko!!!

"Portia Ilagan, spokeperson ni Sen.Bong, kilala mo ako. I’m so kind to you. You are betraying me. God knows everything, you know it very well. Fear God!!! STOP LYING!!!"

MY CHILDREN ARE INNOCENT. Naka-post din sa Facebook account ni Genelyn ang paniniwala nitong inosente ang kanyang mga anak na sina Ramona at Ramon Joseph.

Sina Ramona (Mara) at Ramon Joseph (RJ) ay idinadawit sa pagpatay sa kapatid nilang si Ramgen (Ram).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakulong pa rin si RJ sa Parañaque City Jail, mula noong isinuko siya ng half-brother na si Bong Revilla.

Si Mara naman ay tinatayang nasa Turkey na ngayon, sa piling ng kanyang Turkish husband.

Nakatakda ngayong araw, Nobyembre 8, ang preliminary hearing sa kaso na kinasasangkutan ni RJ. (CLICK HERE to read related story.)

RJ’S FACEBOOK POST. Hindi na ma-access ang Facebook account ni RJ sa kasalukyan.

Pero habang nakakulong ito, may nag-upload ng mga litrato ng kanyang page-guest sa The Sweet Life at Master Showman.

Nang maaresto si RJ ng mga pulis, nakapag-post pa siya ng mensahe sa kanyang Facebook account.

Ito ang nilalaman:

"We need justice not for myself but also for my brother. We need all your prayers. Help us.We need all of you."

GENELYN ASKS FOR PRAYERS AND HELP FROM SAINTS AND THE MEGASTAR. Samantala, patuloy si Genelyn sa paghingi at paghiling ng dasal mula sa mga tao at santo, at malinaw ito sa kanyang FB post noong Linggo, Nobyembre 6:

"Brothers and sisters, let’s have one accord in praying for Ramon Joseph to be out from jail and Ramona to find justice, for Ramgen to find the real killer.

"I’m strong in the Lord. I need the support of the saints in every locality around the world, my children are innocent. Please pass."

Pagkatapos humingi ng tulong mula sa mga santo, ang Megastar na si Sharon Cuneta naman ang hiningan ng tulong ni Genelyn sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Inilagay ni Genelyn sa account nito ang litrato nila ni Sharon na kuha noong mga bata pa sila, at ang pakiusap na "Tita Sharon, please help me! I’m also a Christian... I need your prayers!!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN