Beauty queen Helen Morgan returns to Miss World event 37 years after returning her crown

Helen Morgan, the Welsh beauty queen who won the Miss World title in 1974, was one of the special guests in this year’s edition of the beauty pageant. Helen resigned after the organizers discovered that she already had a child. Helen also finished Miss Universe 1974 First Runner Up, when the pageant was held in the Philippines.


Hindi lamang ang tagumpay ni Gwendoline Ruais sa 2011 Miss World ang pinag-uusapan ng mga Pinoy na mahilig sumunod sa mga kuwento ng international beauty contests.

(CLICK HERE to read related story.)

Naging makahulugan din ang 60th anniversary at coronation night ng 61st Miss World sa Earls Court Two, London, England, noong November 6 (November 7, Lunes, madaling-araw sa Pilipinas).

Ito ay dahil sa pagdalo ni Helen Morgan.

Si Helen Morgan ang 1974 Miss World winner.

Siya ang kauna-unahang beauty queen na nagbitiw dahil nadiskubre ng pageant organizers ang pagkakaroon niya ng anak.

Pagkalipas ng 37 taon, muling nagbalik sa isang Miss World event si Helen.

Ipinahanap at inimbitahan kasi siya ni Julia Morley, ang kasalukuyang head ng Miss World at asawa ng founder nitong si Eric Morley.

Twenty-two years old si Helen nang maging delegate siya ng United Kingdom sa Miss World at mapanalunan niya ang title.

Nagkaroon kasi noon ng mga alegasyon sa media na kasal na siya at nakikipagrelasyon sa isang lalaking may asawa.

Fifty-nine years old na ngayon si Helen at maganda pa rin siya.

Thirty-eight years old naman ang kanyang panganay na anak na si Richard, ang batang sinasabing anak na ni Helen nang sumali ito sa Miss World at Miss Universe pageants noong 1974.

PINOYS KNOW HELEN MORGAN. Pamilyar din ang mga Pinoy kay Helen dahil siya ang nag-represent sa Wales sa 1974 Miss Universe na idinaos sa ating bansa.

Ginanap ito sa Folk Arts Theater noong July 19, 1974.

Si Helen ang itinanghal na first runner-up sa Spanish beauty queen-actress na si Amparo Muñoz, na yumao na.

Bago siya umalis ng Pilipinas, nakagawa si Helen ng pelikula—ang Isang Gabi sa Buhay ng Isang Babae.

Sa naturang pelikula na ipinalabas noong 1976, nakasama ni Helen sina Joseph Sytangco, Lito Legaspi, at Anita Linda.

HIDING HER PAST. Sa interview ni Jonathan Owen kay Helen para sa United Kingdom newspaper na The Independent, sinabi ng dating beauty queen na nagdulot ng trauma sa kaniya ang mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya inilihim daw niya ng maraming taon ang kanyang nakaraan bilang isang winning beauty queen ng dalawang global beauty pageants.

Itinago niya raw sa kahon ang kanyang Miss World trophy at damit.

Pero nalaman din ng publiko ang kanyang sikreto dahil sa mga kuwento ng asawa at mga anak niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN