Protégé contestant Lirah Bermudez touched by full support of DongYan fans

Lirah Bermudez on the full support given her by DongYan fans: "Sa mga DongYan po, marami pong salamat sa kanila, sa support po nila. At sana po, patuloy nila akong susuportahan hanggang sa huling journey ko po."


Bukod sa angking talento sa pag-awit ni Lirah Bermudez, isa ring dahilan ng pag-audition niya sa Protégé—ang singing talent search ng GMA-7—ay ang pangarap niyang pagalingin ang kapatid na may brain cancer.

Pero sa kasawiang palad, hindi na napanood ng kapatid ni Lirah ang performances at pakikipagsapalaran niya sa show nang sumakabilang-buhay ito noong Setyembre 9.

Tubong Capiz, Roxas City, ang 13-anyos na dalaga.

Kilala na rin ito bilang protégé ni Janno Gibbs sa reality-based singing competition ng GMA-7, na hosted by Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, at Jennylyn Mercado.

THE ELIMINATION. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lirah noong Linggo, November 6, sa SM Mall of Asia Centerstage.

Ito ay bago maganap ang gala performance at elimination night ng Protégé.

Ayon kay Lirah, nalulungkot siya tuwing may natatanggal sa kanilang magkakasama.

Sa kasalukuyan, pito na lang silang natitirang magkakatunggali.

Bukod kay Lirah, nandiyan pa rin sina:

Nomer Limatog (protégé ni Rachelle Ann Go);

Lovely Embuscado (protégé ni Jaya);

Kenneth Monico (protégé ni Jay-R);

Krizza Neri (protégé ni Aiza Seguerra);

Jensen Tenoso (protégé ni Claire dela Fuente);

at So Wat (protégé ni Rey Valera).

Ayon kay Lirah, "Medyo malungkot po, kasi unti-unti na po kaming nababawasan.

"Parang naaano po, every Sunday, na may natatanggal po, parang hinahanap-hanap po namin, parang may kulang po talaga."

"Bring Me To Life" ng Evanescence ang awiting napili ni Lirah na ipinanlaban niya noong Linggo.

Ito rin ang nagpasalba sa kanya dahil hindi siya na-eliminate.

Ayon kay Lirah, bukod sa kanyang pamilya, ang kanyang yumaong bunsong kapatid ang nagsisilbing inspirasyon niya magpahanggang ngayon.

THE COMPETITION. Sinabi rin ni Lirah hindi siya nakasisiguro kung aabot siya hanggang sa huling yugto ng kumpetisyon.

Sino sa palagay niya ang mahigpit niyang kalaban sa mga natitirang protégés?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang lahat po... siguro, si Lovely po.

"Kasi, magaling naman po siyang kumanta, tapos sobrang taas po ng boses niya.

"Parang siya po ang nakikita ko."

Ano naman ang edge na meron siya na wala ang iba?

"Naku, siguro po nakakapag-compose po ako ng mga songs," mabilis niyang sagot.

Kabilang daw sa mga idolo ni Lirah sina Beyonce, Taylor Swift, at Regine Velasquez.

Kapag siya ang nanalo, ano ang plano niya sa matatanggap na prize?

"Una po, tutulungan ko po ang pamilya namin sa mga pangangailangan namin at sa pag-aaral din po namin at ng isa ko pa pong kapatid.

"Pero sa totoo lang po, hindi ko pa po iniisip.

"Sabi ko sa sarili ko, magko-concentrate muna ako step by step po.

"Hindi ko pa po iniisip kung makakaabot po ako sa finals, hindi pa po," pahayag ng dalagita.

Unang taon pa lang ni Lirah sa Capiz National High School, pero tumigil muna siya dahil nga sa pagluwas niya ng Manila at pagsali sa Protégé.

JANNO AS MENTOR. Natawa naman si Lirah nang tanungin ng PEP tungkol sa pagtatampo niya sa mentor na si Janno Gibbs dahil hindi siya napupuntahan nito.

Sabi ni Lirah, "Okay na po kami ng mentor ko. Kasi, nakapag-usap na po kami.

"Medyo naging busy po kasi siya at nagkasakit din po siya."

Pero kung sa pagiging mentor din lang ang pag-uusapan, masaya naman daw siya na si Janno ang mentor niya.

Ani Lirah, "Sobrang suwerte ko po na siya ang mentor ko.

"Kahit minsan na hindi po niya ako nadadalaw, alam ko naman po na grabe po yung support niya sa akin.

"Palagi niya po akong ina-advise ng mga kailangan kong gawin."

Hindi rin itinanggi ni Lirah na binigyan siya ni Janno ng damit ng anak nito para maisuot niya.

"Noong concert niya po sa Music Museum, binigyan niya rin po ako ng damit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos noong live performance din po," dagdag niya.

FAN SUPPORT. Sa ilang online sites ng fan pages ng DongYan—bansag sa hukbo ng mga tagahanga nina Dingdong Dantes at Marian Rivera—makikitang todo ang suporta nila para kay Lirah.

Madalas ay aktibo ang mga ito sa pag-post at pagkampanya para makaani pa ng mas maraming boto si Lirah.

Tinanong namin si Lirah kung alam niya ang naturang suporta na ibinibigay sa kanya ng DongYan fans.

Buong-puso rin kasing tinatangkilik ng fans ni Dingdong ang iba pang artista, tulad ni Janno, na kabilang sa management agency na PPL Entertainment, Inc.

Ang PPL Entertainment, Inc., na pinamumunuan ni Perry Lansigan, ang namamahala sa mga careers nina Dingdong, Janno, Geoff Eigenmann, Jolina Magdangal, Rochelle Barrameda, Arthur Solinap, at marami pang iba.

May message ba si Lirah sa mga DongYanatics, at gayundin sa iba pang patuloy na bumoboto sa kanya?

"Sa mga DongYan po, marami pong salamat sa kanila, sa support po nila.

"At sana po, patuloy nila akong susuportahan hanggang sa huling journey ko po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN