Kyla is excited to be Mrs. Rich Alvarez: "Finally, magkakaroon na ako ng apelyido!"

"Actually, mas lalo akong kinakabahan ngayon, kasi malapit na talaga, bilang na lang yung mga araw," says Kyla about her wedding to basketball star Rich Alvarez.


Nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang R&B Princess na si Kyla kaninang tanghali, November 9, sa Center Stage, Tomas Morato.

Ito ay para sa kanyang solo concert sa Teatrino Greenhills na gaganapin sa November 11, Friday.

Kapansin-pansin ang kakaibang glow at pagka-blooming ng singer, marahil dahil siguro sa nalalapit nitong kasal sa kanyang basketbolistang boyfriend na si Rich Alvarez, na kabilang sa koponan ng Talk N’ Text.

Sa November 28, Monday, ang petsa ng kanilang kasal.

Excited na si Kyla sa kanyang nalalapit na kasal, pero tulad ng ibang ikinakasal, hindi raw maaalis ang kaba sa kanyang dibdib.

"Grabe, malapit na, two weeks from now...sa November 28 na!" bulalas ng R&B Princess.

Aniya pa, "Actually, mas lalo akong kinakabahan ngayon, kasi malapit na talaga, bilang na lang yung mga araw.

"Finally, magkakaroon na ako ng apelyido!" pabiro nito.

Ang tunay na pangalan ni Kyla ay Melanie Hernandez Calumpad.

ENTOURAGE. Traditional church wedding daw ang gagawin nina Kyla at Rich, pero hindi pa nagbigay ng ibang detalye ang bride-to-be.

Gaya ng kung saan simbahan ito gaganapin at kung sinu-sino ang mga magiging ninong at ninang nila.

"E, surprise na lang!" natatawang sabi ng singer.

"Basta malalaman n’yo na lang, surprise. Mahirap na, e.

"Magugulat na lang kayo!"

Ang kinumpirma lang ni Kyla ay kinuha raw nilang ninang si Regine Velasquez-Alcasid, na nagsilang ng una nitong anak na si Nathaniel James kagabi, November 8. (CLICK HERE for related article)

WEDDING SINGERS. Natanong din ng PEP kay Kyla kung sino ang mga kakanta sa wedding nila.

"A, actually, napag-usapan na po namin yun ni Rich.

"Na yung mga kaibigan namin sa industriya yung kakanta, yung mga kakanta sa wedding," pahayag niya.

Sinu-sino?

"A, surprise na lang po kung sino yung mga kakanta, but definitely yung mga kaibigan sa industry," sagot ni Kyla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Pero mas nae-excite ako kasi kakanta sa wedding ko yung parents ko. Kasi may grupo sila, e, Bagong Himig.

"So, ayun, kakanta sila sa wedding."

WEDDING GOWN. Naikuwento rin ni Kyla ang pagfi-fit nito ng wedding gown kagabi.

"Ang ganda niya!

"Nakakatuwa lang talaga, mas lalo akong nae-excite," bungisngis ni Kyla.

Sino ang designer ng wedding gown niya?

"Yung friend ko na si Cocoy Lizaso ang gumawa ng gown ko.

"Yung suit naman ni Rich, gawa ni Randy Ortiz."

HONEYMOON. Napag-usapan na raw nila ni Rich na male-late ng konti ang kanilang honeymoon.

Paliwanag ni Kyla, "Kasi nga, medyo busy din siya dahil sa basketball niya.

"Hopefully, next year, sa June, para matagal din yung travel at marami mapuntahan.

"Balak namin, marami yung ma-visit naming lugar.

"Pero gusto talaga namin sa Europe ang honeymoon namin."

NUMBER OF KIDS. Pagdating naman sa pagkakaroon nila ng anak ay hindi naman daw sila nagmamadali.

Ani Kyla, "One step at a time siguro.

"Pero kung ibibigay naman ni Lord, di ba, why not?

"Pero kung hindi pa din, ayos lang."

Ilan naman ang balak nilang maging baby?

"One dozen sabi ni Rich!" sabay tawa ng R&B Princess.

Pero bawi niya, "Hindi, ahm...dalawa lang, dalawa."

READY TO BE A WIFE. Ready na nga bang maging misis si Kyla at sumabak sa mga gawaing-bahay?

"A, oo naman! Excited na!

"Nagpa-practice na nga akong maglaba, e.

"Kamay pa yun, ha, nagkakasugat na nga ako, e!" biro ng singer.

Nagluluto na rin ba siya?

"A, yes, nagpa-practice na rin ako."

Ano ang specialty niya?

"A, nagluto ako ng special fried rice," bungisngis ni Kyla.

Dagdag pa niya, "At yung beef stew na something, ayun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN